GMS36

1.3K 56 30
                                    

FELICITY


Napakapit ako kay Bliss at Calib dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay katapusan na nang pag-iibigan namin ni Calib. Nagsisimula palang kami ngunit ito mukhang matatapos na.

Bahagya naman akong napalunok ng sarili kong laway nang tumingin sa akin ang ina ni Calib matapos niyang makita ang resulta.

Lalo akong nagpigil ng hininga nang naglakad ito palapit sa amin. Hindi naman ako natatakot sa kanya ngunit ang ikinakatakot ay baka hindi matuloy ang kasal namin ni Calib dahil lang sa deal.

"The result is positive." Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito at napatingin ako kay Calib. Kumindat lang ito sa akin.

Anong ginawa niya? Dinaya niya ang mama niya?

"Tulad ng sinabi ko ay irerespeto ko ang kasal niyo kapag nalaman kong anak nga ni Calib si Bliss." Saad nito at mukhang ang aliwalas bigla ng mukha nito.

"Mommy?" Tawag sa akin ni Bliss kaya napayuko naman ako upang pumantay sa kanya.

"Ano pong sinasabi niya? Si Mister Daddy po talaga ang real daddy ko?" Bulong nito sa akin.

"Well, for now isipin mo nalang na muna na ganoon nga kasi magiging Daddy mo din naman siya diba?" Bulong ko din.

"Okay po." Tango ni Bliss.

"Okay then, simula ngayon Lara will be out from this house." Giit pa nito na siyang ikinanlumo ni Lara.

"Pero bakit? Hindi pwede!" Kontra ni Lara.

"You'll be out. You have no choice." Diretsang sabi naman ng ina ni Calib.

Napasimangot nalang si Lara dahil wala naman na siyang ibang choice kung hindi ang umalis.

"I'll take my grandson."

Napakunot naman ang noo ko nang dahil sa sinabi nito.

"What do you mean mom?" Ani Calib.

"We'll go on shopping."

Tila nagdalawang isip ako sa sinabi nito at baka hindi niya na ibalik sa akin ang anak ko.

"Don't worry my dear, ibabalik ko din naman siya agad. Mga... bukas." Malambing na saad nito sa akin at tila bigla naman akong nakaamoy ng kaplastikan. Hindi bagay sa kanya ang maging malambing.

"Hi Bliss, I'm your grandmother. My name is Olivia Jacinto and you can just call me mommyla." Pagpapakilala nito kay Bliss.

"Hello mommyla." Kaway naman ni Bliss dito.

"Let's go on shopping? I can buy a lot of toys for you."

Napatingin si Bliss sa akin at kay Calib.

"Mabait ka na po ba? Coz the last time I saw you... you're hurting my mom. I'm just thinking of... you might hurt me too." Ani Bliss.

Ang talino talaga ng anak ko. Papayag na akong isama siya ni Olivia basta ibabalik niyang buo ang anak ko.

"I'm sorry for that Bliss. I'm your mommyla, of course I can't hurt you." Lambing nito kay Bliss.

"Mommy... Daddy? Can I go with her?" Paalam ni Bliss sa amin.

Mukhang tuluyan na ngang naging Daddy ang tawag niya kay Calib.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon