Tahimik ko lang na pinagmamasdan si Sora habang nag-aayos ng mga gamit ko. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko at muling napabuntonghininga na lamang.
"Narito na lahat ng gamit mo, Lady Maddie," rinig kong sambit ni Sora kaya naman ay napabaling ako sa bag na pinaglagyan nito ng mga damit ko. Handa na ang lahat. Babalik na talaga kami sa Montealegre Empire.
Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at wala sa sariling napatingala sa kisame ng silid ko. "Sa tingin mo, sino ang tinutukoy ni Val na traydor na Montealegre?" mahinang tanong ko kay Sora at tumayo mula sa pagkakaupo. "Isang babaeng Montealegre." dagdag ko pa sabay hawak sa sintido ko.
Kanina ko pa iniisip ang tungkol sa mga sinabi ni Val Isaac sa akin kanina ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahulaan kung sino ang tinutukoy nito!
"Bilang lang ang mga babaeng Montealegre, Lady Maddie," ani Sora na siyang ikinatigil ko. "Kung pagbabasehan sa kapangyarihang taglay nito, alam kung matutukoy mo kung sino ito." makahulugang sambit nito na siyang nagpatigil sa akin. Mayamay lang ay napakunot ang noo ko sa mga narinig mula kay Sora. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya at umayos na lamang nang pagkakatayo.
"Kilala mo ba kung sino ang tinutukoy ni Val Isaac, Sora?" kinakabahang tanong ko sa kanya at inalala ang naging pag-uusap namin kanina ni Val.
"You were ambushed?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Yes, Maddison, at doon ko rin nalaman ang lahat. I tried to escape but the Wilhelms are much way stronger. They outnumbered us," ani Val at marahang hinawakan ang kamay ko. "Kaya nga natagalan akong makabalik sa'yo."
"Val." I sighed and tried to calm down. "Sinong Montealegre ang nakita mo?"
"A powerful one," mariing sambit muli nito.
"What's her name, Val Isaac?" matamang tanong kong muli sa kanya. I can see it in his eyes. Ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ang nakita niya. Kung sino ang traydor na Montealegre!
"Bumalik na tayo sa Montealegre Empire, Maddison. Let's talk to our fathers... I mean, let's talk first to Sir Cassandro and Sir Van."
"Do you trust them, Lady Maddie?" Natigilan ako noong marinig kong muli ang boses ni Sora. "Do you trust the Montealegre?" dagdag pa nito na siyang ikinangiwi ko. Binalingan ko ito at marahang inilingan.
"I do trust them, Sora. Pamilya ko sila at marapat lang na magtiwala ako sa kanila," sagot at humugot muli ng isang malalim na hininga.
"Pero iyong nangyari sa pangkat ni Sir Val, tiyak kong hindi iyon papalagpasin ng Archmage. Namatay ang isa sa kanila," mahinang saad niya na siyang ikinatango ko na lamang.
"Alam ko iyon, Sora. What happened to them was unforgivable. Pero isang Montealegre ang pinag-uusapan natin dito. Hindi basta-bastan kikilos ang isang Montealegre ng wala man lang dahilan." I sighed again. "I don't want to defend that Montealegre but still, she's part of my family. I will give her at least the benefit of the doubt."
Hindi agad nakapagsalita si Sora at matamang nakatingin lang sa akin. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at muling hinilot ang sintido ko. "So, what's your plan, Lady Maddie?" mayamaya lang ay maingat na tanong ni Sora sa akin.
"Babalik tayo sa Montealegre Empire at haharapin natin kung sino man iyong traydor na tinutukoy ni Val sa pamilya namin," matamang sagot ko sa kanya. I sighed again.
This is insane! Thinking about the current situation we're facing right now wants me to know more about this traitor! Sumasakit lalao ang ulo ko dahil sa mga nangyayari!
Mayamaya lang ay sabay kaming napatingin ni Sora sa pintuan noong may kumatok doon. Mabilis na kumilos si Sora sa kinatatayuan niya at pinagbuksan ang taong nasa kabilang bahagi ng pinto.
BINABASA MO ANG
Heart Of The Empire
Fantasy[ COMPLETED ] Maddison, the heiress of Montealegre Empire. Maddie always wanted to prove herself to her father, the great Cassandro Gabriel Montealegre, and the rest of the members of their empire. She worked hard and trained herself, but it seems l...