Chapter 2

6.4K 348 61
                                    

Tamad akong nangalumbaba habang pinapakinggan ang mga itinuturo ni Hera sa akin.

Hera is my teacher. Mula pagkabata, si Hera ang nagtuturo sa akin para naman maging karapat-dapat akong tawaging isang Montealegre sa sariling imperyo ng pamilya namin. Araw-araw, walang sawang tinuturuan ako ni Hera. Mas lamang pa nga ang oras na magkasama kaming dalawa kaysa sa mga magulang ko. And I don't mind anyway. Mas gusto ko pang magsayang ng oras sa kanya kaysa naman makinig sa walang tigil na pangangaral sa akin ng sariling ama.

"Maddie." Narinig kong tinawag ako nito kaya naman ay napaayos ako nang pagkakaupo. "Are you listening, young lady?" Ngumiwi ako dito at umiling. Kita ko ang pagbuntonghininga nito at naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. "Alam mo kung gaano kahalaga ang pagsusulit mo sa makalawa, Maddie. You need to focus here. Isantabi mo muna ang ibang bagay at ituon mo ang buong atensiyon sa itinuturo ko sa'yo."

"I know, Hera," turan ko at binalingan ang librong nasa harapan. "I'll pass it. Kahit na ganito ako ngayon, alam kong makakapasa ako," labas sa ilong na wika ko. I'll pass? I doubt it.

"Maddie, nandoon lahat ng mga Montealegre. Kailangan mong ipakita sa kanila na ikaw ang karapat-dapat na tagapagmana ng angkang ito."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi sa tinuran nito. Bigla akong pinanghinaan ng loob dahil sa pinagsasasabi nito sa akin ngayon. "What will happened If I failed?" mahinang tanong ko sa kanya. "Itatakwil ba ako nang angkang ito?" wala sa sariling dagdag ko pa. I doubt it again. Kung talagang nais akong itakwil ng sariling pamilya ko, dapat noon pa lang ay ginawa na nila iyon.

"You are a Montealegre, Maddison. Sa ayaw at sa gusto nila, isa kang Montealegre. Claimed it."

Napaangat ako nang tingin dito. Bahagyang ngumiti si Hera sa akin at tinanguhan ako. Napakuyom ako ng mga kamao at lakas loob na tumayo mula sa pagkakaupo.

She's right. Kahit na hindi ako kasing lakas ng ibang miyembro ng imperyo namin, isang Montealegre ako. Kahit na hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko nang maayos, still, dugong Montealegre pa rin ang nananalaytay sa mga ugat ko.

"Let's try it again," wika ko at pumuwesto na sa gitnang bahagi ng silid. Itinaas ko ang kanang kamay ko at ipinikit ang mga mata. Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Relax, Maddie. Relax and let your own magic flow.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang eneryihang unti-unting namumuo sa kamay ko. Wind. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga. Segundo lang ay ikinumpas ko na ang kanang kamay pakanan at bahagyang lumakas ang ihip ng hangin sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Napalunok ako.

I sighed again as I focused on my training. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang biglang panghihina ng katawan ko pero tiniis ko ito. Kailangan kong matapos ito! This is my last chance to prove them my worth. My last chance.

Sa pagkakataong ito, ang kaliwang kamay ko naman ang itinaas ko. Fire. Isang nakakapasong elemento naman ngayon ang lumulutang sa palad ko. Wind and fire element. I can summon both elements, but I can't fully control them! Come on, Maddison. Kaya mo ito!

"Focus, Maddie!" Rinig kong sigaw ni Hera 'di kalayuan kay naman ay napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at ipinagpatuloy ang paglabas ng enerhiyang halos ikawala ko na ng lakas.

"Damn!" I cried as my knees turns into jelly.

"Endure, Maddie!" Hera shouted again. "Move your hands now!"

Move! Move! Move them, damn it!

Gamit ang natitirang lakas, ikinumpas ko ang mga kamay ko at noong pinagtagpo ko ang dalawang palad ay bigla akong tumilapon dahil sa lakas ng impact ng dalawang elementong kinontrol ko kanina! Damn it!

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon