Chrim's PoV
Sabi ni Kuya Christian, I should be strict and cold hearted daw pero hindi ko talaga kayang hindi ngumiti. I can't help but to be approachable. Kainis, why am I born this way?
"Good afternoon," Napalingon ako sa may pinto at literal na natulala ako. He's not that handsome if you're thinking that. He's not also ugly. I don't know why, I just want to stare at him? What the freaking hell Chrim?
"Good aftie," nakangiting bati ko dito pero hindi niya ako ginantihan ng ngiti. Ay pabergin si koya. Charot, I mean suplado si koya.
"How may I help you? Please take a sit." Balak niya kasi yatang maging guard ko't ayaw umalis sa may pinto e.
"I want to apply as administrator." Napatango tango ako. I think I should-no Chrim! Sabi ni Kuya Christian, interviewhin mo muna.
"Ok, what's your name?" I asked trying to hide my smile pero mukhang hindi ko kontrolado ang sarili kong labi. Ewan ko ba, automatic akong ngumingiti kahit kanino, kahit sino ang kausap ko.
"I'm Melrein. Melrein Vincent Gellang."
"Cute naman ng name mo. Saan galing?" Hindi ko na napigilang magtanong.
"From my parents." Napatikom ang bibig ko. Pilosopo si Koya.
"How old are you?" I asked again.
"I'm 17. Turning 18 on August 8." Napanganga ako sa isinagot niya. August 8? Magkabirthday sila ni Mommy?
"Seriously?" I asked unbelieving.
"Yeah. Do I look like I'm joking?" Muling napatikom ang bibig ko. Iba ka koya! Sige na nga, kuya na. Nawei-weirdu-han na ako sa koya. Hahaha
"Hindi. Anyway, why should I hire you?" I asked again. Tama ba itong mga itinatanong ko? Oh shoot! Sabi ni kuya dapat daw ang sasabihin muna ay "Tell me something about yourself." Omg, sorry kuya. Sa susunod na candidate este applicant nalang 'yon.
"I think you should hire me because it will be a big privilege for me and I can't promise but I will be a responsible admin. I will help you with anything and everything I can." Teka. Teka, may sinabi ba akong english dapat? Ayoko naaaa. Pag nagtanong pa ako, feeling ko dudugo na nose ko kay Kuyang kabirthday ni Mommy.
"Sige Kuya, you may go. Wait ka nalang ng result. Syempre di lang naman ikaw yung mag-aaply no?" Sabi ko. Tinanguan lang ako nito't lumabas na ng office ko.
Ang mga sumunod na applicants ay nakakaboring na pero mayroon namang ok lang din gaya nina:
"Kaya kitang tulungan sa abot ng makakaya ko. Marunong ako sa maraming bagay lalo na sa pagdidisiplina." Sagot yan mula kay Ate Venus, 21 years old.
"Una sa lahat, wattpader ako kaya naman marami na akong alam sa iba't-ibang larangan Ng buhay. Maaasahan mo ako sa kahit na ano, wag lang sa math, girl." Sagot yan mula kay Ate Julie, 21 years old din.
Mayroon pang iba pero may isang nakaagaw ng pansin ko.
"Kaya kong higitan sina Batman, Superman at kung sino pa mang man dahil ako ang best man! Ay teka, parang sa kasal yata 'yon. Ah basta! Makakatulong mo ako kahit saan dahil nga kaya ko silang higitan!" Taas noong sagot ni Louie, 17 years old din.
Silang apat lang ang napili kong maging administrators. Pumunta ako sa broadcast room at nakita doon ang dalawang estudyante, sina Elle at Caleb na inatasan kong magasikaso ng Broadcast room.
"Paki announce ang new admins." Sabi ko at iniabot ang papel sa kanila bago sila nginitian at bumalik sa office ko.
...
Melrein's PoV
Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang pumasok sa kwarto ko si Louie. Dormmate ko siya. Ang dorms dito ay bahay bahay at mayroong dalawang kwarto kada bahay. Ito ay nasa likod na parte ng eskwelahan.
"Woohooo! Ooh yeah! Pasok tayo 'pre!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Where?" I asked confused.
"Admins! Head administrators tayong dalawa 'pre!" Sbai nito at may pasuntok pa sa hanging nalalaman. Napailing nalang ako bago nagtanong,
"You applied? You got in?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"'Pre naman! Wala ka talagang bilib sa'kin!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama't lumabas.
"Wala talaga." Sabi ko sa kanya nang madaanan ko siya sa harap ng pinto.
"Fvck you, pre!" Sigaw nito.
"Back to you!" Sigaw ko pabalik bago nagtungo sa office ni Chrim. Nakita ko siyang may kausap sa phone kaya nagsenyas ako na ituloy niya lang bago ako naupo sa upuan sa harap niya.
"Ok kuya. I gotta go, bye!" Ang huli kong narinig bago niya ibaba ang cellphone niya.
"What can I do for you kuya Melrein?" She asked.
"Can I have the tasks I should do?" I asked back.
"Oh! All you have to do is keep an eye on every student. Remember the rule? Syempre common sense nalang na bawal mag-away sa school. Natural, school 'to. But you should be more focused on our main rule." Seryosong saad niya but smiled afterwards. She loves smiling, huh? What kind of a girl are you? Parang walang problema sa buhay.
"Can I ask why? I know you have other explanation about that." Sabi ko na ikinawala ng ngiti nito. Ok? What did I do?
"I'm sorry. I shouldn't tell you." Napatango ako sa isinagot niya.
"Then what punishment should I give those who'll be breaking the rule?" I asked. Bumalik ang ngiti niya pero hindi kagaya ng ngiti niya kanina. Punong puno ito ng kalungkutan. Seriously again, what kind of a girl is she? Smiling a sad smile?
"Nothing. They will be the ones punishing themselves." Sabi nito at hindi na nawala ang ngiting malungkot niya.
Hindi ko naintindihan ang gusto niyang iparating sa akin. What does she mean by that?
...
BINABASA MO ANG
Wattpad Academy
Mystery / ThrillerHIGHEST RANKS ACHIEVED: #1- Teens (11-28-18) #3- Teen Fiction (11-28-18) Welcome to Wattpad Academy, your dream summer school but can also give you the worst punishment. An academy that was built and is still ruled by the teens. An academy that ever...