Chapter 28

2.5K 165 1
                                    

Natataranta kong pinagmasdan ang nawalang malay na si Val Isaac. He's totally out! Puno na rin ng sariling dugo ang suot nitong damit! Damn it, Val Isaac! Bakit mo hinayaang maging ganito ang kalagayan mo?

Mabilis kong hinawakan ang kamay nito at natigilan noong maramdaman ang panlalamig niya.

"Val," mahinang tawag ko rito at hinawakan ang pisngi niya. He's cold. Damn it! His body is cold as ice! "Val, can you hear me? Val!"

"Let's heal his wounds first, Lady Maddie," ani Sora sa tabi ko. Binalingan ko ito at namataang tinutulungan na niya akong pagalingin ang mga sugat ni Val. Mabilis akong tumango sa kanya at hinayaan ang mga kamay kong magkusang gumalaw para sa pagpapagaling sa mga sugat na natamo ni Val Isaac.

Kung wala lang sa sitwasyong ito si Val Isaac ay talagang mamamangha ako sa kakayahan ko ngayon. I can use healing magic without any knowledge of it! I really can't believe this! Anong klaseng kapangyarihan ba ang ibinigay nila sa akin noong sanggol pa lamang ako?

Nagpatuloy kami ni Sora sa ginagawa at lumipas na ang ilang minuto, hindi pa rin naghihilom ang mga sugat ni Val Isaac sa katawan niya. Napakunot ang noo ko at kinabahan na. "It's not working," natatarantang sambit ko noong makitang hindi talaga naghihilom ang mga sugat ni Val Isaac. What's wrong? Bakit hindi ko kayang paggalingin ito?

Muli akong napabaling kay Sora at namataan ang pagkalito rin nito sa nangyayari. Maging ang healing magic nito ay hindi rin kayang paghilomin ang mga sugat ni Val sa katawan. Mabilis akong napailing at mariin kong ipinikit ang mga mata. Muli kong sinubukang pagalingin ang mga sugat nito at noong wala paring nangyayari, napamura na lamang ako sa isipan.

Come on, Val Isaac!

"Maddison, he's not breathing," mariing sambit ni Barrett na siyang mabilis na ikinamulat ko ng mga mata.

What? Oh my God! No! Damn it!

"No... Val! Come on!" mariing sambit ko at hinawakang muli na nanlalamig na pisngi nito. "Don't do this to me, Val Isaac. Please."

"He already used too much healing magic. Ayaw tanggapin ng katawan niya ang panibagong healing spell na pumapasok dito," mahinang turan ni Sora na siyang ikinatigil ko. "This is one of the disadvantages of being a high-level healer. The only magic you can use is your own magic. Kapag nasanay na ang katawan mo sa kapangyarihang taglay nito, tanging ang kapangyarihang kilala nito ang kayang magpagaling sa kahit anong sugat mo."

"No way," mahinang sambit ko at muling binalingan ang namumutlang si Val. "Hindi maaring mangyari ito. He can't leave me. He can't die like this!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili at napaiyak na lamang. Muli kong sinubukang gamitin ang kapangyarihang mayroon ako ngunit hindi talaga ito gumagana kay Val. "Please, Val. Please." Pakiusap ko habang sinusubukang muling gamitin ang healing spell sa kanya.

"Let me help y-you." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Aunt Catana. Mabilis akong bumaling sa puwesto nito at namataang nakahiga pa rin ito. Gising na siya ngunit hindi pa rin niya kayang kumilos. Malala ang natamo nitong sugat kanina at talagang kailangang ipahinganang katawan niya!

"Can you use your magic?" Nag-aalangang tanong ko kay Aunt Catana. Tipid itong tumango sa akin at marahang inangat ang kamay.

"I'll block his own magic. With my condition right now, I can only hold thirty seconds or l-least," nahihirapang sambit nito at ipinikit ang mga mata.

"Lady Maddie, focus on his major injuries. Ako na ang bahala sa iba," mabilis na sambit ni Sora at nagsimula nang gumamit muli ng healing spell.

Thirty seconds. I only have thirty seconds to save Val Isaac!

Please, gumana ka! Please, Val Isaac!

"G-go, Maddison. Save him," rinig kong sambit ni Aunt Catana at mabilis kong inilapat ang kanang kamay sa dibdib ni Val Isaac. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa kamay ko.

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon