"Barrett!" tawag ko sa kanya noong marinig ang sigaw nito sa kabilang bahagi ng silid.
Tila nahihirapan na ito sa labang kinakaharap ngayon. Mariin kong itinapak ang kanang paa sa leeg ng kalaban ko at mabilis na itinarak sa dibdib niya ang hawak na espada. Segundo lang din ang lumipas ay nawalan na ito nang buhay kaya naman ay umatras na ako palayo sa katawan nito. Naiiling akong humugot ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili.
If I don't kill him, in return, he'll end my life. And I can't afford to die here! Kailangang maligtas ko muna si Aunt Catana!
Muling sumigaw si Barrett sa puwesto niya at mayamaya lang ay narinig ko ang malutong na mura nito. Mabilis akong kumilos sa kinatatayuan at binalingan si Barrett na ngayon ay sabay na inaatake ng dalawa pa naming kalaban. Damn it! Kung hindi lang talaga malakas itong si Barrett, I doubt kung makakatagal ito sa pressure na ibinibigay sa kanya ng mga kalaban ka. Hindi madaling kalaban ang isang high class wizard. What more kung dalawa itong nasa harapan mo? They were trained almost half of their lives to achieve that rank! Kung ikukumpara ang training na mayroon kami nila Barrett at Storm sa Salvatierra Empire, kalahati pa lang ang nagagawa namin o mas mababa!
"Barrett," tawag kong muli sa kaibigan at sinangga ang espadang dapat tatama sa balikat nito. "I'll deal this one," dagdag ko pa at mabilis na ikinumpas ang isang kamay sa kalaban. Agad din naman itong lumayo sa akin, maging ang kasama nito. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ko pa rito noong mamataan ang duguan nitong braso.
"I'm fine," mabilis na sagot niya at itinaas muli ang isang espada. Simple akong tumango rito at binalingang muli ang dalawang high rank wizard sa harapan namin. "You're both class S+ wizard. Anong ginagawa niyo rito sa Wilhelm Empire?" mariing tanong ko sa dalawa.
"Lahat ng wizard na narito sa imperyong ito ay iisa lang ang nais, Maddison Montealegre," sagot ng kaharap kong wizard at binalingan ang kasamahan nilang napatay ko kanina. Namataan ko ang pag-iba ng ekspresyon nito at muling binalingan kami. "Ang matalo ang Archmage."
"Are you out of your fucking mind? To defeat the Archmage? Really? He's too powerful for you, wizards. Ni hindi niyo magagawang magtaas ng espada sa kanya," seryosong sambit ni Barrett at sumugod muli sa dalawa.
"Barrett!" Damn it!
"Stop being delusional, wizards! Kung iyan ang ipinangako sa inyo ng mga Wilhelm, ako na mismo ang nagsasabi sa inyo, hindi niyo kayang kalabanin ang Archmage ng Agartha!" sigaw pa ni Barrett at mabilis na ikinumpas ang hawak na espada. Agad din naman akong kumilos at hinarap ang isa pang high rank wizard.
Mayamaya lang ay nakiita kong natigilan ito at pasimpleng binalingan si Barrett at ang kasama nito na ngayon ay parehong agresibo ang mga atake sa isa't-isa.
"Kung papanig ka sa amin, malaki ang posibilidad na matalo natin ang Archmage," seryosong sambit ng kaharap ko na siyang ikinataas ng kilay ko. "Catana Montealegre knew your power, your abilities. Isa ka sa makapangyarihang Montealegre sa henerasyon na ito."
Aunt Catana said that?
Napakuyom ako ng kamao at mahigpit na napahawak sa espada ko. Wala sa sarili akong napabaling sa katawan ni Aunt Catana at matamang tiningnan ito. She's still unconscious at patuloy pa rin ang pagdurugo ng sugat nito. Damn it! We need to finish this fight or else, we'll definitely loss her! Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at noong maramdaman ko ang pagkilos ng kalaban ko, agad akong naging alerto. But I was too late. I was caught off guard! Damn it!
"Join us, Maddison Montealegre," mahinang turan nito habang nasa likuran ko. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan at naramdaman ang talim ng espada nito sa leeg ko. "Ikaw na lang ang hinihintay ni Sir George. Ikaw at ang kapangyarihan mo."
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantasy[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...