Chapter 16

48 1 0
                                    

Tahimik akong naka upo ngayon dito sa may front seat kung saan katabi ko siya na nasa may driver's seat at seryosong nagmamaneho. I gulped the lump in my throat and whispered words of encouragement to myself to talk to him. I need to talk to him.
Nanginginig ang mga labi ko habang tina-try kong magsalita pero wala pa naman akong nasasabi.


Napabuntong-hininga nalang ako nang makarating na kami sa kanyang bahay at wala pa rin siyang imik.

Halos magkadugtong na ang dalawa niyang kilay nang lingunin ko siya.
My lips formed into a thin line when I went out from his car. He is not the gentleman Gallego Nathaniel anymore. Hindi gaya noong mga nakaraang buwan na pinagbubukas niya talaga ako ng pintuan at minsa'y ngumingiti pa sa akin.

Para kaming mga walang balak magsalita nang pumasok kami ng tuluyan sa kanyang bahay. Nakasunod lang ako sa kanya na parang aso na sumusunod kung saan pupunta ang kanyang amo.
"N-Nath," tawag ko sa kanyang pangalan nang makita ko siyang paakyat sa hagdan.

"What?!" He snapped at me.

I flinched when I heard him shout at me. Naninibago talaga ako sa kanyang aura ngayon. Hindi ko siya makilala. Hindi ko na alam kung sino itong kaharap ko. Kinakabahan ako sa bawat galaw niya na para bang masasaktan niya ako pag magsasalita pa ako.

"Uhhhhh...bumaba ka nalang maya-maya para sabay na tayong mag din--"

"I'm not hungry," he answered and immediately climbed up the stairs.

Napahinga nalang ako ng malalim saka ito binitawan at dumeretso na ako sa kusina. Well, kung ayaw niya kumain kasama ako, paghahandaan ko nalang siya para sa dinner niya. I don't believe him when he told me he's not hungry.

Balita ko dalawang surgery ang na-attendan niya ngayon. Siguro nga pagpapahingain ko muna siya at baka pagod lang siya kaya mainit ang kanyang ulo sa akin.

Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko naman ang isa naming house maid at agad ko siyang nginitian.
"Magandang gabi po." Nahihiya niyang bati.

"Good evening!" I greeted back.
"Pwedeng patulong sa pagluto? Please chop the onions and garlic for me. I really don't like chopping them, they make me cry." Parang bata kong sumbong.

Ngumiti naman ng marahan ang aming kasambahay.
"Oo naman po. Ako na po ang bahala sa ibang gagawin ng pagluluto niyo, Ma'am." Hay. Thank you naman.

Habang nilalagyan ko ng oil ang frying pan ay naririnig ko naman ang pagc-chop ng aming kasambahay.
Nag sauté agad ako nang matapos na siya at nanuod naman siya habang nagluluto ako.
Actually, hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko.
"Oh, my gosh..." I mumbled when I realized how crazy I am right now.

"Bakit po, Ma'am?" Tanong naman ng kasama ko dito sa loob ng kitchen.

I stared at her like a lost puppy.
"Uh, I don't know what I'm doing." Sabi ko.

Napa-angat naman ang isa niyang kilay sa akin.
"Ano po'ng ibig niyong sabihin?" Nagtataka niyang tanong.

"Hindi nga pala ako marunong magluto nitong naiisip kong lutuin." I confessed guiltily.

Napamaang naman ang kanyang labi saka ako tiningnan na para bang hindi niya alam kung anong uunahin niya gawin, ang tulungan ako o pagtawanan. And then she laughed.
"Naku po! Hindi niyo naman po kasi sinabi. Ako nalang po sana ang nagluto." Sabi niya at agad naman akong tumabi nang palitan niya ako sa aking pwesto.

"I'm sorry," paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang po. Ano po ba ang gusto niyong lutuin ko?" She asked me.

OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)Where stories live. Discover now