Chapter 18

2.9K 222 17
                                    

"Sacred Art: Magic Circle!"

Napapikit ako at napangiwi na lamang noong biglang nanghina ang buong katawan ko. Napaluhod ako ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang paggawa ng magic circle.

"Lady Maddie, stop it already!" rinig kong sigaw ni Sora 'di kalayuan sa puwesto ko. "You're draining your magic power again! Stop it!"

"I... I can co-complete this, S-Sora!" Kaunti na lang! Makokompleto ko na ito! "Unleased!" malakas na sigaw ko noong tuluyang makompleto ko na ang magic circle na binubuo. Mayamaya lang isang nakakasilaw na liwanag ang nagpatigil sa akin. Napatingin ako sa gitnang bahagi ng training room at noong nawala ang liwanag ay kusang bumigay ang katawan ko.

"Lady Maddie!" rinig kong sigaw ni Sora. Segundo lang din ang lumipas ay nasa tabi ko na ito at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Lady Maddie! Can you hear me?"

"Yes," mahinang sagot ko sa kanya at napapikit na lamang muli ng mga mata. "I'm tired."

"You used too much magic power again, Lady Maddie," ani Sora at inalalayan akong makatayo. "Dapat ay itinigil mo na ang paggawa nito kanina noong naramdaman mong unti-unting nawawala na ang lakas mo."

"But I completed the magic circle," mahinang sambit ko at ngumisi sa kanya. Yes, that was true. Iyong liwanag kanina na nakita ko, iyon ang magic circle sa librong ipinahiram sa akin ni Irish. I high level and rare type of magic. Finally, I managed to create one! "I'm done with this training."

Dalawang araw pa lang ang lumipas simula noong pag-aralan ko ang sacred arts magic. Dahil marahil sa mga nagdaan kong mga training sa lugar na ito, mas mabilis akong matuto sa mga bagay-bagay. Yes, my trainings when I was in Montealegre Empire were good, but here in Salvatierra Empire? It was in another level! No wonder na halos lahat ng high rank wizards ay nagmula dito. The training in this place exceeds what other empires can offer.

"Come on, Lady Maddie, bumalik na tayo sa silid mo. You need to rest before your body collapsed again."

"Yes. Mukhang iyon ang kailangan ko ngayon," sang-ayon ko kay Sora at nagsimula na kaming maglakad palabas ng training room.

Lumipas ang araw at nasa loob ng silid lamang ako. Kagaya nang nais ni Sora, nagpahinga ako at hindi na nagkikikilos pa. I already consumed too much magic power learning those sacred arts magic. Learning a complex magic technique is really exhausting but creating a magic circle really drained my magic power. Mas malala pa ito sa paggamit ko ng dalawang elemental magic ko!

I know how powerful a Montealegre is. I used to believe that the amount of power within our body is limitless, but now that I started to learn more about those sacred arts, I can totally say that everything has its own limit, even to us. Now, I need to rest my whole body to regain my own magic. Ilang oras na rin kasi ang lumipas at pakiramdam ko ay mas mabagal ang recovery period ko kumpara sa mga nagdaang araw.

"Is it because of the magic circle I made?" mahinang tanong ko sa sarili at pinakiramdaman ang katawan. Sa tingin ko ay kahit pagkontrol ng mga elemental magic ko ay hindi ko magagawa nang maayos ngayon. Mukhang naabuso ko na naman ang katawan ko.

I sighed. Looks like I'll be staying in this room for a while. Wala na rin naman akong gagawin. Storm and Barrett are both on a mission right now. Wala akong ibang makakausap dito sa Salvatierra Empire maliban kay Sora na tiyak kong hindi rin ako nito papansinin. Siya mismo ang nag-utos sa aking magpahinga na lamang ngayong araw!

"Rest, Maddison. Rest," mahinang bulalas ko sa sarili at mariing ipinikit ang mga mata.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Maingat akong kumilos at naglinis ng katawan. Noong matapos ako sa pag-aayos ay tahimik akong lumabas sa silid ko.

Heart Of The EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon