Chapter 33- Her tears

76 6 4
                                    

Chrim's PoV




"JUN!" Napasigaw ako sa biglaang pagpreno ni Jun ng sasakyan.

"S-sorry. Narito na tayo." Napalibot ang tingin ko sa paligid.

"Nasaan ang kotse?" I asked. He pointed something on my right side. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. The car was totally wrecked in front of a big tree.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto sa gilid ko. Bago ko pa ito mabuksan nang tuluyan ay binuksan na ito ng mabilis ni Butler Jun at inalalayan akong bumaba. Parang napakabigat ng paa ko. Nakaalalay sa akin si Butler Jun hanggang sa marating namin ang kotse na pinalilibutan ng maraming tao.

"Excuse me. Nasaan na ang mga sakay nito?" Jun asked someone.

"Nadala na po sa hospital." Sabi nung babae.

"S-saang hospital?" May kaba rin sa boses na tanong ni Butler Jun.

"Sa pinakamalapit na ospital po dito." Sabi nung babae.

"Jun, tara na." Saad ko. Inalalayan niya ako pabalik sa sasakyan namin before he drove to the nearest hospital. It's the same hospital we've been bringing students from the Academy.

"May dinala po ba ditong naaksidente?" Jun asked. Nakahawak ako sa gilid ng tshirt niya.

"Meron po, proceed na lang po kayo sa right side, dulo po." Sabi nung nurse.

"B-bakit doon?" Lakas loob kong tanong. That can't be. Hindi maaaring naroon sina kuya.

"Hinahanap niyo po yung mga naaksidente diba? Dalawang lalaki, isang babae't isang batang babae?" Tanong nung nurse. Tumango naman ako.

"Naroon po sila." She said. Tuluyan na akong nanghina. Ang kapit ko sa gilid ng tshirt ni Butler Jun ay bumaba sa laylayan nito't napaupo ako sa sahig.

"Chris!" Tawag ni Butler Jun sa pangalan ko at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Jun.. s-si kuya. S-si Chrissa, si ate Clara!" Sunod sunod na sabi ko kasabay ng paglandas ng luha sa magkabilang pisngi ko.

"Ssh. Tara, puntahan natin ang kuya mo." Sabi nito at itinayo ako pero para bang wala na akong lakas. Nagpapatianod na lang ako sa pag-alalay niya sa akin.

Morgue

Iyan ang nakasulat sa itaas ng kwarto sa pinakadulo ng hallway.  Parang hindi ko kayang pumasok pero huli na para umatras dahil nahila na ako ni Butler Jun papasok.

Dahan dahan niyang binuklat ang kumot na nakatakip sa katawan na nasa harap namin. Agad akong napayakap sa kanya dahil sa nakita ko.

"Kuya.. kuya ko." Ang tanging nasabi ko habang humahagulgol.

"Sshh." Pagpapakalma ni Butler Jun.  Humiwalay ako sa yakap at tiningnan si kuya

"Bakiiit. Kuya, kuya kooooo. Bakit mo ko iniwan? Ate C-Clara, Chrissa. Chrissaaa" Patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Kayo na lang ang mayroon ako at si Lolo't Lola, bakit kailangan niyo kong iwan. B-bakiiiit?"

"CHRIMMY!" Nalipat ang tingin ng lumuluha kong mga mata sa lalaking halos di na makilala dahil sa bugbog sarado nitong mukha. Iika ika rin itong maglakad.

Agad akong tumayo at tinakbo ang pagitan naming dalawa. I hugged him as tight as I could.

"Kuya Melrein.. S-si Kuya.. Y-yung kuya ko." Iyak ko sa dibdib nito.

"Sshh Chrimmy, stop crying. Hihikain ka nanaman niyan e." Sabi nito at hinagod ang likod ko, trying to make me calm.

Pilit niya akong inihiwalay sa kanya bago hinawakan ang magkabila kong pisngi't pinunasan ito gamit ang mga daliri niya.

Wattpad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon