Heart Of The Empire

19.3K 511 73
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot sa masukal at madilim na kagubatang 'di kalayuan sa palasyo ng mga Montealegre. Halos hindi ko na nga ring maihakbang ang mga paa dahil sa pagod mula sa mabilis na pagtakbo kanina. Napabuntonghininga na lamang ako at mariing ipinikit ang mga mata.

Damn, I'm exhausted! Ilang minuto pa lang ako rito at halos sumuko na ang buong katawan ko!

"Move, Maddie!" mahinang utos ko sa sarili at pilit na iginalaw muli ang sariling mga paa. "Damn it!" gigil na bulalas ko noong napaupo na ako nang tuluyan sa malamig na lupa. I closed my eyes as I felt the pang of pain. Sa mahigit isang oras na pagtakbo ko kanina, ngayon lang tuluyang bumigay ang katawan ko. I'm not good at this. Itong tumakbo nang magpakalayo-layo mula sa mansiyon namin! Isang malaking achievement na ito para sa akin na umabot ako ng isang oras sa pagtakbo!

Muli akong napahugot ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Maingat kong inalis ang pawis sa noo at pinakiramdaman ang paligid.

Ito ang unang beses na umalis ako sa mansiyon ng mga Montealegre, mag-isa. Kung normal na araw lang ito, paniguradong nakasunod sa akin si Sora, isa sat aga-silbi ko sa imperyo ng pamilya namin, at natitiyak kong hindi niya hahayaan maging ganito ang kalagayan ko. But... today is different. Ni hindi ko ito kinausap buong maghapon para lamang sa plano kong ito. I'm leaving. Sawang-sawa na ako sa lugar na iyon. Ubos na ubos ako at kung mananatili ako roon, sigurado akong wala nang matitira pa para sa sarili ko.

I need to leave. To save myself, I need to be selfish.

"Nasa paligid lang yan!" Natigilan ako sa puwesto ko noong makarinig ng isang pamilyar na tinig. Damn it! Kahit anong bilis nang takbo ko ay talagang nahabol pa rin nila ako! "Halughugin niyo ang bawat sulok ng gubat na ito. We need to find her safe!" Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses nito. Oh boy. He's mad, really mad. Sa lakas at tono pa lang ng boses nito ay talagang malilintikan ako kapag mahanap niya ako rito! Damn me!

Napailing na lamang ako at mariing ikiniyom ang mga kamao. Alright! Kailangan kong makaalis na sa gubat na ito! Tiyak kong kapag mahanap nila ako ay muli nila akong ibabalik sa lugar na kinamumuhian ko! No! Hindi masasayang ang pagtakas ko ngayong gabi!

Maingat akong gumalaw at kagat-labing ikinilos muli ang katawan. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at hinawakan ang mahabang damit na suot ngayon. Handa na akong tumakbong muli ngunit isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay umagsak ng muli ang katawan ko sa may lupa. Oh, great! I'm so doomed! Hinang-hina na rin ang mga tuhod ko! I can't even move my own legs now! Now what to do? Hindi ako maaaring mahuli ng mga tauhan ng imperyo namin!

"Maddie!" Napapikit na lamang ako noong marinig ko ang galit na tinig na iyon. Dead end. Wala na akong takas pa mula sa kanya. He's already here, mad and surely will scold me till I surrender! "You stubborn woman!" He hissed as I felt his presence behind me. Napapitlag ako noong mabilis niya akong hinawakan sa braso at pilit na hinila patayo mula sa pagkakasalampak ko sa lupa.

"Aray!" Reklamo ko noong maramdaman ang higpit na hawak nito. "Let go of me! Ano ba! Nasasaktan ako!"

"Let go? Sa tingin mo ba hahayaan pa kitang takasan ako?" galit na tanong nito at pilit na pinaharap ako sa kanya. "Ipapahamak mo ba ang lahat ng taong naninilbihan sa pamilya mo? You'll be the death of those people, Maddison!" sigaw niya sa akin na siyang ikinatigil ko. Napaawang ang labi ko at sinalubong ang galit na mga mata nito. "Grow up, Maddie. Dapat ay hindi mo ito ginawa. Lalo kang mapapahamak sa ginawa mo ngayon!"

Napalunok ako at nagbaba nang tingin. Hindi ko kayang makipaglaban sa galit at nag-aalab nitong mga mata. Ngayon lang din sumagi sa isipan ko ang maaring maging resulta nang pagtakas ko kanina sa imperyo. Those people... they will surely suffer because of what I've done today. Sila ang pamamagalitan ng aking ama dahil sa ginawa ko.

"For once Maddison... can you just listen to our Highness? Stop this, please. Ikaw lang din ang mahihirapan sa sitwasyong ito. Please, just stop."

"I don't want to go home, Val," mahinang turan ko at napahugot na lamang muli ng isang malalim na hininga. Napapikit ako at mariing ikinuyom ang mga kamao dahil sa emosyong namamayani ngayon sa kabuuan ko. "Sawang-sawa na ako sa lugar na iyon. I don't want to be the prisoner of that place anymore!"

"You are not a prisoner, Maddison!" mariing sambit nito at hinigit ako papalapit sa kanya. "You are the future of that empire! The only one who can save them, who can save us. Alam mo kung gaano ka kahalaga sa pamilya mo!"

"Stop it!" sigaw ko at pilit na inalis ang kamay sa braso ko. Mahalaga? Ako? Nahihibang na ba itong si Val. Alam niya kung paano ako ituring ng sariling pamilya ko. Isa lamang akong Montealegre. Nothing more, nothing less. "Stop saying those words, Val!"

"No, you stop it!" Natigilan ako dahil ramdam na ramdam ko ang galit sa tinig nito. "Maddison, listen to me. We believe in you. Lahat kami ay alam ang kakayahan mo. We see you and your efforts, Maddie. And you were born to be the heart of this empire. You were destined to be the light of this world," anito habang hindi hinihiwalay ang tingin sa akin. "Kailangan ka namin, Maddie, so please, stop running away from us."

Napailing na lamang ako kay Val at matamang tiningnan ito.

No. I'm not the heart of our empire. I'm not the light of this rotten world. I'm just me. The powerless Montealegre. The one who will ruin our family's name.

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon