Light magic spell.
Sa kahit anong sitwasyon, ito ang tanging pangontra sa ganitong klaseng kapangyarihan. To defeat dark magic spells, someone with the knowledge and ability to control the light should deal with it. And in my case, isang beses ko pa lang nagagawang gamitin ito at hindi ako sigurado kung sa pagkakataong ito ay maililigtas pa ako ng kapangyarihang ito.
I just hope for the best. Dahil kung hindi, kagaya nang tinuran ni Georgina Wilhelm sa akin kanina, dito sa ilusyong ginawa niya, dito ako mamamatay at wala ni isa sa mga Montealegre ang makakaalam nito.
"I will not die here. Not in this wicked empire." Unti-unting nagliwanag ang kamay ko at basta ko na lamang itong ikinumpas sa kung saan. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa marinig ko ang pagtawa ni Georgina sa madilim na paligid. She kept on saying that I'm just wasting my energy. That I'm just wasting my magic power but no, I won't stop just because she told me to do so. I need to do something here. Hindi ako dapat tumigil kahit na ilang ulit pa nitong ipamukha sa akin na dito ako mamamatay!
I refuse to accept and believe that!
I am Maddison Montealegre. And I will fight. I will use all the magic I have in my body to survive.
"Die, Montealegre! Die!"
I screamed when I felt a sting feeling on my stomach. Mas lalong lumakas ang presensya ni Georgina sa paligid at noong mas lumala ang sakit na nararamdaman ko sa tiyan ko ay mariin kong ipinikit ang mga mata. Hinawakan ko ang parte ng tiyan ko kung saan ko nararamdaman ang matinding sakit at natigilan na lamang noong maramdaman ang nakatarak na espada roon.
Damn! She got me!
"I told you. You're going to die in here."
Mabilis kong iminulat ang mga mata at bumungad sa akin ang nakangising si Georgina Wilhelm. Nasa harapan ko ito ngayon at hawak-hawak ang espadang nakatarak sa tiyan ko. Wala na rin ang illusion magic nito kaya bumalik na rin sa normal ang itsura ng silid. Mayamaya lang ay hinukot nito ang pagkakatarak ng espada at mabilis na inilapat ang patalim nito sa leeg ko.
"If our family can't have you and your good for nothing empire, then, we'll eliminate you, the heiress of Montealegre. At kapag tapos na kami sa'yo, isusunod namin ang pinakamamahal mong imperyo."
Masama ko lang tiningnan si Georgina habang pinipigilan ng isang kamay ko ang pag-agos ng dugo sa sugat ko. Palihim kong ginagamit ang healing magic ko ngunit tila wala itong epekto sa katawan ko. My body is rejecting all the healing spells I'm casting on it! Damn!
"And once we're done with the Montealegre, isusunod namin ang Salvatierra Empire at ang taga-pagmana nito. At kapag mawala na kayong dalawa, madali nang mapapabagsak namin ang Archmage ng Agartha. Without a single heir, an empire will fall. Iyon ang mangyayari sa mga imperyo ninyo."
"You can't... kill the both of us," nahihirapang sambit ko at nag-cast ng ice magic para pansamantalang pigilan ang pagdurugo ng sugat ko. "Kung m-mahina ako para sa'yo, h-huwag mong ikumpara ang kakayahan ni Val Isaac sa isang katulad ko. H-he's way too powerful for you, Georgina. H-He even defeated your brother. Val Isaac killed him," mariing sambit ko habang hindi inaalis ang matalim na titig sa kanya.
"He what?" Tila natigilan ito sa narinig mula sa akin.
"Ikaw na lang ang natitirang tagapagmana ng imperyo ninyo kaya naman ay mag-iingat ka." Ngumisi ako sa kanya. "An empire will fall without an heir," inulit ko ang tinuran nito sa akin kanina at hinawakan ang patalim na nakalapat sa leeg ko. Namataan ko ang masamang titig nito sa akin. Umiling lang ako sa kanya at mas pinaigi ang paghawak sa patalim ng sandata nito. "You can kill me anytime you want, Georgina, but I guarantee you that the Wilhelm Empire will fall alongside with me."
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantasi[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...