Chapter 1

96 1 0
                                    

Inilapag ko agad ang tatlong box ng pizza sa may counter dito sa nurse station at agad namang sumilay ang mga magagandang ngiti sa labi ng aming mga nurses pati na rin ang mga kaibigan kong doktor.
"OMG! You're the best work mate, Cresandria!" Pambobola ni Cheasty sa akin na agad kong inirapan. The best work mate, huh? Tsk!


Hindi na ako nabigla nang may yumakap sa akin mula sa aking likuran. I really love the scent of his perfume.


"Ganyan talaga pag nagbabait-baitan. Tss! Magta-transfer na sa ibang hospital, eh. Ang daya," nagtatampong sabi ng isang lalake na siyang nakayakap pa rin sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya humiwalay sa akin at siya na mismo ang nag-open ng boxes.

"Oh, I almost forgot...oo nga pala." Dagdag pa ni Cheasty sa isang malungkot na tono ng kanyang boses. Hindi pa rin nila matanggap na aalis na ako dito next week at pupunta na ako sa hospital ng mga Lancaster.

Actually, bumisita na ako kay Abia at na-inform ko na siya tungkol sa napakagandang balita. And yes, I'm so lucky that time. Nagkita kami ng long-time crush ko na si Dr. Gallego Nathaniel Lancaster. Ang gwapo niya pa rin talaga! Kinalimutan ko na talaga 'yong muntikan niyang pagkakabangga sa akin.

I smiled awkwardly at them.
"Bibisita pa rin naman ako dito. And it's not like I'm gonna stay there for the rest of my life." Pagpapa-intindi ko sa kanila. Two years na ako sa field ko at sobrang nakakapagod ang pagiging doktor, pero sobrang nakakasaya naman sa tuwing nakakatulong sa ibang tao. Alam mo ba 'yong pagod na mawawala dahil sa ngiti na masisilayan mo sa mga pasyente mo? It's the best feeling ever.
My whole existence was dictated by my mother, but this one, I wasn't. Maybe they told me to become a doctor, but I already considered this field. Bata pa lang ako ay nai-inspire talaga ako sa trabaho nila Dada at Mommy.



Nakikita ko pa nga sila noon na nagmamadali sa pagtakbo habang tulak-tulak nila at ng mga nurses ang isang stretcher at sinusugod papunta sa operating room o emergency room ang mga pasyente nila.

It's the best scene for me here inside the hospital.

Bata pa lang talaga ay sinasama na ako nila Mommy at Dada dito sa hospital namin at noong nagkamalay na si Yno sa mundo ay dinadala ko na rin.

Pinapatulong na ako nila Mommy at Dada sa mga basic lang na trabaho dito sa loob ng operating room. Pinanuod ko pa ang mga naka-assign sa trabaho na paglilinis ng mga gamit pang-opera. They taught me how to do it and how to make sure that it's really clean. Growing up with this kind of enviroment, mas lalo lang akong nahasa sa mga trabaho nila Mommy. Hindi naman kasi nila pinagkakait sa akin ang mga nalalaman nila tungkol sa field na 'to. That's why I'm really inspired.

"Huh! Baka nga mag-enjoy ka pa doon at makipag tanan ka nalang bigla sa anak nilang si Nathaniel, eh!" Pag-alma ng aking kaibigan na si Cheasty. Cheasty is the best anesthesiologist of the team and she's really passionate about her work.

Minsan nga ay tinuturuan niya pa ako sa kung anong alam niya at sa mga natutunan niya sa kinuha niyang field. She loves sharing her knowledge and I'm really thankful for that.

Okay...so, balik tayo sa sinabi niya tungkol sa akin at kay Nathaniel. Medyo na-shock pa nga ako nang marinig ko 'yon, eh. My gosh...hindi naman ako ganun ka-low na babae, noh. I'm conservative and I know what's the right thing to do. Sa tanang buhay ko nga ay si Nathaniel pa lang talaga ang nagiging crush ko. Back to my high school days, he's the only boy I adored. Talagang kinuha na niya ang puso ko at parang sa kanya na talaga 'to. Nakaka inis. Naiisip ko pa lang kung gaano ko siya kagustong makita noon sa personal tapos hindi ko pa rin siya nakikita. That's my wish for the past years and it only happened when I was already preparing for this field. Yun yung nagpunta sila sa bahay namin at doon ko siya unang nakita.


OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)Where stories live. Discover now