Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog ngunit noong iminulat ko ang mga mata, wala na akong maramdaman na kahit anong sakit sa katawan ko. Maingat akong kumilos at naupo na sa kamang kinahihigaan.
Napabuntonghininga na lamang ako at marahang ipinilig ang ulo sa gawing kanan ko.
Habang tumatagal ay pahirap nang pahirap ang pagsasanay ko kasama sila Barrett at Storm. Kung noong una ay halos hindi nila ako atakihin at puro pagtuturo laang ng mga basic magic ang ginagawa nila, ngayon ay hindi na sila nagpipigil pa, lalo na si Barrett. He's becoming a pain in my ass now! I know, I was the one who asked a favor from them. I've heard they're the best duo here in Salvatierra Empire kaya naman ay sa kanila ako lumapit para sa mga training ko.
At hindi nga nila ako binigo. Sa bawat araw na pamamalagi ko sa training room kasama silang dalawa ay ramdam ko sa katawan ko ang mga enerhiyang dumadaloy sa mga ugot ko. I improved a lot! Thanks for their hard trainings! But today's training was different, lalo na si Barrett.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito ngunit may hinuha ako. Naramdaman ba nito ang pagtaas ng lebel ng kapangyarihan ko kaya ako ang pinuntirya niya sa training room kanina? Sa halos isang buwan kong kasama ito, medyo nasanay na rin ako sa ugali niya. If you're strong, then, he'll be stronger. Kaya nitong lampasan ang kung anong lebel ng kapangyarihang mayroon ka. And that was the first time he did that to me! He's really a powerful high-class wizard! Same with Storm. Alam kong nagpipigil lang din ito tuwing nasa training room kami at nag-eensayo.
"I think I need to train more para naman ay hindi na maulit ang nangyari sa akin kanina," mahinang sambit ko sa sarili at tumayo na mula sa kama. Maingat akong nagtungo sa may salamin at tiningnan ang kabuuan ko. Iba na ang suot ko ngayon. Marahil ay binihisan ako ni Sora kanina.
I sighed again. I really don't know what to do if Sora's not around. I was really dependent on her! Kahit siguro wala akong gawin, si Sora na ang gagalaw para sa akin. Napailing na lamang ako at walang emosyon akong nakatingin sa repleksyon ko. Mayamaya lang ay mabilis akong natigilan sa pagtitig sa salamin noong may kumatok sa pinto ng silid. Napatingin ako rito at segundo lang ay namataan si Sora roon.
"Lady Maddie!" bungad nito sa akin at mabilis na naglakad papalapit sa puwesto ko. "Bakit bumangon ka na? You still need to rest!"
Ngumiti ako sa kanya at naglakad pabalik sa kama ko. "I'm good now, Sora. I can even fight against Barrett and Storm again!"
"You can't, Lady Maddie! You need to rest more! Masiyadong napasama ang lagay ng katawan mo sa nangyari! You almost killed yourself! You used too much magic power!"
"But I'm fine now, Sora," giit ko at dinampot ang librong nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama ko. "And I want to try this one!" sambit ko pa at hinarap muli ito.
Kita ko ang pagkunot ng noo nito at pinagmasdan nang mabuti ang hawak-hawak ko ngayon. Mayamaya lang ay umawang ang labi nito at mabilis na nilapitan ako. "No way," marahang sambit nito at kinuha ang libro sa akin. "Saan mo ito nakuha, Lady Maddison? This is book contains the spells of Sacred Arts of Magic!"
Ngumiti ako sa kanya at tumango na lamang. I know that Sora. Kaya nga gusto kong matutunan ang bagay na ito!
"The High Priestess gave it to me!" masayang wika ko at tiningnan ang librong hawak-hawak na niya ngayon.
"The High Priestess gave it to you, Lady Maddison?" gulat na tanong nito na siyang nagpatigil sa akin.
"Irish gave it to me, Sora. I saw it in her office and decided to learn about it. I've heard a lot about these sacred arts from Storm at noong namataan ko ito sa opisina ng High Priestess, hiniram ko na sa kanya. I want to learn about these scared arts!"
"You can't, Lady Maddie. This magic is too dangerous!"
"What? I can handle it now, Sora. Hindi na ako ang dating Maddison na kahit ang sariling kapangyarihan ay hindi kayang kontrolin. I'm much way stronger than before," seryosong sambit ko sa kaharap. "Sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ngayon, alam kong alam mong kaya kong aralin ang nakapaloob sa librong ito. Even the High Priestess believed in me, Sora."
