Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at pinakiramdaman ang sarili. Mayamaya lang ay natigilan ako at maingat na kinagat ang pang-ibabang labi.
"Another day," mahinang sambit ko sa sarili at inangat ang isang kamay sa ere. Pinagmasdan ko ang mga daliri ko at napangiti noong makita ang maputi at makinis na balat. "Good morning, Maddison," sambit kong muli at bumangon na mula sa pagkakahiga. Isinuklay ko ang mga daliri sa buhok at hinawi ito sa kanang balikat.
Maingat akong tumayo sa kama at naglakad na patungo sa banyo ng silid ko. Dahan-dahan ang pagkilos ko at nagsimula nang maglinis ng katawan. I was just silently humming and take my time taking care of myself. Umabot ako ng isang oras sa paghahanda at noong matapos na ako ay mabilis akong lumabas sa silid ko.
"Lady Maddie." Natigilan ako sa paghakbang noong maabutan sa maliit na sala ng silid ko si Sora. Sa tabi nito ay si Storm na tahimik na pinagmamasdan ang kabuuaan ko.
"Sora, Storm, napaaga yata kayo?" tanong ko at napatingin sa orasang nakasabit sa dingding. "Dalawang oras pa bago ang napagkasunduang oras natin, ah," puna ko at naglakad na papalapit sa dalawa.
"Ako ang nagsabing pumunta na kami rito at sunduin ka, Maddison," ani Storm at pinagtaasan ako ng kilay. "Look at you! Bakit ganyan ang suot mo? Nasaan ang gown na ipinadala namin noong isang araw?" hindi makapaniwalang tanong pa ng kaibigan sa akin.
"Iyong gown ba?" Napangiwi ako at inalala ang nangyari sa gown na tinutukoy nito. "Natapunan ko ito ng kape kahapon, Storm."
"What?" gulat na tanong ni Storm at marahang inilingan ako. "You're unbelievable!"
"I'm so sorry, Storm. Puwede namang magtungo roon ng ganito ang suot, hindi ba?" tanong ko sa kanya at pinasadahan ang suot na damit. I'm just wearing a plain white dress. Lagpas tuhod lang ito, hindi kagaya nang gown na inihanda nila sa akin. Masiyadong magarbo ito para sa akin.
"Lady Maddie, this is a formal event. Hindi mo naman siguro nakalimutan ang kung anong dapat isuot sa ganitong pagtitipon, hindi ba?" maingat na tanong ni Sora at nilapitan ako. "Magpapahanda ako ng panibagong damit para sa'yo. May iilang magagandang damit sa Franco Empire na tiyak kong magugustuhan mo."
"Don't bother, Sora. Ayos na ako sa suot ko ngayon."
"Maddison naman," muling wika ni Storm at tumayo na mula sa pagkakaupo nito. "This is the coronation day! The D-day! Hindi maaaring ganyan ang suot mo!"
Muli akong ngumiwi at hindi na nakaalma pa. Wala rin naman akong magagawa kung ipagpupumulit ko ang nais ko.
Coronation day.
Ito ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ang araw na siyang ipapasa na sa tagapagmana ang pangangalaga ng buong imperyo ng pamilya namin.
Montealegre Empire.
Buong buhay ko ay inilaan ko ang sarili para sa pamilya ko. Kahit noong una ay labag ito sa kalooban ko, ginawa ko pa rin ang lahat para sa kanila. Ginawa ko ang lahat para maipakita sa kanilang lahat na karapat-dapat ako bilang tawaging isang Montealegre. Na ako, si Maddison Ofelia Montealegre, ang natatanging tagapagmana ng trono ng pamilya namin.
Ngunit biglang nagbago ang lahat ng iyon. Ang buong akala ko'y ang pamilya ko ang pinakamahalagang bagay na mayroon ako sa mundong ito. I thought I was doing the right thing, but when I lost, when my body changed, I was left alone. Noong panahong nagbago ang anyo ko, walang ni isa sa kanila ang nakakilala kung sino ako. Kung saang imperyo ako nagmula. At doon ko napagtanto na dapat hindi ko ibinuhos ang lahat na mayroon ako para sa pamilya namin. Na dapat ay nagtira ako para sa sarili ako. Na habang ginagawa ko ang lahat para sa mga Montealegre, dapat ay minahal at pinangalagaan ko rin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantastik[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...