Hindi ako kumibo kahit ramdam na ramdam ko ang kilabot sa hawak ni Val Isaac sa akin. Nanatili akong nakatingin kay Jeannie na ngayon ay parang tupang maamong-maamo sa harapan ko.
"Maddison," rinig kong sambit muli ni Val sa likuran ko.
"Have a seat, Val." I calmly said to him. "Nakakabastos naman kung iwan natin sila rito. Entertain your guest first." Kita ko ang pagbaling ni Jeannie sa akin at tiningnan ako nang masama. Huh! Tingnan lang natin kung magagawa mo pa akong paglaruan ngayong nandito na si Val Isaac! Ang lakas kasi ng loob nito kanina. Now, show him your true color, Jeannie. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya ng pag-uugali mo!
"They're not my guests. So, come on. I have something to show to you." Napakurap ako sa tinuran ni Val. Wala sa sarili akong napabaling sa kanya at hindi na nakaalma pa noong pinatayo na niya akin. Kusang gumalaw ang katawan ko at hindi na nakapagsalita pa noong hinila na ako ni Val palayo sa mesa kung saan naroon sila Jeannie. Gusto ko pa sanang lingunin sila Jeannie ngunit hindi na ako binigyan nang pagkakataon pa ni Val na gawin iyon.
Dere-deretso lang ang lakad namin at hindi na nag-abala pang batiin ang mga kakilalang nadaraanan.
"Hey, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya noong nakalabas na kami ng bulwagan kung saan ginaganap ngayon ang selebrasyon ng kaarawan niya. Hindi ako kinibo ni Val at nagpatuloy lang sa paghila sa akin. Wala sa sarili akong napatingin sa mga kamay naming dalawa at huli na noong napagtanto kong tumigil na pala sa paglalakad si Val kaya naman ay tumama ang katawan ko sa likuran niya. "Aray naman," reklamo ko sabay kusot ng ilong ko.
"Are you okay?" Mabilis na bumaling sa akin si Val at pinagmasdan akong mabuti.
"Ayos lang," sagot ko at inalis ang kamay sa may ilong ko.
"May ginawa bang hindi kanais-nais si Jeannie sayo, Maddison?" He asked me with a concern voice. Napakurap ako at tinansya ito. Magagalit ba ito kapag sinabi ko sa kanya ang totoo? Mayamaya'y napalunok na lamang ako at marahang umiling sa harapan niya.
"Wala naman, Val. They were just mocking me. No big deal." Pagsisinungaling ko. Damn that Jeannie Faustino! Hindi ko talaga siya mapapatawad sa ginawa niya kanina sa akin! May araw din ang babaeng iyon. I will surely get even!
Tahimik lang na nakatingin sa akin si Val at noong mapansin ko ang hindi mabasang ekspresiyon nito sa mukha, hilaw akong ngumiti sa kanya. Mayamaya'y namataan ko ang pagbuntonghininga ni Val at ang pagpikit nito nang mariin. He looked so pissed and I don't even know the reason why! Dahil ba sa naabutan niya? Sa ginawa ni Jeannie kanina?
"I'm fine, Val," matamang wika ko sa kaharap at tinapik ito sa balikat. Napatingin ako sa likuran nito at napangiti na lamang noong makitang nasa hardin na pala kami ng mansyon ng mga Montealegre. "We're here again," wala sa sariling saad ko.
Humakbang na ako at nilagpasan ito sa kinatatayuan niya. Tipid akong napangiti at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Ang parteng ito ng mansyon namin ay sadyang pinagawa sa aming angkan. It was like our little paradise here in our empire. Minsan lang akong nagagawi rito at tuwing kaarawan lamang ni Val Isaac iyon!
"Happy birthday, Val," mahinang wika ko habang nakatingin sa magandang tanawin sa harapan ko. Naramdaman ko ang pagtabi nito sa gilid ko kaya naman ay wala sa sarili akong napangiting muli. "And... I'm sorry. Wala akong regalo sa'yo ngayong taon."
"It's okay. Hindi ba sinabihan na kitang huwag ka nang mag-abala pa," mahinang turan nito sa tabi ko. Kusang kumilos naman ang katawan ko at hinarap ito. Kita kong natigilan ito sa ginawa ko kaya naman ay ginawa ko na ang kanina pang nasa isipan ko. I hugged him. I smiled awkwardly.
"I actually forgot about this day." Pag-amin ko sa kanya. "I'm sorry. I'm guilty." Mayamaya lang ay hinigpitan ko ang pagyakap sa bewang nito noong hindi ito kumibo. Sana ay huwag magalit itong si Val Isaac sa akin dahil kung pati siya ay magagalit at ma-di-disappoint sa kapalpakan ko sa buhay ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Siya lang ay nagtitiwala sa akin kahit na wala naman talaga akong ginagawang matino sa imperyong ito. I can't let him hate me. Hindi ko kakayanin.
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantasy[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...