Chapter 14

3.2K 212 10
                                    

"Val," tawag ko kay Val Isaac sa tabi ko noong may iilan pang mga guwardiya ang pumasok sa loob ng event hall. Isinara nila ang malaking pintuan at naglagay ng barrier sa loob at labas ng kinaroroonan namin ngayon.

Damn! This is not good. Someone killed an heir from an empire! Paniguradong malaking gulo ito ngayong gabi sa buong Salvatierra Empire! Sino naman kaya ang maglalakas loob na gawin iyon dito sa lugar ng Archmage? This is insane!

"Relax, Maddison. I'm here," anito at seryosong tiningnan ang mga high rank wizard na ngayon ay nag-uusap sa entablado. Mabilis na natigil ang dapat na programa ngayong gabi at itinuon na nila ang buong atensiyon sa pagkamatay ng tagapagmana ng Dominica Empire. I sighed. Ano na ang gagawin nila ngayon? Masisira ang reputasyon ng Salvatierra Empire dahil sa nangyari ngayong gabi! Marami ang VIP ang nandito ngayon sa imperyong ito. They're here to be protected, not to be killed by someone inside this place!

"Listen everyone!" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Irish. Napatigin ako sa puwesto niya at napakunot na lamang ang noo noong mamataang may hawak itong baso. Katulad ito ng basong nasa mesa namin kanina. Iyong naglalaman ng alak na dapat ay nainom ko na rin! "Someone put a poison here," aniya na siyang ikinagulat ng lahat. Hindi naman kami nagbigay ng reaksiyon ni Val sa sinabi nito at matamang tiningnan lamang ang High Priestess. "Hex," dagdag pa ni Irish na siyang lalong ikinagulat ng lahat. "I will cast a spell to eliminate the bad spell within this hall. Please, cooperate."

"Val," mahinang tawag ko sa pangalan niya at hinigpitan muli ang pagkakahawak sa kamay niya.

"It's okay," anito at marahang binalingan ako. "Hindi tayo uminom nang inihandang alak sa pagtitipong ito. Hindi tayo maaapektuhan ng spell ng High Priestess."

Napalunok ako at bumaling muli sa may entablado. Nagsimula na ang High Priestess sa incantation niya at isa-isang nawalan nang malay ang mga Agarthians na uminom ng alak na inihanda para sa lahat ng bisita ng Masquerade Ball. Mayamaya lang ay marahan kong tiningnan ang kabuuan ng bulwagan. Lalo akong kinabahan noong makitang tanging kami ni Val Isaac at ang mga high rank wizard ang may malay ngayon sa lugar na ito!

Ang alam ko'y uminom rin ang mga high rank wizard kanina pero dahil sa lakas ng kapangyarihan nila, marahil ay hindi na nila kailangan ang spell ng High Priestess para alisin ang Hex sa katawan nila.

Mayamaya lang ay nagsalita ang isa sa S+ wizard na nasa gitna ng entablado at tinuro kaming dalawa ni Val sa puwesto namin. "Kayong dalawa! Hindi niyo ininom ang alak na hinandan para sa inyo?" mariing tanong nito sa amin.

Natigilan ako sa naging tanong nito. What? Inaasahan ba nitong lahat ng bisita ay iinom sa kung anong inihanda nila sa pagtitipong ito?

Hindi kami sumagot ni Val sa naging tanong nito. Mayamaya lang din ay napakunot ang noo ko at natigilan noong may napansin akong kakaiba sa likuran nito. "It's his dark shadow," mahinang bulong ni Val na siyang ikinagulat ko. "Irish chanted another spell. Ngayon ay nakikita natin kung sino ang may masamang balak dito sa loob ng event hall."

"Huwag kayong gumawa ng kahit anong pagkilos sa puwesto niyo!" sigaw muli noong S+ class wizard na pumuna sa amin at masamang tiningnan kami ni Val Isaac. "Kayo ba ang may pakana nito?"

"What?" mahinang tanong ko, hindi makapaniwala sa naging paratang niya sa amin. Is he insane? How can he conclude that fast?

"High Priestess, huliin ang dalawang iyan! It's obvious that they set this thing up! Sa lahat ng panauhin na nasa bulwagang ito, sila lang ang hindi uminom!" mariing turan nito at binalingan ang High Priestess. "They're the culprit! They killed an heiress!"

"We didn't drink any drop from the glass wine because I saw the hex in our glasses, Sir," matamang wika Val na siyang ikinatigil ng high rank wizard na nagbibintang sa amin. "If you know that kind of dark spell, you can easily identify it."

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon