Nagkumpulan kami ng mga kasama ko dito sa may kiosk.
Napapasipol pa ang mga walanghiya sa tuwing may dumadaan na mga babae. Sino ba naman kasing hindi magkaka-trip dito sa mga babae sa school namin na halos magaganda lahat. I'm not gonna deny this, but I had a lot of ex-girlfriends and I also have a current girlfriend right now.
Habang busy ako sa pagtitipa sa aking laptop ay may napansin akong nakamasid sa akin. I saw the familiar girl. Maganda ito. Sobrang ganda. Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi siya nakatingin sa akin. I swear, halos araw-araw ko siyang napapansin na nakatitig sa akin tapos sa tuwing titingin ako ay hindi na siya nakatingin.
"Bro, see that girl right there?" Tanong ng kaibigan kong lalake sabay turo sa babaeng seryoso kong tinititigan ngayon.
I shook my head.
"She's out of my concern." Sabi ko nalang.
Bahagya namang natawa ang aking kaibigan. "Nursing student, bro. Halos nasa nursing lahat ang magaganda." He said. It's like my friend's dreaming. Mukhang pinagpapantasyahan niya din ang babae. Nag-init nalang ang ulo ko dahil sa naisip.
"Eh ano naman kung maganda?" Sabi ko.
Nakita ko ang pag-iling niya sa may gilid ko at tila hindi makapaniwala. "Bro, hindi ka ba talaga bakla? I mean, you should be attracted."
"Gago." Sabi ko. "Maybe naa-attract ako sa ibang babae, pero hindi ako 'yong tipo na ipagpapalit ang girlfriend ko." I darkly replied to him.
Napatingin ako sa aking kaibigan na halos nakabuka lang ang bibig pagkatapos na marinig ang aking tanong.
"Grabe ka, bro. Hanga ako sa'yo." Mangha niyang sabi.Mangha nga ba? O...natatangahan ka sa akin? Come on, I know how you think.
Kahit pa ano'ng sabihin ng iba, hinding-hindi ko magagawang maghanap ng ibang babae. I'm faithful as fuck and all I get in return is unfaithfulness. Halos ako ang nakakatanggap ng sakit.
Nagpaalam siya at nang makaalis ay agad namang dumating si Charity. Napatingin ako sa kanyang pagod na mukha at napansin ko ang paninitig ng mga kalalakihan sa kanya. Nothing changed. The same Charity Preia Mendes na nakaka-attract ng mga lalake sa madaling paraan. "Hi, Nath..." bati niya at hindi na ako nabigla nang halikan niya ako sa pisngi.
"Baka mag-away na naman kayo ni Anys." Bigla-bigla nalang kasi siyang nagiging clingy at siguro nga sa kanyag umaangal ang ibang naging girlfriends ko. Nagiging clingy siya.
"Don't worry about her..." malumanay niyang sabi na para bang hindi siya makakabasag ng pinggan. "Nakita ko siya with her friends and I saw her with a guy." I didn't bother to say something. Ano nga ba ang nagbago? Parating nabu-busyhan ang mga naging girlfriend ko sa akin and maybe...si Anys din. Napatango nalang ako. "Aren't you going to do something?" She asked and I shook my head.
"Just a waste of my time." Pormal kong sagot sa kanya.
"Ah, yes. And revenge won't help. Bad 'yon." Parang bata niyang sabi at napatingin nalang ako sa kanya sa seryosong paraan at nagpatuloy na sa aking ginagawang trabaho.
Lumipas ang ilang oras ay agad ko namang nakita ang pagdaan ng mga nursing students. Nauuna sa paglalakad ang mga babaeng estudyante na para bang magiging simuno ng pag-aaway. The bitchy type. Yun ang tawag ng mga kaklase ko sa kanila.
Napansin ko na nasa panghuli ang pinakamaganda sa kanila. I stared at her. Damn it. Ba't siya nabubuhay? Eh para siyang Diyosa na pinadala dito sa mundo ng mga tao para ipakita ang kagandahan niyang taglay.
YOU ARE READING
OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)
RomanceLANCASTER BROTHERS SERIES #1 Gallego Nathaniel R. Lancaster Cresandria Querantine B. Montevista