GMS15

1.5K 56 17
                                    

FELICITY


Bwiset talagang Calib 'yon. Hmp! Nakakainis! Bastos talaga siya kahit kailan! Bukod sa binaboy niya 'yong labi ko ay ang ganda na sana ng lipstick ko tapos binura niya lang? Kainis talaga! Ang sarap mag-walk out!

Flashback...

He was glaring for a minute then suddenly kiss me intensely. I can feel his tongue inside my mouth which is also trying to play with my tongue. Shit! No! I will never response to his kisses.

Nagpupumiglas ako ngunit malakas siya. He's never been gentle towards me.

"How dare you to hate me." He muttered tsaka nagpunas ng labi at bumalik sa pagmamaneho.

"Bwiset ka talaga!" Irap ko dito tsaka napatingin sa salamin at inayos muli ang sarili.

Hindi pa man ako nakakarating sa pupuntahan namin ay mukha na akong pauwi. Great!

Flashback's End.

"This guys would probably ask you to dance." Sabay lahad niya sa akin ng isang litrato. Litrato ito ng isang gwapong lalaki  na may kulay pula na buhok at tila ba isa itong modelo.

Natahimik ako ng ilang segundo habang nanatiling nakatitig sa litrato. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar siya sa akin?

"Anong gagawin ko lalaking 'to? Sino ba siya?" Tanong ko kay Calib. Tama nga ang kutob ko. Hindi lang isang normal na party ang pupuntahan namin.

"Siya ang tagapag-mana ng Pentagon. And tonight... we will going to kill him." Mariing sabi ni Calib.

Ang pentagon ang mortal na kaaway ng Heaven's Gate.

"Paano? Anong gagawin ko?" Tanong ko ulit.

"Kailangan mo siyang isayaw sa gitna ng ball. This is a masquerade party kaya mahihirapan kang kilalanin siya so you should wait for my signal. Isayaw mo siya at pasimple mong idikit 'to sa batok niya habang sinasayaw mo siya at kailangan mong mag-ingat upang hindi ka mahalata."

Napatingin ako sa maliit na bagay na inabot niya sa akin. Alam ko ito.

"Pansamantala siyang mawawalan ng malay at doon na natin siya ilalabas at papatayin. Kailangan hindi nila ito maramdaman at hindi rin pwedeng magulo ang party dahil marami silang nakapalibot sa atin." Seryoso niyang sabi.

"Naintindihan ko."

Napatango ako ngunit bahagyang napigil ang paghinga ko nang magkalapit ang mga mukha namin at ramdam ko ang mainit at mabango nitong hininga.

Sadyang lumapit siya sa akin at tila may kung anong bagay na nilagay sa tenga ko tsaka ako nilagyan ng maskara.

"Kita nalang tayo sa loob." Saad niya at hinalikan pa ako sa labi bago siya tuluyang lumabas ng sasakyan.

Argh! Bwiset ka talaga Calib!

"Ingat ka..." dinig ko mula doon sa bagay na kinabit niya sa tenga ko.

Lumabas na rin ako ng sasakyan at pumasok na sa loob ng venue gamit 'yong invitation na iniwan niya sa akin.

Mukhang mayayaman ang mga taong nandirito at talagang nakakasilaw ang mga alahas na suot nila.

Ano bang party ito?

"Nakapasok kana?" Dinig ko ang boses ni Calib mula sa kabilang linya.

"Oo..." tugon ko.

"Good. Just stay." He demanded.

Napaupo ako habang inaantay ko ang signal ni Calib ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala parin.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon