Chapter 38

52 3 0
                                    

I ordered a cup of hot chocolate. Malakas ang bagsak ng ulan sa labas at agad naman akong napatingin sa aking phone na nasa ibabaw ng mesa nang mag vibrate ito. I saw the caller's ID and it's Nathaniel who texted.



From: Nathaniel

Hey, wife. Call me if you are done talking with your friends. I'll fetch you. It's raining so hard. Hindi ka p'wedeng umuwi na mag-isa.


Ito ang nabasa ko nang buksan ko ang message niya. Pars naman akong baliw na napangiti.

I heard them cleared their throat in unison. Instead of making fun of me, I did it to them.
"Wow. Was that part of a relationship goals?"

"What?" Halos magkadugtong ang kilay ni Cheasty.

"The clearing of throat in unison, I mean...was that part of a relationship goals?" Pang-aasar ko.

They both looked at each other and I laughed so hard. Hindi ako mapakali dahil sa reaksyon nilang dalawa. Para silang nandidiri sa isa't-isa at hindi matanggap ang sinabi ko. And of course, si Cheasty ang over kung maka-react.

"Ugh. I hate you, Cresandria." Sabi ni Cheasty saka napairap.

Natawa nalang ako sa kanyang sinabi at nakita ko namang napailing-iling si Maximus. Ang in denial talaga ni Cheasty. Parang hindi niya pa matanggap na talagang may nararamdaman siya para kay Maximus. Sobrang defensive niya pa nga sa tuwing natatanong ko 'yon sa kanya.



It's been a week simula noong matagpuan si Rhyzander ng kanyang pamilya at sa sumunod na araw ay agad siyang na-discharge. Everything's a blur after that. Nagpatuloy ang busy life ko bilang isang doktor. Hindi pa ito final na mag i-stay talaga ako. Pinagbigyan ko si Nathaniel sa gusto niyang mangyari. I need to risk it this time. Baka kasi may makuha naman akong advantage sa pag risk ko ngayon.



I diverted my gaze to the full-length glass window of the café and smiled while watching the rain pour down.
"Namumutla ka 'ata." Pagpuna ni Maximus at wala naman ako sa sariling napahawak sa aking pagmumukha.

I frowned.
"Just having some unknown sickness." Sagot ko.

Nakunot naman ang noo ni Cheasty, nakuha ko 'ata ang atensyon niya. She looked at me, puzzled.
"Unknown sickness? Bakit ba? What do you feel?" Tanong niya.

Nagkibit lang ako ng balikat.

"Wala 'to. Na-stress lang siguro." Sabi ko pa.

Maximus fake a cough.
"Nai-stress saan o...kanino?" Tanong niya sa'kin at ako na naman ang napairap.

"Whatever! Hindi naman ako nai-stress sa kanya." Sabi ko dahil alam ko naman na si Nathaniel ang tinutukoy niya.

"Talaga? Hindi? Bakit?" Kuryosong tanong ni Cheasty.

"Basta..." mahina kong sabi.

"Nagkabalikan kayo?" Kalmado at pormal lang na tanong ni Maximus pero exaggerated naman na nag react si Cheasty sa tanong ni Max.




"Nagkabalikan kayong dalawa, Cres?!" Halos pasigaw niyang tanong.

"Tss! Pwede namang kumalma." Maximus hissed at the girl beside him.

Inirapan lang siya ni Cheasty at halos palipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mukhang hihilingin ko pa na maka-usap si Larina kesa sa kanilang dalawa. Nagtataka nga ako minsan kung sino ba sa kanila ang pakikinggan ko.
"We're trying to make it all up." Mahina kong sabi sa dalawang tao na halos magkagatan na. Parang allergic sa isa't-isa.

OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)Where stories live. Discover now