Masakit.
Masakit makitang pinipilit ng pinakamamahal mong tao na ipakita sa ibang tao na hindi siya napipilitan sa kasal niyong dalawa.
Mas lalong masakit habang pinapakinggan mo ang kanyang mga sinasabi sa vows niya para sa'yo, lalo na at hindi sinsero ang lahat ng salita na lumabas sa kanyang bibig.Totoo ngang hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka. Alam ko namang mahal na mahal niya si Wella, eh. Alam ko 'yon. Kaya nga mas sumakit ang puso ko dahil alam kong kahit na patay na si Wella ay siya pa rin ang kaagaw ko kay Nathaniel.
That day ended with him being irritated with me and me...hurt.
Napangiti ako nang makitang na perpekto ko ang pagde-design sa niluto kong sunny side up egg. Talagang nasa gitna 'yong yellow part ng egg sa hugis pusong ginamit ko. I giggled when I realized that what I'm doing is so cheesy.
Napanguso nalang ako saka ito inilapag sa isang puting plato at agad itong inilagay sa may mesa sa dining area. Nang matapos na ako sa aking pagluluto ay agad akong pumunta sa dining area at nagprepare ng mainit na kape para sa kay Nathaniel. Pinuntahan ko siya kanina sa kanyang kwarto at sobrang tulog na tulog pa siya. Nagpakalasing din kasi siya pagkatapos ng handaan at talagang hindi ko naman siya magawang pigilan.
'Andito kami ngayon sa kanyang sariling bahay at talagang nagustuhan ko ang pagkaka-design nitong kanyang bahay. The common colors of his house are black, white and brown. It's really a wonderful house surrounded by green plants and pine trees. We're still in the city pa naman pero talagang malayo-layo ng kaunti ang bahay niya sa mismong city talaga.
Nabigla ako nang makita ko siyang pumasok dito sa loob ng kitchen at eksakto namang tapos na rin ang kape na ginagawa ko.
"Good morning!" I greeted him with my cheery voice. Come on, Cresandria! You need to give your all and take the risk.
Instead of greeting me back, he just glanced at me like he's checking if I'm really existing here in his own house.Nakita ko ang pag kuha niya ng isang pitsel na may malamig na tubig at nagmamadali naman akong kumuha ng isang glass para magamit niya. I handed it to him, but he didn't look at my offered glass. Kumuha siya ng kusa at agad na nag buhos ng tubig sa loob nito. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple nang lunukin niya ang kanyang ininom ng tubig at halos mangatog naman ang aking tuhod dahil sa nakikita. Oh. My. Gosh. Kailangan kong magtigil sa aking nararamdaman.
Halos mapatalon ako nang mapatingin siya sa aking direksyon. He immediately frowned when he saw me.
Napailing-iling siya at problemadong pinasadahan ng kanyang mga daliri ang maitim at magulo niyang buhok.
"Oh, yeah..." mahina niyang sambit. "...I'm already married."Napakagat ako sa aking labi dahil sa kanyang sinabi at napatikhim nalang ako bago magsalita.
"Uhm, breakfast is ready!" Binalik ko ang aking determinasyon para kausapin siya at kumbinsihing kumain ng breakfast.
"Let's eat?"Hindi niya ako tiningnan at tila ba nag-iisip siya ng malalim saka naman ako tumalikod sa kanya at kinuha ang ginawa kong kape.
Inilahad ko agad ito sa kanyang harapan at imbis na tanggapin ito ay iniwan niya ako dito sa loob ng kitchen. Oh, baka naman papunta siya sa dining area! Yeah, right! Baka nga...Sinundan ko agad siya pero lumabas siya ng dere-deretso at nilampasan ang aking hinandang pagkain para sa aming dalawa. My heart sank when he didn't stop to have a seat and eat breakfast with me.
Ako nalang ang napa upo sa high stool nang makaramdam ako ng sama ng pakiramdam. Matagal-tagal na ding sumasama ang pakiramdam ko at hindi ko nalang ito binibigyan ng pansin. Mas bibigyan ko pa 'ata ng pansin si Nathaniel.
YOU ARE READING
OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)
RomanceLANCASTER BROTHERS SERIES #1 Gallego Nathaniel R. Lancaster Cresandria Querantine B. Montevista