Chapter 16

3.1K 212 2
                                    

"Focus, Montealegre!"

Napangiwi ako noong muling sumigaw si Barrett habang may hawak-hawak na magic wand. Muli niya itong kinumpas patungo sa akin kaya naman ay mabilis akong kumilos at iniwasan ang atake nito.

"Damn it," mahinang bulalas ko at binalanse ang sarili. Umayos ako nang pagkakatayo at muling napangiwi na lamang. Napahawak ako sa kanang braso ko at napamura na lamang sa isipan noong maramdam ang sakit mula sa sugat na natamo ko kanina sa naging atake ni Barrett.

"Maddie, sa likuran mo!" Mabilis na nanlaki ang mga mata ko noong sumigaw Storm. Kusang tumaas ang kamay ko at mabilis na umikot para masangga ang atake sa likod ko. Napamura na lamang ako noong tumilapon ang katawan ko at bumagsak sa malamig at konkretong sahig. Kusang napaawang ang labi ko noong maramdaman ang matinding sakit sa may likuran ko at wala sa sariling napaubo. Mariin kong ipinikit ang mga mata at kinalma ang sarili.

Damn this training! Isang buwan na rin akong nag-eensayo kasama nila Storm at Barrett ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay ang katawan ko sa bawat atakeng ibinibigay nila sa akin. At habang tumatagal, mas lalo akong pinapahirap ng dalawang ito! Damn!

"Damn it, Barrett! That's not cool! Why keep on targeting her?" rinig kong sigaw ni Storm 'di kalayuan sa kinahihigaan ko. "Maddie! Open your eyes!" aniya na siyang lalong nagpangiwi sa akin.

"She'll be fine." It was Barrett, the one who attacked me earlier. Isang light energy ang tumama sa akin kanina kaya naman ay alam kong siya ang umatake sa akin sa likuran. "She can heal her own wounds now. Come on, Montealegre. Stand and let's start again."

"You're an ass, Barrett! Hindi mo ba nakikitang umubo na ito ng dugo? She needs to rest!" galit na sigaw ni Storm sa kaklase namin. Napamulat ako at marahang iginalaw ang katawan.

"Damn!" bulalas kong muli noong tuluyang makaupo ako. Mabilis namang inalalayan ako ni Storm hanggang sa makatayo na ako.

"Try to relax your body first, Maddie. Huwag mo munang gamitin ang healing magic mo," anito at binalingang muli si Barrett. "Ayaw kong pagalitan na naman ni Kisha mamaya! Alam mo naman sa akin pinabantayan itong si Maddison!"

"She's not a kid anymore," malamig na turan nito at matamang tiningnan ako. "Heal your wounds now."

"Y-yes," nahihirapan kong sambit sa kanya at pinagaling na ang mga sugat na natamo mula sa atake nito kanina. Mayamaya lang ay naghilom ang mga sugat ko sa katawan. Humugot ako nng isang malalim na hininga at napailing na lamang noong may naramdamang kirot sa bandang dibdib ko.

"I told you," turan ni Storm na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Our healing magic can cure our outside wounds, but not the damages within our body. Kailangan mo nang magpahinga, Maddie."

"Ayos lang ako, Storm," mahinang sambit ko sa kaibigan at binalingang muli si Barrett. "Let's continue our training."

Kita ko ang pagngisi nito sa akin at mabilis na dumistansya sa kinatatayuan naming dalawa ni Storm. Nagkatinginan kami ni Storm at noong maramdaman naming dalawa ang agarang atake nito sa amin ay mabilis kaming kumilos.

Tatlo lang kami sa training room ngayong araw. At kagaya nang nakagawian naming tatlo, palaging si Barrett ang kalaban naming dalawa ni Storm. Barrett Franco, top A+ class wizard. Estudyante pa lang ito rito sa Salvatierra Empire ngunit mataas na ang lebel ng kapangyarihan niya. Pareho naman ang rank namin ni Storm, A class wizards.

Mabilis akong tumakbo at iniwasan ang light waves na atake ni Barrett sa akin. Napatingin ako kay Storm noong sinubakan nitong gamiting muli ang Ice Magic nito sa light waves ni Barrett at kagaya nang inaasahan ko ay walang epekto ito. Hindi lang kasi light waves ang kayang kontrolin ni Barrett. He can use fire magic too kaya naman ay walang bisa ang kapangyarihan ni Storm laban sa kanya!

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon