Chapter 36

53 1 0
                                    

Nagkaroon ng aksidente ang isang bus at isang malaking truck na siyang naging dahilan ng maraming pasyente ngayon sa Mercedez-L Hospital.


Medyo humuhupa na ang mga pag daing ng mga pasyente sa paligid at kaunti nalang ang maririnig na pag sigaw dahil sa sakit.

Tahimik na.

Para bang hudyat ito ng pag-alala sa mga nawala. Pag-alala sa nangyaring aksidente na kahit kailan ay hindi nila nakitang mangyayari sa kanila. Natahimik na din ako pagkatapos kong patulugin ang isang bata na siyang panay ang iyak at sigaw kanina. Nakibalita ako tungkol sa parents ng bata at ang sabi sa akin ay dead on arrival ang mga magulang niya.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko at dinama ang sakit na sigurado akong mararamdaman ng batang ito pag nalaman niya ang trahedyang nagdulot ng kamatayan ng kanyang mga magulang.

Sobrang gulo dito sa loob ng hospital kanina at halos walang maka-usap ng matino sa mga pasyente. Histerikal silang lahat at hindi ko makaka-usap ng maayos.

Mas lalo lang na nagiging mahirap ang pangyayari kanina nang marinig ng ibang pasyente ang sigaw ng mga kamag-anak nila. Walang tigil ang iyakan kanina na siyang kinalakihan ko noon. Nasanay na rin ako. Kahit na alam kong may pangamba parin sa puso ko. Iba ang epekto ng lugar na 'to sa'kin. The people here made me feel like I'm a mistake. That I am a disappointment.


Napabuntong-hininga ako 'saka lumapit sa pasyente ko. Yumuko ako at tinapat ko ang aking tenga sa kanyang dibdib.

Tila isang mabigat na bagay ang nawala sa ibabaw ng dibdib ko nang mapansin na naging normal na din ang kanyang paghinga. Bata pa lang siya. Maybe this child is only five years old. Halos kaedad lang siguro ni Joshua.

Wala sa sarili kong pinulupot ang aking mga braso sa bata at napahikbi.




Bata pa lang siya pero nawalan na siya ng ina. Alam kong sobrang laki ng mababawas sa pagkatao niya. Alam kong magiging masakit ito sa kanya. Na-injured din ang kanyang left arm at agad ko namang dinaluhan kung saan pa ang naapektuhan sa kanyang katawan.

Sobrang sakit lang talaga para sa akin ang makita ang isang bata sa ganitong sitwasyon. Maybe it's because of what happened to me. I fear losing children. I fear losing someone even if it is not that close to me.


Napatingin ako sa bagong dating na lalake na siyang suot ang white coat niya na may bahid ng maraming dugo. It's been a busy day. And he looks exhausted.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi saka inihiwalay ang aking katawan sa bata.
"Do you know the patient?" Nathaniel asked me.

Napahinga ako ng malalim saka umiling.
"I'm just trying to give him the energy left in me." Pagod kong sabi.

Bago pa ako maka-upo sa sofa dito sa loob ng isang room sa hospital kung saan naka-confine ang bata, naupo na agad si Nathaniel sofa, nakadekwatro.
"You can sit beside me. I'm harmless." He assured me. Hindi niya naman kailangang sabihin 'yon. Totoong iniiwasan ko siya pero hindi naman talaga ako sobrang takot sa kanya to the point na ayokong maki-share ng sofa.
"How do you do that?"



Naka-upo na ako sa kanyang tabi nang magtanong siya sa'kin.
I tilted my head at his direction and raised a brow.

"Do what?" Naco-confuse kong tanong.

I saw him smiled and I immediately turned my gaze to the child who is sleeping on the hospital bed.

"Give the child the energy left on you?" Patanong niyang sabi kaya hindi ko napigilan ang mapangiti. He sounded like an innocent child, trying to ask his mother for a honest answer.

OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)Where stories live. Discover now