"Lady Maddie-"
"You will help me, right? You'll train me practice the sacred arts magic."
Hindi agad nakapagsalita si Sora sa mga salitang binitawan ko. I know this training will be tough. Binalaan na rin ako ng High Priestess tungkol dito. At para mas maging mabisa ang pag-eensayo ko sa mahikang ito, Irish told me to have a partner who's a high-level wizard.
Unang pumasok sa isipan ko na maaaring makatulong sa akin para matutunan ang sacred arts ay si Val Isaac ngunit dahil nga hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabalik mula sa misyong ibinigay ng Archmage sa kanila, si Sora agad ang naisip kong maaaring makatulong sa akin.
"Please, Sora," pakiusap ko sa kanya. "I need to learn about this sacred magic. I need to learn more. Malapit na akong bumalik sa Montealegre Empire. I need more power to protect my family. Help me, please."
I saw Sora sighed before handling me the book again. "You don't need to beg, Lady Maddie. I'll help you if that's what you want. Ituturo ko sa'yo lahat nang nalalaman ko tungkol sa sacred art magic ng Agartha."
Ngumiti ako kay Sora at mahigpit na hinawakan ang libro kung saan nakapaloob ang mga bagay na dapat kong matutunan sa mga susunod na araw.
"In three days, we'll master together a specific sacred magic, Lady Maddie. After that, magpapahinga ka para sa paghahanda sa nakatakdang kasal ninyo ni Sir Val Isaac."
Natigilan ako sa narinig mula kay Sora. Val Isaac? That's impossible! Hindi namin alam kong makakabalik ba ito sa loob ng tatlong araw! Yes, ilang araw na lamang ay ika-labing walong kaarawan ko na. At sa araw na iyon, iyon din ang araw na itinakda nila para sa araw ng kasal naming dalawa ni Val Isaac.
"Is he coming back?" mahinang tanong ko, umaasang sana nga ay makabalik ito nang ligtas sa loob ng tatlong araw.
Maingat na humugot nang hininga si Sora at hinawakan ang kamay ko. "Kagaya nang palagi kong sinasabi sa'yo, Lady Maddie, walang kasiguraduhan ang pagbabalik nila. That mission was too diffcult for his team kaya naman ay halos isang buwan na silang hindi nakakabalik dito sa Salvatierra Empire. But you need to still believe in him. He promised you, remember?"
Tumango ako at nag-iwas nang tingin sa kanya. Binitawan ni Sora ang kamay ko at hinayaan akong maglakad patungo sa bintana ng silid ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayon. Simula noong umalis sila Val at ang iilang wizard para sa misyong ibinigay ni Archmage Quiro ay hindi na ako naging panatag sa paligid ko. I kept on thinking about him. Buti na lang talaga ay naging abala rin ako sa pag-e-ensayo kasama sila Storm at Barrett kaya naman kahit papaano ay nagkaroon nang kaunting pahinga ang sarili ko sa kakaisip at sa pag-aalala tungkol sa kalagayan nito.
But now that our wedding day is coming, mas lalo akong nag-alala kay Val Isaac. I know that our wedding is important to us, to our family, ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makita itong ligtas pagkatapos ng halos isang buwang hindi ko ito nasilayan man lang.
"Sir Val Isaac is a strong Agarthian, Lady Maddie. He'll be back soon, safe and sound," rinig kong sambit muli ni Sora sa likuran ko.
"Paano kung hindi ito makabalik sa araw ng kasal namin?" mahinang tanong ko sa kanya. "Anong mangyayari sa akin? Sa Montealegre Empire?"
"Lady Maddie-"
"Sa tingin mo ba'y may gagawin ang mga Wilhelm Empire? Will they pursue me if my marriage with Val Isaac won't happen?"
"No, Lady Maddie," sagot ni Sora na siyang ikinabaling kong muli sa gawi niya. Kita ko ang emosyon sa mga mata nito. Tila sigurado ito sa mga salitang binibitawan niya ngayon sa akin. "Sir Val Isaac will never break a promise. He will marry you. He will protect you from the Wilhelm Empire."
Napakagat ako ng labi sa narinig at mabilis na tinalikurang muli ito. Sana nga, Sora. Sana nga. Dahil kung hindi ito makabalik sa araw na itinakda para sa aming dalawa, ako mismo ang pupunta sa kanya. I will find and help him with his mission!
I'm tired of waiting. I want to know if he's okay. I want to know if he's still alive! Damn it!
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantasy[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...