Chapter 37

54 1 0
                                    

Nagising ako na mabigat ang nararamdaman at agad akong nakaramdam ng kakaiba sa aking tiyan. Ramdam ko din ang mga bisig na nakayakap sa akin habang kami ay nakahiga. Walang nangyari sa'min. We just cuddled the whole night and shared some kisses. Yun lang.

Nabalik ako sa reyalidad at nakaramdam ulit ako ng kakaiba na siyang naging dahilan para hawakan ang mabigat na braso ni Nathaniel at iniwas ko ito sa kanya. Naging marahas ang pagwakli ko sa kanyang kamay na siyang naging dahilan para maalimpungatan siya.

I rushed inside the bathroom and threw up all the foods I ate last night. My breathing became heavy and I'm feeling dizzy.
Patuloy ang pagsusuka ko hanggang sa maramdaman ko ang mga palad ni Nath na siyang humahaplos sa aking likuran.
"Oh, my gosh...stay away from me." Damn it. I hate him for being here.

"What? Cresandria...what's happening to you?" Tanong niya sa akin.

"Just stay away from me." Nakakainis. Halata namang ang baho ko ngayon. Nababahuan ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay wala akong ligo ng ilang araw.

"You're not okay." He stated. "Kailangan nandito ako sa tabi mo." Sabi niya sa akin na siyang naging dahilan ng pagtingin ko sa kanya na may galit at inis.


"Wala ka noon sa tabi ko noong hindi ako okay pero nakaya ko naman. Kaya ko pa rin ngayon! I don't need you here!" I fired at him.

Agad kong nakita ang sakit na siyang dumaan sa kanyang mga mata na siyang hinaluan ng kanyang pagkabigla.

Natigilan ako.

Damn it!

"Okay...I'm sorry." Lumayo siya sa akin at agad na tumayo ng maayos. "Kukuha lang ako ng tubig." He almost whispered.

Akmang magsasalita na ako nang talikuran niya ako. Agad naman akong naging emosyonal at humikbi agad ako. I cried it all out. Bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko nakayanan. Umalis siya. Bwesit! Ba't ko ba nasabi 'yon? Bwesit talaga! Mas lalo lang akong napaiyak at kulang nalang ay magpagulong-gulong ako dito sa loob ng maluwang na bathroom.

Nang makarating si Nathaniel ay nakaupo na ako sa kama. Tahimik. Napatingin ako sa kanya at agad akong napanguso dahil bumalik ang kaseryosohan niya. Tuluyan siyang lumapit sa akin at inilahad ang glass na may lamang tubig sa akin. Kinuha ko ito mula sa kanya atsaka ininom. I emptied the glass of water and I looked up at him.
Tatalikuran na naman sana niya ako nang hawakan ko ang kamay niya at agad akong tumayo. I wrapped my arms around his body and cried. "Sorry na. Hindi ko sinasadya." Parang baby kong sabi. Hindi naman talaga, eh.

Hindi ko rin alam kung ba't ko nasabi kanina 'yon. Ba't ko naman kasi pinakawalan ang masasakit na salita na 'yon? Kainis talaga.
He hushed me.
"Cres...it's okay." Sabi niya.

Napailing-iling ako.
"Alam kong hindi..." mahina kong sabi, naiiyak parin.

Hiniwalay naman niya ako sa kanyang katawan at tila nawalan ako ng pag-asa.
"Listen, okay lang. Alam kong nawala ka lang sa mood. Maybe you are just tired." Sabi niya at napanguso nalang ulit ako saka siya niyakap ng napakahigpit sa ikalawang pagkakataon.

"Please don't hold grudge against me." I begged.

I heard him chuckled because of what I said. "Of course, not..." he comfortingly told me and that made me sigh.

"Promise talaga?" I asked like a baby.

"Yes, wife." He sweetly responded. Ako ang kusang humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya at nagkatinginan ulit kaming dalawa.
"Maghahanda lang ako ng breakfast para sa ating dalawa. Mag-ayos ka na." Marahan niyang sabi at pinatakan ng halik ang aking noo. Napangiti agad ako sa kanyang ginawa at agad ko naman itong winala nang tingnan niya ako ulit.

OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)Where stories live. Discover now