Chapter 30

2.7K 155 4
                                    

Bata pa lang ako ay alam ko na ang dapat kong gawin bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Montealegre. That I am Maddison Montealegre, the sole heir of my empire, the next leader, will do everything for my family. That I will protect it with all the power I have. Na kahit hindi ko man naisin ang tronong nakatakda para sa akin, ako pa rin ang magmamana nito.

The moment I've learned how to read and write, my father immediately told me my responsibilities. That I should be strong and powerful enough to rule our empire. They trained me, they gave me all the knowledge I needed until the day I almost give up because of the pressure they were giving me.

I don't want power and the title! A leader? No! I can't do that! Ni hindi ko nga magamit nang maayos ang kapangyarihan ko maging leader pa kaya! Ni hindi ko nga kayang ipakita sa kanila na karapat-dapat ako bilang tagapagmana ng imperyo!

"You need to learn to defend yourself, Maddison. Fight."

Iyon ang palagi kong naririnig mula sa kanila. I need to fight to survive. I need to give my best to have the best outcome. I'm a Montealegre and I need to become the best version of myself.

"If you can't use your power, then, you're not fit to be called as Maddison Ofelia Montealegre. Walang Montealegreng mahina, Maddie. Wala. Tandaan mo iyan."

Noong una ay hindi ko talaga lubos maisip ang kahalagaan ko sa imperyo namin. Palagi kong sinusuway ang utos ng aking ama. Umaalis ako sa Montealegre Empire kahit labag ito sa utos at batas nila. Kahit na may takot sa puso ko, ginagawa ko pa rin ang magpapasaya sa akin. And that's my freedom.

I wanted freedom. I wanted to be free from all the responsibilities they gave me. I was a coward, yes. I was afraid of the throne that was destined for me.

But I know that the day will eventually come. Iyong araw na wala na akong magagawa pa kung hindi ang tanggapin ang kapalaran ko. At noong matuto akong lumaban at protektahan ang kung anong mahalaga sa akin, noong natutunan ko nang tanggapin ang nakatakda para sa akin, iyon naman ang simula nang kaguluhan sa buong imperyo.

I never wanted this to happened. I never wanted to lose against myself, against my own magic power. I just wanted to save everyone, and in return, I lost myself. I lost... I failed.

"Ano na ang gagawin ko, Sora?" nanghihina kong tanong kay Sora habang ginagamot nito ang natamong sugat ko sa tiyan. "Hindi ako maaring bumalik sa Montealegre Empire sa ganitong kalagayan."

Kita ko ang pagbuntonghininga nito at matamang tiningnan ako sa mga mata. "Kailangan mo munang magpahinga, Lady Maddie. Friedrich Wilhelm is dead. Your father and the Archmage managed to stop his plan and the rest of the members of Wilhelm empire surrendered. Ngayon ay hinuhuli na ng mga tauhan ng Archmage ang mga pangahas na Agarthian." Sora held my hand and looked at me with full of concern in her eyes. "You need to calm yourself. Please clear your mind. Ipanatag mo ang sarili mo, Lady Maddie. Kailangan maibalik sa lalong madaling panahon ang lakas mo."

"Pero-"

"Don't worry too much. We'll find a spell that can help you. I promised you that. Gagamitin ko lahat ng nalalaman ko para maibalik ka sa dati."

"Sora," halos walang tinig kong sambit at yumukod. "Hindi ko kayang humarap sa kanila na ganito ang itsura ko. Hindi ko kaya."

"Lady Maddie..."

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Gulong-gulo na ako at hindi na maayos ang pag-iisip ko. Sa isang iglap, naging isang matandang Agarthian ako! Hindi kinaya ng katawan ko ang magic circle na ginawa ko kanina kaya naman ay ito ang kinahinatnan ko! Natalo ako ng sariling kapangyarihan ko! Damn it!

"Help me please." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Hangga't hindi ko pa naibabalik ang dating anyo ko, hindi ako babalik sa imperyo natin, Sora."

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon