Chapter 11

3.8K 221 3
                                    

Panay ang pisil ko sa kanang kamay ko habang hinihintay ang pagbubukas ng malaking trangkahan ng Salvatierra Empire. Ilang minuto na rin kaming nakaparada dito sa labas at dahil nga sa nangyari sa amin kanina, hindi kami puwedeng basta-basta na lamang lumabas sa sasakyang kinaroroonan. Muli akong bumaling sa likuran ng sasakyan at bigo akong napapikit noong makitang wala pa rin si Val Isaac. I sighed. Napaayos na lamang akong muli nang pagkakaupo at tiningnan ang trangkahan ng tahanan ng Archamage ng Agartha.

Tila sasabog na ang puso ko sa lakas ng kabog nito ngayon. I really can't handle the pressure Archmage Quiro is giving me. Idagdag pa na hanggang ngayon ay wala pa rin Val Isaac, lalo akong kinakabahan. Damn! I need him to be with me!

"Sora," tawag ko sa tagapangalaga ko. "Sa tingin mo ba magiging maayos lang si Val Isaac?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Hindi talaga ako mapanatag. Hindi mawawala ang pag-aalala ko sa kanya hanggang sa makita ko itong ligtas talaga mula sa mga taong sumusunod sa amin kanina.

"Don't worry about him. He can deal those Agarthians. At is pa, alam ni Sir Val ang daan patungo rito, Lady Maddie. Mauna na tayong pumasok sa palasyo ng Archmage at doon na lang natin hintayin si Sir Val," anito na siyang ikinabuntonghininga ko na lamang.

I know that Val's safe, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi mag-alala para sa kalagayan nito. Hindi namin tiyak kong ilan at sino ang mga nakaharap nito kanina. He's a strong Agarthian, ye, but still, we can't let our guard down. Iyon ang pinaalala nito sa akin kanina at ngayon ay ayaw kumilos ang katawan ko hangga't wala ito sa tabi ko! Damn it!

Mayamaya lang ay bumukas na ang malaking trangkahan ng Salvatierra Empire. Muling umusad ang sasakyan namin at tuluyan nang pumasok sa loob ng palasyo ng Archmage ng Agartha. Pagkalipas ng ilang minuto, muling huminto ang sasakyan namin. I held my breath and bit my lower lip. Wala sa sarili naman akong napatingin sa labas ng sasakyan at mayamaya lang ay kusang-umawang ang labi ko noong makita ang ganda ng paligid.

This place exceeded my expectation! Mas doble ang ganda nito sa Montealegre Empire!

"We're here, Lady Maddison," rinig kong sambit ng driver namin at mabilis na bumaba sa sasakyan. I swallowed hard as he opens the car's door for me. Bumaba na rin si Sora kaya naman ay maingat akong kumilos at bumaba na rin sa sasakyan.

Tahimik at marahang kong binalingan ang magagandang gusali sa loob ng Salvatierra Empire. Kumpara sa imperyo namin, mas malawak ang lugar na ito, mas maganda at magarbo. May iilan din akong namataang nag-eensayong sa open field na mga studyante marahil ng paaralang pinamamahalaan mismo ng Archmage.

"Welcome to Salvatierra Empire, Maddison Montealegre." Natigilan ako sa pagmamasid sa paligid noong may nagsalita 'di kalayuan sa puwesto namin. Napaayos ako nang pagkakatayo at hinarap ito. It was a middle-aged woman, wearing an elegant dress. She looks like a higher rank official here in Salvatierra Empire. Sa tindig pa lang nito ay alam kong respetadong Agarthian ito. "My name is Irish, the High Priestess of the Salvatierra Empire." Pagpapakilala niya sa akin.

Napaawang ang labi ko sa narinig. Wala sa sarili naman akong napabaling kay Sora at namataan ko ang pagyukod nito sa harapan nang babae. High Priestess? Ang babaeng ito? Really? She looks so young to be one of the powerful member of the Salvatierra Empire!

"Come and follow me," wika ng High Priestess at tinalikuran kami. "The Archmage is waiting."

Hindi na kami nakapagsalita pa ni Sora. Sumunod na lamang kami sa High Priestess ng Salvatierra Empire papasok sa main door ng palasyo ng Archmage.

Pasimple akong nagmamasid sa paligid. I was expecting this. Iyong mga naririnig ko lamang noon kay Sora ay ngayon ay nasa harapan ko na! Sora used to live in this palace. She was once a wizard student here, a top S class student. Bago pa ito mapunta sa Montealegre Empire at manilbihan sa pamilya namin, she trained and graduated herself in here.

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon