GMS66

1K 52 32
                                    

FELICITY


*toot, toot...*

Sa kalagitnaan nang iyak namin ay kapwa kaming natigilan ni Calib at napatingin sa life line machine.

Agad namang kumilos ang mga doktor at inasikaso si Seri.

"She's alive! She's breathing again!" saad nong isang doctor.

Napatayo ako mula sa pagkaluhod at nagkatinginan na lamang kami ni Calib. Kapwa gumuhit ang ngiti namin sa labi nang magkompirmang nagbalik ang buhay ni Seri.

"Da-daddy..."

Isang boses nang batang babae ang aming narinig.

"Gising na siya!"

Halos tumalon sa tuwa ang puso ko nang marinig iyon. Agad na lumapit si Calib kay Seri na siyang sinundan ko.

"Yes baby. Daddy's here." hawak ni Calib sa kamay nito.

"Where's mom?" hanap niya agad kay Lara.

"She's at the other room. She's okay." tugon ni Calib sa tanong ni Seri.

"I'm to know that Daddy." matamis na ngiti nito.

"Shh... don't talk to much baby. Magpahinga ka muna para makalabas kana dito hospital." ani Calib.

"Hello baby." kaway ko kay Seri at napatingin naman ito sa akin.

"Daddy... why she's here? Please daddy palabasin niyo siya! I don't wanna see her!" tila takot na takot na giit ni Seri nang makita ako at nagkatinginan naman kami ni Calib.

Bakit ganoon? Parang kahapon lang ay tuwang tuwa siya sa akin? Ngayon ay tila nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Hindi kaya may sinabi si Lara sa bata?

"Uhmm... sige, sa labas nalang muna ako." tapik ko kay Calib at lumabas na muna ako nang kwarto.

Maya-maya lang din ay lumabas na din ang mga doktor. Siguro ay nasa mabuting kalagayan na si Seri. Salamat naman at naligtas siya. Masayang masaya ako para kay Calib dahil hindi nawalay sa kanya si Seri.


CALIB

"Pahinga kana baby para lumakas kana ulit." halik ko sa noo nito.

"Daddy... I don't wanna see her again."  saad nito.

"Why? She's your second mom." tugon ko.

"No. I don't want to." iling niya.

"But why? I thought you like her?" tanong ko.

"No. She's the reason why we got accident Daddy. Mommy is so mad at me when I talk to her." paliwanag niya.

Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Seri. Nadamay pa ang anak ko dahil sa kagagawan ni Lara.

"Matulog kana baby." halik ko muli sa noo nito at agad naman siyang pumikit at mabilis na nakatulog.

Tumayo na din ako lumabas ng kwarto at nasa labas si Felicity.

Nakatulog na siya sa upuan. Bahagya akong napaupo sa tabi nito at tinitigan ang mukha niya. Hindi ko alam kung nakaramdam siya o ano at bigla siyang nagising.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon