Umuwi ulit ako sa bahay namin at doon nagpalipas ng gabi. Tumabi pa nga ang kapatid ko sa akin sa gabing 'yon at nagising ako dahil sa pagtampal niya sa aking mukha sa mahinang paraan.
"Ate, pinapagising ka na ni Mommy sa akin. You need to work." Yno told me. Kanina pa siguro siya nagising.There's still a slight pain down there, but I can manage.
"Thanks, Yno. Bababa din ako." Sabi ko.
"Bilis, Ate! Sasabay ka pa sa amin mag breakfast." Sabi ng kapatid ko at tinanguan ko nalang siya at agad naman siyang lumabas sa aking kwarto. We talked the whole night and he talked about his school and his classmates.
He talked about how excited he is para sa next school year. He even asked me if he can skip 5th and 6th grade para daw makapag junior high na raw siya. I was shocked. Akala ko nagbibiro lang siya, pero sabi niya napaka boring daw ng elementary niya. Pabalik-balik daw kuno ang lessons.Aba! Ewan ko sa batang 'yon. Kaya sinabihan ko nalang na si Momny ang lapitan niya.
I even told him to just enjoy his elementary days. Kasi minsan lang naman tayo nagiging bata. Dapat nga nakikipaglaro pa siya sa mga ka-edad niya pero ayaw niya talaga. Hindi siya masyadong nag i-enjoy kasama ang ibang bata. He prefer being alone in his own study room and he read books all the time.
Nagmadali na ako at nang matapos ako sa lahat ay agad na akong lumabas ng aking kwarto. Nang makarating ako sa dining room ay agad naman akong sinalubong ni Dada.
"Nabalitaan ko na umuwi ka dito kaya umuwi din ako. I missed you, anak." Dada told me with a smile on his face. Napangiti ako.I hugged him tight.
"I missed you, too, Dada." Malambing kong sabi.Nakatanaw lang si Mommy sa aming dalawa kaya nang matapos kaming dalawa ni Dada sa kaunting pag-uusap ay dumeretso na ako sa kung saan naka upo si Mommy at pinatakan ko siya ng halik sa kanyang pisngi. "Good morning, My..." mahina kong sabi sa kanya.
She kissed me on my cheeks, too.
"Good morning, hija. Come on! Let's eat breakfast together. Maaga ka pa sa trabaho mo ngayon."Agad naman akong tumabi sa aking kapatid na tahimik lang na nagmamasid sa amin nila Dada. He's really observant. Pakiramdam ko binabantayan niya lahat ng kilos ng mga taong nakapaligid sa kanya.
"Nasabi na po ba ni Yno sa inyo ang gusto niyang mangyari?" Tanong ko sa aming mga magulang.Dad creased his forehead.
Parang si Dada lang ang walang alam kasi siya lang ang naging kuryoso sa pinag-uusapan habang tahimik lang si Mommy na ngumunguya sa kanyang pagkain habang nakatitig sa kay Yno.
"What are you talking about, hija?" Tanong ni Dada sa akin.
Tiningnan ko ang kapatid ko at napa-angat ang isa niyang kilay sa akin bago niya tiningnan si Dada sa seryosong paraan.
"Gusto ko pong mag skip ng two years, Dada. Ayokong mag grade 5 at grade 6." Sabi ng aking kapatid.Kinuha ni Dada ang isang glass ng tubig saka ito ininom.
"Why, Yno?" He curiously asked his son."Dada, it's too boring." My brother sighed.
"Paulit-ulit lang naman po ang naririnig ko sa teachers. Atsaka alam ko naman po ang tinuturo nila." Wow. Ako nga noon gusto ko pang bumalik, eh. Sobrang hindi ko naiintindihan ibang subjects ko tapos heto nga ang kapatid kong eight years old...urgh!"Naisip mo na bang i-enjoy muna ang elementary days mo, Yno? You know, it's not easy to skip and study a lot for the exams and all of the things that you need to do before you can skip." Pagpapa-intindi ni Dada sa aking kapatid na matigas talaga ang ulo at gustong masunod ang kanyang gusto. Pag ako nagka anak ng ganito, baka na stress na ako ng sobra.
YOU ARE READING
OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)
RomanceLANCASTER BROTHERS SERIES #1 Gallego Nathaniel R. Lancaster Cresandria Querantine B. Montevista