Chapter 12

49 1 0
                                    

Alam kong darating din ang araw kung saan hindi na ako makakapagtago sa kanila. Hindi ko naman alam na plano pala nilang magpaka zombie ngayong gabi. It's already two AM in the morning, almost three.
Sa ngayon ay ramdam ko ang nakakapasong titig ng magkakapatid sa akin habang naghuhugas ako ng aking kamay patungo sa aking elbow. Nang matapos ako ay agad kong inalis ang paa kong nakatapak sa may apakan ng faucet namin dito sa operating room.







Tinulungan ako ng isang nurse sa pagtanggal ng suot kong operating gown saka ako nakahinga ng malalim.
Nag-angat ako ng tingin sa magkakapatid. Kumpleto sila except kay Abia na hindi ko pa nakikita.

Kitang-kita sa pagmumukha ng nakababatang kapatid nila na si Samuel ang pagkainip.



"We need to talk to you, Doc." Pormal na sabi ni Paul Wyatt. Nakapamulsa ang Kuya Nathaniel niya habang nakatitig sa akin. Sa kanya nakatuon ang paningin ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.


'Ayan, kung anong kababalaghan kasi ang pinatulan mo. Kaya 'ayan...magduda ka. Gaga!



"Don't worry, hindi namin hahayaang saktan ka ni Kuya Nath." Zild Lancaster reassured me.

Napakunot lang ang noo ko saka sinulyapan si Samuel na tila nabo-bored habang nakatingin sa akin at habang nakikinig sa mga pinagsasabi ng kanyang mga kapatid.

"Just get this over with, guys..." hiling niya sa amin.






Hindi na ako nagsalita at dumeretso na ako palabas dito sa OR at agad na pumunta sa may locker room ko. Kinuha ko agad ang aking jacket saka ito isinuot.

Nang lumabas ako ay nakahintay parin sila sa akin sa labas at parang hinahabaan nila ang pasensya nila para sa akin. Actually, hindi ako nagpapahard-to-get. Payag na nga ako, eh.

Hindi ba nila alam 'yon?

Mukhang hindi nga. Sinabi ko din naman 'yon kay Nathaniel na gagawin ko 'yon pero naalala ko bigla na lasing pala siya noong gabing 'yon. Atsaka sana naman sinama niya sa nakalimutan niya ang nangyari sa'ming dalawa para naman makahinga na ako ng malalim. Ang bigat-bigat nitong dinadala kong problema, eh. Pwedeng isa naman sa kanila ay mag volunteer para kumuha ng maliit na parte lang ng problema ko?



Naiiling ko silang tiningnan saka ko naglakad palayo sa kanila. Habang naglalakad ako dito sa may corridors ng hospital ay bigla nalang akong hinila ng isang malakas na kamay.


Agad namang nagtama ang paningin namin ni Nathaniel Lancaster na siyang naging dahilan ng pag tibok ng aking puso. Manahimik kang puso ka.
"What?" Matamlay kong tanong.




Nanghihina pa ako at sobrang pagod pa dahil sa kakatapos ko lang na surgery.

"We need to talk, Cres." Mariin niyang sabi.


Agad namang lumapit sa amin ang kambal at pinagitnaan kaming dalawa.
"Kuya, bitawan mo nga siya. Be patient with her. Siya na lang ang pag-asa natin." Sabi ni Samuel na napapakamot pa sa kanyang batok.



Nakita ko ang masamang tingin ng kambal sa kanilang kapatid na si Samuel at napabuntong-hininga nalang ako.
"If this is about the case of Wella Cordova, then fine, I'm gonna do it." I heard gasps from the boys, except for Nathaniel.
"Nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko. I'll lead the surgery. Of course, for Wella Cordova..." mahina kong sabi sa kanila.






Napangiti sa akin ang kambal at tila nanahimik naman at naging kuryoso si Samuel Lancaster habang nakatanaw sa akin.

"Thank you!" Masayang sabi ni Paul Wyatt at akmang yayakapin ako nang pigilan siya ni Zild.

OVER AND OVER AGAIN (LBS#1)Where stories live. Discover now