Chapter 5

54 0 0
                                    

"UGH! Sucks!" Pasigaw kong sabi habang hawak ang needle holder. My gosh. Kailan ko ba maitatama itong pag i-stitches? Feeling ko tuloy sobrang useless ko sa parteng 'to.

"Boo! I thought you're a pro..." Abia trailed off while she's looking at me. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at parang nai-enjoy niya naman ang panunuya sa akin. Dinadagdagan niya lang ang stress ko dito sa pag i-stitch, eh. She then took the needle holder from me. "Do it like this," sabi ni Abia sa akin saka ipinakita sa akin ang kaya niyang gawin. Remember when I said that Cresandria's the "almost perfect" woman I've known? Gosh...totoo talaga 'yon. Walang joke.




"YA! You're the real pro here, Doc!" Naiinis kong sabi saka inagaw sa kanya ang mga gamit na ginamit ko kanina sa aking ginagawa. She stared at me like she's trying to prove a point, but in a very playful way. Oh, shit. I want to strangle her to death, but I know I can't, because she's one of my dearest bestfriends. Nanunudyo talaga ang tingin niya habang naka-angat ang isang kilay.

Friday ngayon at nagkakaroon kami ng training ngayon para sa mga bagong pasok na nurses at nakisali na rin ako dahil sa kakulangan ko ng kaalaman sa parteng ito na pinapraktis ko ngayon. Nauubos ang pasensya ko dito, pero wala akong magagawa. Kailangan kong gawin.

Napatitig ako sa aking kaibigan na seryoso at parang ina na nakabantay sa kanyang nakababatang kapatid na si Samuel. Kanina pa nga siya nakatitig sa babaeng doktor na baguhan din dito sa kanilang hospital, eh. Nakikita ko ngayon ang girl version ng pinakamamahal kong si Nathaniel Lancaster.

She's staring at Ara (narinig ko lang ang pangalan niya kanina) like she's ready to offer the girl to a cult or what.

"O? Kamusta ka naman diyan?" Nang-aasar na pangangamusta niya sa akin. Bull shit. Sana pala doon nalang siya kay Ara nakatuon. Ba't ba inaasar niya ako? Sana naman siya na naman ang mahirapan sa susunod sa ibang bagay. Kainis.

"God! Kaya siguro ako pinatapon ni Daddy dito, dahil sobrang useless ko para sa kanya." I said while wiping the sweat on my forehead. Talagang nate-tense na ako sa ginagawa kong 'to. Sobrang frustrated na rin ako.

She raised a brow at me.
"Are you saying that we're useless here like you?"

Inilagay ko naman agad ang isa kong palad sa may dibdib ko. Na mis-interpret niya pa ang sinabi ko. "Grabe ka naman! Mali ang pagkakaintindi mo, pero grabe naman 'yong sinabi mo." Napakamot nalang ako sa aking batok. Actually, pinag-iisipan ko na ngayon kung paano ko sasakalin si Abia. Nakaka bwesit.

"Sa susunod yung clear statement naman ang sabihin mo, hindi 'yong naha-hang ang mga utak namin kakaisip kung ano ba talaga ang pinupunto mo..." she told me. Pa seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha pero mas halata naman na iniinis niya lang ako. Tss!

Napatango nalang ako sa kanya. Alangan namang makipag-away ako. Atsaka may mali din naman ako, eh. "Sorry na.." nakanguso kong sabi saka umabrisete sa kanyang makinis na braso.




Nagpatuloy na kami sa aming ginagawa at talagang naka focus lang ako sa aking inaaral. Hindi pwedeng matapos ang araw na 'to na hindi ko nakakabisado ang lahat ng gagawin dito. "Sam!" Narinig ko ang pag tawag ni Abia sa pangalan ng kanyang kapatid na si Samuel.

Parang may gagawin na 'ata ang bruha. Selosa lang.

Hindi ko nalang pinansin ang magkapatid pero nakita ko mula sa aking peripheral vision ang pagka usap ni Samuel kay Ara na sobrang ganda ng buhok.

Mukhang takot pa siyang itali ang straight black niyang buhok, eh. Nahiya naman ako sa buhok ko.

"Yes, Doc?" Napatingin ako kay Sam na nagkakamot sa kanyang batok habang papalapit na sa kanyang Ate na selosa.

OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)Where stories live. Discover now