Chrim's PoV
Nakabusangot akong kumakain ng barbeque habang nakatingin sa mga estudyante ng WA. Masaya silang nagkukwentuhan ngayong break time. Kakatapos lang ng HIH class ko. Grabe ang ingay nila kanina. Wala naman kaming ginawa kundi basahin sa laptops namin ang last 10 chapters ng season 1. Nabored nga ako e. Ewan ko talaga kay Kuya kung bakit niya tinanggap yung teacher na 'yon. Hindi ko siya ipinasa nung interview pa lamang pero ipinilit ni kuya na makapasa siya. Nakakainis lang na HIH pa ang hinandle niya! Can someone give justice for HIH? Damn!
"Kawawa naman yung barbeque." Napatingin ako kay Ate Kring nang umupo ito sa tabi ko.
"I saw that." Sabi pa nito.
"What?" Takang tanong ko.
"The way you look at that guy a while ago." Sabi nito na nagpadiin ng kagat ko sa barbeque. Lumingon ako kung saan ako nakatingin kanina and saw a handsome guy playing soccer with the others. Uhh, may soccer ball kami dito sa WA? Kuya didn't mention that.
"Ahh, I'm not looking--," she cut me off.
"Right, you're staring." Nilingon ko siyang muli.
"Well, kinda. Iniisip ko kasi kung paano ko papalitan yung HIH teacher. She's boring." Sabi ko.
"Aww, kawawa naman yung lalaki." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Huh?"
"Siya pa ang tiningnan mo habang pinapatay mo yung teacher sa isip mo." Natatawang sabi nito. Natawa din ako.
"Grabe naman, hindi ko naman pinapatay." Depensa ko at napalingon sa lalaking umagaw sa barbeque ko.
"What--," I was cut off when he gave me a clubhouse sandwich.
"Don't just eat pork. Learn to eat vegetables. You'll die early." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya pero agad ko rin iyong ibinalik, this time it's a fake one.
"Lahat tayo mamamatay." Sabi ko na lang at kinain ang binigay niyang sandwich. Nagkibit balikat ito at naglakad patungo sa trash bin at itinapon doon ang barbeque ko na apat pa ang laman.
"Hey! That's my favorite." Sabi ko. Bumalik na ito sa tabi ko.
"Your favorite can kill you."
"You don't have the right to say anything about me dying." Napatikom din ang bibig ko nang masabi ko iyon. I didn't mean to say that.
"Whatever." Sabi nito at naglabas ng isa pang sandwich mula sa bag niya. Dalawa talaga ang dala niya? Para sakin talaga ito? Lihim akong napangiti doon.
"Uy concern siya sa'yo." Bulong ni--
"Kuya Louie?" Napalingon ako sa likod ko kung saan naroon si Kuya Louie at malapad na nakangiti sa akin.
"Hi Chrim." Bati nito. Umupo siya sa tabi ni Kuya Melrein.
"Excuse me po. Kailan po magstart ang club meeting?" Napalingon ako sa nagtanong. I guess she's 14 or 15 years old.
"Tomorrow." Nakangiting sagot ko dito. Ngumiti ito at nagpasalamat bago akmang aalis nang magtanong ako ulit.
"What's your name? What club?" Tanong ko.
"Jonalyn po. Fantasy." Lalong lumawak ang ngiti ko. She's attending--I mean she'll attend the same club that I will.
"Oh, hi I'm Chrim and this is ate Kring. We're both from Fantasy club too." Nakangiting saad ko rito. Napalingon ako sa kaliwa ko nang may nag "Tss" dito. Oo nga pala, fantasy din ito dahil walang slot sa Horror.
"This is Kuya Melrein also from Fantasy Club." Pagpapakilala ko din.
"Nice meeting you po!" Nakangiting sabi nito bago tumakbo paalis.
"I--," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil umalis nadin si Kuya Melrein. Tsk, di man lang nagsabing aalis na siya.
"You know what, bagay kayo." Napalingon ako kay kuya Louie na nakatingin sa papalayong si Kuya Melrein" bago ito lumingon sa akin.
"What are you saying? Hindi pwe--," he cut me off.
"You can't stop yourselves if that's what going to happen." Sabi nito bago umalis. Babastos ng mga taong ito.
"He's right, cous." Lumingon ako sa likod ko. DAMN! BAKIT ANG HILIG NILANG SUMULPOT KUNG SAAN SAAN?
"Christiiiiine!" Sigaw ko dito at niyakap.
"Easy there cous." Natatawang sabi nito.
"Siya lang ang may yakap?" Tanong ni--
"Ate Lance!" Sigaw ko ulit at humiwalay sa yakap kay Christine at siya naman ang niyakap. They're my cousins from Paris. Sabi nila ay next week pa ang balik nila sa Phils para sa WA.
"I miss you too, Chrim. Anyway, who's that guy? He's cute." Sabi ni ate Lance.
"Sino?" tanong ko.
"The first one to leave. Yung sinabi nung lalaking bagay kayo. In fairness, tama siya. You know, opposite attracts. He seems snob and cold and you're childish and talkative." Sabi nito.
"Ate Lance!" Awat ko rito.
"Kidding. Who's this beautiful girl beside you?" Sabi nito at inginuso si ate Kring.
"Oh! She's ate Kring." Nakangiting sambit ko.
"Hi! I'm Lance and this is my sister, Christine." Pagpapakilala ni ate Lance.
"Hi," nahihiyang bati ni ate Kring at tinanggap ang kamay ni ate Lance. Nakipagkamay din ito kay ate Christine.
"Where's Ate Paula?" Tanong ko. Ate Paula's also their sister, next to ate Lance.
"Here." sabat ni ate Paula na nasa likod ni ate Lance.
"Oh, hi there beautiful. I'm Paula." Sabi nito at kinuha ang kamay ni ate Kring bago ito hinalikan.
"Paula!" Ate Lance said with a warning tone.
"What?" Natatawang sabi nito. Uhh, well Ate Paula's a bisexual.
"Have you seen Kuya Christian?" I asked. Umiling silang tatlo.
"Ohh, mamayang gabi pa ang dating niya rito sa Pilipinas." Sabi ko. May tinapos pa kasi si Kuyang trabaho na pinagawa ni Lolo before he takes full responsibility for WA.
"Let's go to the admin's office first." Sabi ko at tumayo nang biglang sumulpot si Kuya Louie.
"Uyy, gusto niyang makita." May mapang-asar na ngiti ito.
"Oh shut up!" Iritang sabi ko.
"Akala ko umalis ka na?" Tanong ko.
"Nag-CR lang ako. Dapat ba sabihin ko pa 'yon?" Natatawang sabi niya. Napailing nalang ako.
"And who are these beautiful ladies here?" Tanong nito.
"Not my cousins, Kuya Louie, not my cousins." Naiiling iling na sabi ko bago naglakad palayo. I heard from Kuya Melrein that he's a jerk when it comes to girls.
Pagdating sa admin's office ay napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng parang nag-init at may something na nagpaparty sa mga organs ko especially on my stomach. Nakasilip ako sa bintana kung saan kita si Kuya Melrein na nagpapaikot ng ballpen sa kamay nito habang nakataas ang mga paa sa lamesa niya.
What the hell is happening to me? Natatae ba ako?
...
BINABASA MO ANG
Wattpad Academy
Mystery / ThrillerHIGHEST RANKS ACHIEVED: #1- Teens (11-28-18) #3- Teen Fiction (11-28-18) Welcome to Wattpad Academy, your dream summer school but can also give you the worst punishment. An academy that was built and is still ruled by the teens. An academy that ever...