"Lady Maddie!" Mabilis na dumalo sa akin si Sora, isa sa tapat na taga-silbi ko rito sa mansyon namin. Tamad ko itong tiningnan at inayos na lamang ang pagkakahawak sa mahabang damit na suot. "Nako naman, Lady Maddie! Anong nangyari sa'yo? Ba't ganyan ang ayos mo?" Magkasunod na tanong nito habang sinusuri ang kabuuan ko.
Dahil sa naging tanogn nito ay wala sa sarili akong mapatingin sa marumi at punit-punit kong kasuotan. Napangiwi ako at napabuntonghininga na lamang. Well yes, hindi ito ang normal na itsura ko. Kahit sinong makakita sa akin ngayon ay tiyak na maaawa sa kalagayan ko.
I sighed again and tried to calm my nerves. "Magpapalit lang ako ng damit at-"
"Lady Maddie, nasa silid po ninyo ang mga magulang mo," mabilis na imporma nito sa akin na siyang ikinatigil ko sa kinatatayuan. Kumalabog nang malakas ang puso ko at mariing naikuyom ko ang mga kamao. Napatingin ako kay Sora at namataan ko ang pangamba sa mukha nito. Muli akong napabuntonghininga at umayos na nang pagkakatayo sa harapan nito.
Oh no, this sounds like trouble! Inaasahan ko na ito pero ngayong nangyayari na, mas dumoble ang takot ko sa mangyayari sa akin ngayon.
Napangiwi na lamang akong muli at wala sa sariling pumanhik sa pangalawang palapag ng mansyon kung nasaan naroon ang silid ko. Ramdam ko sa likuran ang pagsunod ni Sora kaya naman ay nilingon ko ito. Nakita ko itong nagbaba nang tingin sa akin kaya naman ay alam na alam ko na ang mangyayari sa akin kapag tuluyan na akong pumasok sa sariling silid.
Just great, Maddison Montealegre! Dahil sa ginawa mo ngayong gabi ay mas lalo mong pinasama ang imahe mo sa pamilyang ito! Napailing na lamang ako at nagpatuloy na sa pagpanhik. At noong nasa tapat na ako ng pinto ay napabuntonghininga na lamang muli ako at sinabihan si Sora na buksan na ito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at inihanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari.
"Maddison!" boses agad ng aking ama ang bumungad sa akin. Humakbang ako ng isang beses at pumasok na nang tuluyan sa silid. Napayuko na lamang ako at buong lakas na humakbang muli para malapitan ang mga magulang ko. Hindi na ito bago sa akin kaya naman kahit gusto ko nang tumakbo at magtago mula sa aking ama ay nanatili pa rin akong nakatayo sa puwesto ko. Napangiwi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko at inangat ang ulo para makita ang mga magulang. Kita ko ang galit sa mga mata nito kaya naman ay mas dumoble ang kabang nararamdaman ko.
Nanlaki ang mga mata ko noong mabilis na humakbang ang aking ama papalapit sa akin at sa hindi inaasahang pagkakataon, isang malakas na sampal ang ibinigay ng aking ama sa akin.
Napaatras ako dahil sa lakas nang pagkakasampal nito sa kanang pisngi ko. Napangiwi ako at mariing ipinikit ang mga mata. Damn, that hurts!
"Cassandro!" It was my mother. "That's your daughter!" Mabilis akong dinaluhan ng aking ina at hinigit patungo sa likuran niya, trying to protect me from my father's wrath.
"Hindi ka ba talaga titigil sa kalokohan mo, hah, Maddison?" sigaw nito sa akin.
"Ano ba, Cassandro? Calm down!" sigaw pabalik ng aking ina sa ama ko. "Kumalma ka at kausapin mo nang mahinahon si Maddie."
"Ikaw ang kumausap sa kanya, Klarissa! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa batang iyan!" galit na bulalas nito at tinalikuran na kami. Mabilis itong lumabas sa silid ko at malakas na ibinagsak ang pinto.
Napapitlag ako dahil sa gulat dito sa ginawa nito. Nanghihina akong humugot ng isang malalim na hininga habang pilit na pinipigilan ang sariling maiyak. "Maddie," mahinang tawag ni mommy sa akin. Nanatili akong nakayuko at hindi ito kinibo. "Are you okay, darling?"
I stay still. Not moving an inch.
I'm not okay! I will never be okay! Pero kaya ko bang sabihin iyon sa aking ina? Of course, I can't! Wala akong karapatang sabihin iyon sa kanya. Wala.
"Maddie."
"Gusto ko na pong magpahinga," mahinang sambit ko.
"Anak-"
"Mommy, please, I want to rest," dagdag ko at muling ipinikit ang mga mata. No, Maddison. Hindi ka iiyak!
"Alright, I'm leaving. But please, huwag ka nang aalis sa mansyon. Mas lalo mong gagalitin ang ama mo, Maddie. Mas lalo kang mapapahamak, anak."
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. She's right, and I'm doomed again!
Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pag-alis ni mommy sa tabi ko at tuluyan na itong lumabas sa silid ko. Ilang segundo muna akong nakatulala sa kawalan bago tuluyang nanghina at napaupo sa sahig ng silid. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay nag-unahan na sa pag-agos. Napaawang ang labi at marahang inilapat ang kamay sa dibdib ko.
Impit akong napaiyak habang hinahawakan ng isang kamay ko ang pisnging sinampal ng aking ama. For seventeen years, ngayon lang ako sinaktan nito. Oo, pasaway ako at walang silbi sa angkan namin pero ni minsan ay hindi niya ako sinaktan!
Ganoon na ba kalala ang ginawa ko kanina? I was out of this freaking mansion for about an hour only! Oo, sinuway ko ang utos niya pero wala namang nangyaring masama sa akin! Hanggang ngayon ay buhay pa rin naman ako!
What's the big deal para sampalin niya ako? Ano ang rason nito para saktan ang nag-iisang anak nito?
Dahil marahil sa pagod at pag-iyak ay nakatulog ako. Ni hindi ko na nagawa pang maglinis ng katawan at magbihis ng damit. Wala na akong lakas para gawin iyon at wala na rin akong pakialam pa.
Naalimpungatan na lamang ako noong maramdaman ko ang marahang pagpahid ng kung ano sa paa ko. Slowly, I opened my eyes. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at namataan si Val na may hawak na isang puting bimpo at nililinis ang maruming mga paa ko.
"Val," mahinang tawag ko sa kanya kaya naman ay napabaling ito sa akin. "Anong ginagawa mo?" tanong ko at pilit na naupo mula sa pagkakahiga sa kama ko.
"Don't move, Maddie," he coldly said. "Stay still and rest. Let me take care of you."
Napabuntonghininga na lamang ako at prenteng nahigang muli. Wala pa akong sapat na lakas para gumalaw ngayon. I can't even lift a finger right now! Sobrang pagod ang katawan ko ngayon! Kung puwede lang na matulog muli ay gagawin ko para naman ay makabawi ang katawan ko.
"Does it hurt?" Natigilan ako noong magtanong si Val sa akin. Hindi ako nakakibo at nakatingin lamang sa kisame ng aking silid. Hurt? I don't know. Mukhang namanhid na yata ako dahil sa walang katapusang paghihirap ko sa pamilyang ito. "Tell me where it hurts, Maddie, and let me help you lessen the pain," anito na siyang ikinaawang na labi ko. Napakurap ako at mabilis na iniling ang ulo.
"Val Isaac, alam mo ba yang pinagsasabi mo?" Hindi ko napigilang magtanong sa kanya. Muli akong napailing at humugot ng isang malalim na hininga. Ngayon ay pinilit ko nang kumilos at umupo sa kama ko. Hinila ko ang paang hawak-hawak nito at inilayo iyon sa kanya. "Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin tuwid iyang pag-iisip mo, Val?"
"Maddison-"
"Get out of my room," mariing utos ko rito.
Kita ko ang matinding emosyon sa mga mata nito kaya naman ay napaiwas na lamang ako nang titig sa kanya. Napalunok ako at ikinalma ang sarili.
"Rest," he coldly said to me. "I'll call Sora for you. Papapuntahin ko siya rito para pagalingin ang namamaga mong mga paa." Iyon na lamang ang narinig ko mula sa kanya at lumabas na ng silid ko.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at tinitigan ang nakasarang pinto ng silid. "Val," I murmured his name as I watched the door. I sighed as I closed my eyes firmly. Muli akong nahiga sa kama ko at marahang pinahid ang luhang lumandas sa aking pisngi. "My life sucks," mahinang bulalas ko. "Really." Mabilis kong hinigit ang kumot ko at binalot ang buong katawan. "How I wish I was never born. In this place. In this world."
Maddison Ofelia Montealegre.
That's me. The heir of the Montealegre Empire. One of the powerful clans of Agartha, Kingdom of Magic. And I am a big joke in this freaking world!
Magic... Damn that word! Ni hindi ko nga magawang gumamit ng matinong kapangyarihan!
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantasy[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...