Chapter 20

2.8K 194 7
                                    

Val Isaac is back!

He's freaking back! Damn it! Noong tuluyang makalabas na ako sa training room namin ay napamura na lamang ako sa isipan. Hindi ko naitanong kay Storm at Barrett kung nasaan si Val Isaac ngayon! Masyadong malawak ang Salvatierra Empire at natitiyak kong hinding-hindi ko ito basta-bastang mahahanap! Damn me!

Great! I was just too excited to see him and just forget everything!

Napailing na lamang ako at marahang napatampal sa noo. I sighed and started to run again, wherever my feet lead me.

"Lady Maddie!" Bumagal ang takbo ko noong makasalubong ko si Sora sa hallway. Mabilis itong lumapit sa akin at pinagmasdan ako nang mabuti. "Ayos ka lang ba? I've heard about what happened, Lady Maddie. Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko sa mga naging tanong nito sa akin. Hindi ko agad nakuha ang mga naging tanong niyo ngunit noong maalala ko ang nangyari kanina sa may hardin ng imperyo, iyong pagbisita ni Jeannie Faustino rito sa Salvatierra Empire, inilingan ko na lamang ito.

"I'm fine, Sora," sagot ko sa kanya at nagsimula na namang ihakbang ang mga paa. "Storm and Barrett told me about their mission. It was Val Isaac!"

"Sir Val Isaac?" takang tanong nito sa akin at sinundan ako. "Alam kung may mga grupong nagbalik ngayon dito sa Salvatierra Empire ngunit hindi ko alam na isa sa kanila ay ang grupo ni Sir Val!"

"Pero iyon ang sinabi ni Storm sa akin, Sora! Val Isaac is back!"

"Sa main building tayo ng Salvatierra Empira, Lady Maddie. Natitiyak kong naroon ito kung tunay ngang nakabalik na siya galing sa misyon nila!" Binalingan ko ito at mabilis na tinanguhan. Right! Mukhang tama ang hinuha ni Sora! Kung talagang nakabalik na ito, malamang ay magtutungo muna ito sa kanyang ama para ibalita sa kanya ang tungkol sa nangyari sa misyon nila!

Lakad-takbo ang ginawa namin ni Sora hanggang sa marating namin ang main building ng Salvatierra Empire. Ilang hakbang na lamang ang layo namin mula sa pinto ng gusali ng Salvatierra Empire noong biglang bumukas ito at lumabas doon ang matagal ko ng hindi nakikitang Agarthian.

"Val." Halos walang tinig kong sambit sa pangalan nito. I froze where I'm standing. Ramdam ko ang paninitig ni Sora sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Nakatuon lamang ang paningin ko sa nakatingalang Val Isaac. I saw him sighed then close the door behind him.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong takbuhin ang distansyang mayroon kami ngunit hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko!

"Babalik na ako sa building natin, Lady Maddie," paalam ni Sora na siyang bahagyang ikinatango ko na lamang sa kanya. Gusto kong magsalita ngunit ayaw gumalaw ng mga labi ko!

I feel completely weak! Damn!

"Val Isaac," mahinang tawag ko sa kanya na siyang mabilis na ikinalingon nito sa gawi ko. Kita ko ang pagkagulat nito noong magtagpo ang paningin naming dalawa. Umawang ang labi ni Val at mabilis na lumapit sa akin. And in a snap, nasa harapan ko na ito. At akmang ngingitian ko na sana ito noong mabilis niya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.

"Maddison," mahinang sambit nito sa pangalan ko habang yakap-yakap pa rin ako nang mahigpit.

"Val." I said his name again. "You're b-back."

"Yes, Maddison," aniya at mas humigpit ang yakap nito sa akin. "I'm here. I'm back."

Napatango na lamang ako at gumanti sa yakap niya. "Bakit ngayon ka lang? Bakit natagalan ka sa misyon ninyo, Val? Ba't ang tagal mong makabalik? Damn it! Pinag-alala mo ako!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Mayamaya lang ay naramdaman kong muli ang paghigpit nang yakap ni Val sa akin.

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon