Kalmado akong nakatayo sa harapan ng tatlong kasalukuyang pinuno ng aming imperyo, ang Montealegre Empire.
Cassandro Gabriel Montealegre, my dad, the first born of the Montealegre, and currently our Highness, the ruler of our empire. Van Angelo Montealegre, the second born and Val Isaac's father, and of course, Lady Catana Montealegre, their only sister, currently supervising the academy of the empire, the biggest academy here in Agartha.
And here I am, the only offspring of the current ruler of the empire, trying to impress the three. Trying to prove myself to them.
"You can proceed when you're ready, Maddison." It was Uncle Van Angelo. Siya ang kabaliktaran ni daddy. If daddy's the hard and dominating Montealegre, Uncle Van screams calmness and gentleness. While Aunte Catana, she's having both characters of her brother.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at ipinikit ang mga mata. Calm down, Maddison! Kagabi pa ako hindi mapakali dahil sa pagsusulit na ito. Ni hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa kabang nararamdaman! Damn it!
Pagkamulat ko ng mga mata ay natigilan ako noong magtama ang paningin namin ni Val Isaac. Nandito ito ngayon at pati na rin ang ibang mahahalagang tao ng angkan namin. They're complete and I'm freaking out here because of their presence! Damn me! Si Val lang ang kilala ko nang lubusan sa mga taong nakatayo sa likuran nila daddy at ng mga kapatid nito!
I sighed and calmed my nerves. I saw Val simply nodded at me then smiled a little. Tumango na rin ako sa kanya at binalingan naman ang aking inang prenteng nakaupo sa likuran ng aking ama. She mouthed me 'good luck' then smiled.
"Start now, Maddison," malamig na utos ng aking ama na siyang nagpakabog ng dibdib ko. Napaayos ako nang pagkakatayo at muling napabuga ng hangin. He's scary. Really! Hindi na yata mawawala ang takot ko sa sariling ama. Kahit na anak niya ako, alam kong kaya niyang makalimutan ang koneksyon naming dalawa kung ipapahamak ko ang buong Montealegre Empire. He's strict, intimidating, and really dominating.
Humakbang ako ng isang beses paatras at ikinuyom ang mga kamao. Hindi ko inalis ang tingin sa aking ama habang inihahanda ang sarili. I just need to show them that I can fully control the four elements. Yun ang basehan nila para maituring na isa akong Montealegre. After all, that's our clan's mark.
Sa loob ng ilang taong pagsasanay, alam kong may nagbago na sa akin mula noong unang pagsubok ko. My first test was a failure. I was seven years old back then. Isang elemento lang ang nagawa kong kontrolin. It was a big failure, yes, kaya naman ay hindi ako pinayagan ni daddy na lumabas ng empire. He let me train day and night. He told me I need to improve my abilities. He told me I need to be strong, stronger than him, stronger than all the people of Agartha. Kaya naman sa loob ng sampung taon ay itinuring kong kulungan ang mansyon namin. Kinamunghian ko ito nang husto.
"Move now, Maddison. We don't have much time with your act," muling nagsalita ang aking ama noong hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Napakagat na lamang ako ng labi at wala sa sariling itinaas ang isang kamay.
Kailangan ko lang ipakita sa kanila na kaya ko nang kontrolin ang mga elemento. That's all! O dear, I really hope I can!
Earth. I chanted on my head as I move my right foot. Isang bagsak nito ay umuga na ang buong silid na kinaroroonan namin. Kita ko ang pagkunot ng noo ng aking ama kaya naman ay alam kong hindi ito nasisiyahan sa ginagawa ko ngayon. Muli kong ibinagsak ang kanang paa at natigil na sa pagyanig ang buong paligid silid. Umikot ako, kasabay nang pagbaba ng kaliwang kamay ko. Water. I chanted again. At sa pagkakataong ito, ang elemento ng tubig naman ang sinubukan kong kontrolin.
Ikinuyom ko ang magkabilang kamay at noong buksan ko ito ay dahan-dahang lumutang dito ang iilang water particles. Pinaglaruan ko ito sa mga kamay ko at napangiwi na lamang noong nakita ang masamang titig sa akin ni daddy. Oh great! Ano bang gusto niyang makitang gawin ko?
Agad kong dinisolve yung tubig sa mga kamay bago pa ako patigilan ng sariling ama. I have this feeling na isang maling galaw ko na lamang dito sa harapan nila ay tapos na ang pagsusulit ko ngayon!
"You're doing good, Maddison. Keep it up." Napatango na lamang ako noong marinig muli ang tinig ni Val Isaac. Alam kong kulang na kulang itong ginagawa ko ngayon but... here he is, trying to cheer me up. And I thank him for doing that.
Sabay kong isinumon ang apoy at hangin sa aking mga kamay. Sa apat na elemento, ang dalawang ito ang masasabi kong hindi na ako nahihirapang kontrolin pa. Parehong magaan ang pakiramdam ko sa dalawang ito kaya naman dito ko inuubos minsan ang oras nang pagsasanay ko.
Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng silid. Ikinumpas ko ang kamay paikot kaya naman ay sinakop na nito ang silid na kinaroonan namin. Ang kumpol ng mga Montealegre sa gitna ng silid lamang ang 'di nilalamon ng apoy na ginawa ko. Gumawa ako ng isang barrier para naman ay 'di sila mapahamak sa ginagawa ko ngayon. Oo nga't kaya naming kontrolin ang apat na elemento ngunit kapag ang elementong ito ay ginawa ng isa sa amin, katulad ng ginagawa ko ngayon, ay wala silang kapangyarihang kontrolin ang elementong ako mismo ang gumawa. This magic can harm them like what we can do to our enemies.
Kita kong naging alarma ang mga taong kasama ko ngayon habang pinagmamasdan ang naglalagablab na apoy kaya naman ay kinontrol ko na ang hangin. Itinaas ko ang kanang kamay kaya naman ay pumaibabaw ang apoy na kanina ay halos tumama na sa sahig ng silid.
Mayamaya lang ay nakarinig ako ng ilang bulong-bulungan sa paligid ngunit 'di ko na ito pinagtuunan pa nang pansin. At para sa huling pagpapakitang gilas ko sa aking ama at sa mga kapatid nito, ipapakita ko sa kanila ang bagong nadiskubre at natutunan kong kapangyarihan. Bumaling muna ako kay Hera bago simulan ang binabalak. Kita kong tumango ito sa akin kaya naman ay mabilis kong dinisolve ang hangin at ang apoy. At noong tuluyang nawala ang dalawang elemento ay agad kong pinagkrus ang dalawang kamay at itinaas iyon sa ibabaw ng ulo ko.
And when I was about to release a new form of energy, my dad suddenly interrupted me.
"That's enough," he coldly said. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya. "We're done here," dagdag pa nito at tumayo na sa kinatatayuan nito.
"But Kuya... I think Maddie's not done yet," Aunt Catana told him. "Patapusin na natin siya."
"She already passed," sambit ni daddy sabay baling sa akin. "Put down your hands now, Maddison. You're done."
"But dad-"
"Dismissed." Napanganga na lamang ako sa inasal nang aking ama. What the hell was that? Seriously?
Hindi na ako nakapagsalita pa. Nagsimula na ring umalis si daddy sa puwesto nito na sinundan naman ng mga kapatid niya. Napakurap ako at walang imik na pinagmasdan na lamang ang papalayong bulto nila.
"I think he liked what you did, darling." Napatingin ako sa gawing kanan ko noong marinig ang tinig ng ina. "Nakita na ng daddy mo ang pagsisikap mong maging malakas pa. You really improved, Maddie." Ibinaba ko ang kamay ko at muling binalingan ang pintuang nilabasan ng aking ama at ng iilang kilalang tao sa angkan namin. Maging sina Val at Hera ay nakalabas na rin ng silid.
"Did I really prove to him that I am a Montealegre, mom? Nagawa ko ba talagang ipakita sa kanya na karapat-dapat ako na tawaging anak niya at isang Montealegre?"
"You are a Montealegre, Maddison. His daughter. Your dad was just testing you, darling. Because being a Montealegre is more than just a name, Maddison. Keep that in mind."
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantasy[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...