GMS34

1.3K 54 26
                                    

FELICITY


Matapos kong makita ang insidente kanina ay tila biglang tumahimik ang mundo sa pagitan namin ni Calib.

Inaamin kong nasaktan ako doon sa nakita ko kahit pa alam ko namang si Lara naman talaga ang may intensyon na gawin 'yon upang sirain kaming dalawa.

Pero bakit hindi niya man lang ako kinakausap? Kanina pa siya tahimik habang nagmamaneho at tila malalim ang iniisip niya.

Ako na nga 'tong nasaktan ay kailangan ako pa ba maglalambing sa kanya? Hindi man lang niya ako kinamusta at mukhang wala siyang pakialam sa akin ngayon.

Calib... huwag mo naman sana iparamdam sa akin na mahal mo pa 'yong babaeng 'yon.

"Mommy where are we going?" Nagbalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni Bliss.

"I just don't know honey." Tugon ko naman at hindi nga pala sinabi ni Calib kung saan kami tutungo ngayon.

Bahagya akong napabuntong hininga at napakapit kay Bliss tsaka ko ipinako ang tingin ko sa labas.

Ano bang problema ni Calib? Nakakainis naman siya!

Matapos ang ilang minuto na pagmamaneho niya ay naramdaman ko nalang ang paghinto ng sasakyan.

"We're here." Ani Calib kaya bumaba na din kami ng kotse.

Tila nasa isang malaking casino kami ngayon at mukhang pamilyar ang lugar.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Tama, nanggaling na ako dito sa lugar na ito. Dito ko lang naman isinagawa ang huling misyon ko at 'yon ay ang pagpatay kay Arthur Saavedra.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko pagbaba ni Calib.

"Sumunod ka lang sa akin." Tugon niya at kinarga niya si Bliss tsaka hinawakan nito ang kamay ko.

"I'm sorry." Mahinang tugon niya tsaka ako hinalikan sa noo.

Tila nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang dahil sa sinabi niya. Yan lang naman ang inaantay ko eh.

Napangiti lang ako bilang ganti.

"Mommy, parang kinagat po ako ng langgam." Sabad ni Bliss.

"Huh?" Nagtataka ko namang sambit.

"Coz the two of you are so sweet." Napangising tugon niya.

Natawa nalang din kami ni Calib dahil sa kalokohan ni Bliss at pumasok na rin kami sa loob ng casino.

Sa pagpasok namin ay kaagad namang nagsiyuko ang mga tao sa loob ng casino. Tanda iyon ng respeto nila sa pinuno nila.

Muntik ko nang makalimutan na pinuno nga pala ng Heaven's Gate itong ungas na 'to.

Sa totoo lang ay masaya na ako sa ganito. 'Yong naglalakad kaming magkahawak kamay habang karga niya si Bliss at mataas ang respeto ng mga tao sa amin. Mukha kaming masayang pamilya at ramdam ko ngayon kung gaano niya ako ipinagmamalaki sa ibang tao. Sana ganito nalang lagi.

"Tito Itchen! Tito Zayne!" Hiyaw ni Bliss nang makita 'yong dalawa.

"Hello little man!" Ani Itchen.

Ibinaba na rin ni Calib si Bliss at nakipagkulitan naman agad ito sa dalawa na tila ba isang taon silang hindi nagkita.

Napangiti lang ako habang pinagmamasdan sila ngunit bigla nalang ako hinatak ni Calib papunta kung saan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito.

Napahinto siya sa paglalakad sa harap mismo ng pinto ng isang private room na sa tingin ko ay para lamang sa mga VIP ng casino.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon