Chapter 26

2.6K 165 2
                                    

Mabilis ang pagkilos namin nila Sora at Barrett. Storm gave us her words. Alam kong kaya nitong talunin si Jeannie Faustino. She's strong, no doubt about that. Afterall, she's one of the best students of the Salvatierra Empire.

May mga nakakasalubong pa kaming mga tauhan ng mga Wilhelm ngunit agad din naman itong napapatumba ni Barrett na siyang nasa unahan namin ngayon. Tahimik at mabilis ang bawat galaw namin at noong marating na namin ang dulo ng pasilyo, isang pabilog na bulwagan ang bumungad sa aming tatlo. Natigil kami sa paglalakad at kanya-kanyang alerto noong makaramdam kami ng kakaibang enerhiyang bumabalot sa lugar.

Walang tao sa bulwagan ngunit ramdam na ramdam namin ang intesidad ng kapangyarihan sa paligid! Damn!

"This empire is really a creepy one," mahinang puna ni Barrett habang pinagmamasdan nang mabuti ang paligid. Muli akong nakarinig ng isang malakas na pagsabog mula sa kung saan kaya naman ay napatingin ako sa mga kasama ko.

We need to hurry and find Val Isaac!

"Let's move. We'll take the middle door," agad na turan ni Sora at itinuro ang sinasabi nitong pinto. May tatlong nakasarang pintong naroon at lahat ng iyon ay hindi maganda ang pakiramdam ko. "I know that it's a trap, but we don't have any choice here. We can't stay here forever and wait. We need to move."

"Let's go," mabilis na sambit ni Barrett at siya muli ang nauna sa aming tatlo. Pagkabukas nito ng pinto ay bumungad sa amin ang madilim na pasilyo. Sora chanted something and three small lights float in front the three of us. Napabaling ako sa kanya at mataman itong tumango sa akin. "Stay alert. At the end of this hallway, a high-level wizard is waiting for us."

"What?" halos walang tinig na tanong ni Barrett. "What rank?"

"A high rank," simpleng sagot nito sa kaibigan ko.

Barrett cursed then started walking again. Nasa gitna pa rin ako ng dalawa at noong marating namin ang dulo ng panibagong pasilyong tinatahak namin ay mabilis na napaawang ang mga labi ko. Agad din naman akong hinawakan at pinirmi ni Sora sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan namin ang palitan ng mga atake ni Aunt Catana at ni George Wilhelm.

What the hell is happening? Bakit sila ang naglalaban ngayon? Hindi ba ay kapanalig nila si Aunt Catana?

"Damn you, Montealegre! I already warned my dad about you! Hindi ka talaga dapat pinagkatiwalaan ng aking ama!" sigaw ni George at muling sinugod si Aunt Catana. Mabilis namang umatras si Sora at hinila ako papalapit sa kanya. Wala sa sarili akong nagpasunod dito at mabilis na gumawa si Sora ng barrier na siyang promotekta sa aming tatlo sa pagsabog dahil sa mga agresibong palitan ng atake ng dalawa.

Hindi ko alam kung napansin na ba nila ang presensya namin ngunit kong pagbabasehan ko sa mga kinikilos nila, lunod ang dalawa sa sariling argumento at palitan ng mga atake.

"You're planning to kill a Montealegre, George. Sa tingin mo ba ang mananahimik lang ako? Wala sa usapan ang pumatay ng kahit sinong miyembro ng pamilya ko," matamang sambit ni Aunt Catana at mabilis na nagpaulan ng fire ball sa kay George Wilhelm. Agad naman itong umiwas at gumanti ng atake sa tiyahin.

"That man is not a Montealegre, Catana! He's a Salvatierra!"

Salvatierra? Are they talking about Val Isaac? Is George Wilhelm really going to kill him? The hell!

"You can fight against him. Fight Val Isaac and satisfy your ego! That's fine with me," ani Aunt Catana at mabilis na depensahan ang sarili sa paghampas ni George ng esapada nito sa kanya. "But you're fucking thirsty of his blood, George! I can't let you do that! Wala sa plano ang pumatay ng Montealegre!"

"I said he's not a fucking Montealegre, so stop with your nonsense, Catana! You're pissing me off!" sigaw ni George at mabilis na sinugod muli si Aunt Catana. Muling dedepensa na sana si Aunt Catana sa atake ni George noong biglang hindi ito makakilos sa kinatatayuan niya. Napaayos ako nang pagkakatayo at napahakbang ng isang beses. Mabilis naman akong ipinirmi muli ni Sora. Napalunok ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. She can't move! Someone's controlling her body right now!

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon