Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at tiningnan lang si Barrett. I can't believe I'm hearing this from him!
"N-no," mahinang sambit ko at marahang inilingan ang kaibigan. "You can't bring me home. Not in this condition, Barrett. Kaya nga ako umalis noon dahil sa nangyari sa akin. Hindi ako babalik sa Montealegre Empire na ganito pa rin ang kondisyon ko!"
"Maddison, makinig ka muna sa amin," mabilis na wika ni Storm at hinarap ako. "Montealegre Empire is in chaos right now. After a year of not having an heir, the elders want your father to leave the leadership of the empire. They wanted him to abandon the throne."
Natigilan ako sa sinabi nito. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at matamang tiningnan si Storm. "They can't do that to him," matamang sambit ko sa kanya at muling napailing. "He's the first born of his generation, Storm. My... my father deserved that position They can't dethrone him just because I'm not around! Mas mahalaga ang presensiya ng aking ama sa imperyo namin kaysa sa akin!"
"You know the elders of your empire, Maddison. Isang taon na ang lumipas simula noong nawala ka. Wala silang ideya kung anong nangyari sa iyo! Hindi nila alam kung buhay ka pa ba at kung makakabalik pa ba sa Montealegre Empire! Sa tingin mo ba walang gagawin ang elders sa ganitong sitwasyon?" tanong ni Barrett sa akin habang hindi inaalis ang matamang mga titig nito. "An empire will fall..."
"... without an heir." Pagtatapos ko sa dapat sasabihin nito. "I know that, Barrett."
"Kaya bumalik ka na, Maddison. Para matapos na ito. Para matapos na ang kaguluhan sa imperyo niyo," sambit muli ni Barrett sa akin. Napatingala na lamang ako at pilit na ikinalma ang sarili. No. They can't force me. Hindi nila ako sasama sa kanila. Simula noong sumakay ako sa sasakyan nang araw na iyon, alam kong hindi ako basta-bastang babalik sa Montealegre Empire.
An heir. That's what they need right now. To stop the chaos inside the empire, they need the next leader. A Montealegre. They need a new heir.
I froze where I'm standing. Tila tumigil ang lahat dahil sa biglang naisip ko. Kusang umawang ang mga labi ko at mariing ikinuyom ang mga kamao. Seconds passed; I look towards Salve's direction. Nakatingin lang ito sa akin, hindi kumibo sa kinatatayuan niya.
Salve... she's Montealegre.
Napasinghap ako at mabilis na kinagat ang pang-ibabang labi. "The elders... they only need a Montealegre, right?" mahinang tanong ko habang hindi inaalis ang paningin kay Salve. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin pa rin sa akin. "To stop the elders dethroning my father, they need another Montealegre," muling turan ko na siyang ikinalaki ng mga mata ni Salve. Mukhang nakuha na nito ang kung anong nais kong iparating sa kanila. "Salve," sambit ko sa pangalan niya na siyang ikinailing nito sa akin.
"No, Maddison," mabilis na umatras si Salve at muling inilingan ako. Kita ko na ang takot sa mukha nito. "Hindi ko gusto iyang mga salitang sinasambit mo."
"Salve, just hear me out. We need to-"
"What's going on here?"
Natigilan kaming lahat noong marinig ang boses ni Servano. He's back! Damn it! Napangiwi na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. Hindi ko na lamang ito binigyan pansin at nanatili ang mga mata kay Salve. Mayamaya lang ay umiling muli ito sa akin at hinarap ang kapatid.
Napabuntonghininga na lamang ako at binalingan na lamang muli si Barrett at Storm. That was my last resort! Kung hindi papayag si Salve sa ideyang nasa isipan ko, wala na akong ibang Montealegre na ihaharap sa mga elder ng imperyo namin!
"Sino ang kasama mo, kuya?" rinig kong tanong ni Salve sa kapatid kaya naman ay mabilis akong natigilan sa kinatatayuan ko. Wala sa sarili akong bumaling sa kanila at segundo lang din ang lumipas ay mabilsi akong napaatras sa puwesto ko.
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantasy[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...