Chapter 31

2.4K 161 2
                                    

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Natigilan ako sa pagmamasid sa kulay asul na kalangitan noong marinig ang boses ni Servano. Maingat akong lumingon sa gawi niya at namataan itong naupo sa bakanteng espasyo ng upuan sa tabi ko. "Wala na ba ang lagnat mo?" tanong muli nito sa akin. Tipid akong tumango sa kanya at muling napatingala. Napapikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

"Epektibo ang gamot na ibinigay mo sa akin, Servano," sambit ko at maingat na bumaling muli sa kanya. "Isa ka talagang mahusay na healer sa lugar na ito."

"No, I'm not," wika nito sabay buntonghininga. "Kung isa talaga akong mahusay na healer, sana ay nakahanap na ako nang lunas sa karamdaman mo, Maddison. Ngunit isang taon na ang lumipas simula noong magkrus ang landas nating dalawa at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawa ang ipinangako ko sa'yo noong araw na iyon."

Natigilan ako sa mga narinig mula kay Servano.

Pangako.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa salitang iyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nilulubayan ng mga masasamang alaalang minsan ko nang nakalimutan. Mga pangakong binitawan na kahit ako ay hindi ko nagawang tuparin man lang.

"You can always change your mind, Lady Maddie."

"No. Keep this a secret. One month. Keep it for a month, Sora."

"You have my words, Lady Maddie. Basta babalik ka sa amin nang ligtas."

"I will."

One month. Isang buwan ang hiningi ko kay Sora ngunit lumipas na ang isang taon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabalik sa normal kong kalagayan. I'm still in this old body of mine. At habang tumatagal ay mas lalong natatalo ng kapangyarihan ko ang katawang kinalalagyan ko ngayon. And I can feel it. In time, this body will give up. At kung mangyari man iyon, wala na akong magagawa pa. Hindi na ako makakabalik sa pamilya ko, hindi na ako makakabalik sa Montealegre Empire.

"Maddison." Napakurap ako noong marinig muli ang boses ni Servano. Binalingan ko siyang muli at noong maramdaman ko ang paghawak nito sa pisngi ko ay natigilan ako. "Noon ko pa nais makita ang totoong ikaw. With this overflowing magic inside your body, I bet you're one of the precious Agarthians from the the city."

"I'm just nobody, Servano," tipid na sambit ko at nag-iwas nang tingin sa kanya. Nabitawan ni Servano ang mukha ko at umayos ito nang pagkakaupo sa tabi ko. "How I wished I never discovered this magic I have right now. Sana ay hindi ako naghangad nang kung anu-ano. Sana ay nakontento na lamang ako sa kung anong nalalaman ko noon. Hindi sana aabot sa ganito ang lahat kung ninais kong makontento sa kung anong mayroon ako."

"Maddison-"

"Someone told me that this magic was a gift. A gift that will save my family," maingat na wika ko.

"But you did save them, right? Iyon ang sinabi mo sa akin, sa amin. Nailigtas mo ang pamilya mo gamit ang kapangyarihang mayroon ka."

"But... I lost myself." I said, almost a whisper. Nanghihina na naman ang katawan ako. "And now, I'm dying and no one from my family will know what happened to me. I'll die alone in this world."

"You're not alone, Maddison. I'm here, we're here for you." Servano calmly said to me. Naramdaman ko itong tumayo sa kinauupuan niya kaya naman ay muli akong napabaling sa gawi niya. "At hindi ka mamamatay. Hindi ko hahayaang mangyari iyon."

"Servano-"

"Hindi ako titigil. Hindi ko hahayaang hindi ka makabalik sa pamilya mo," anito at nagpaalam na sa akin.

Tahimik kong pinagmasdan ang papalayong bulto ni Servano. Napabuntonghininga na lamang ako at tahimik na pinahid ang mga luha sa pisngi. "You can't save me, Servano. No one can save from this. You can stop now," nanghihinang sambit ko at itinakip ang dalawang kamay sa mukha. "You've done enough, Servano."

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon