GMS43

1.2K 47 30
                                    

LARA

"Mommyyy I missed you." Akap nito sa akin nang makita ako.

I just rolled my eyes. Ang drama niya.

"Mommy namiss mo po ba ako?" She asked.

"Of course." Tugon ko then gave her a half smile.

Kahit kailan talaga ay hindi ako nagkaroon ng amor sa batang ito. Kung hindi lang siya mahalaga sa mga Jacinto ay matagal ko na siyang ipinamigay. Sinira lang naman ng batang ito ang pangarap ko.

"Mommy kailan ko po makikilala ang Daddy ko?" Nakangising tanong nito.

Argh! Naiinis nanaman ako sa kanya at ang dami niyang tanong.

"Soon but for now let me take a rest first. I'm tired." Saad ko tsaka pumasok na sa loob ng bahay.

"Kamukha ko po ba siya mommy? Namiss niya rin po ba ako?" Argh!

"Serine! I said let me take a rest okay?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili nang dahil sa kakulitan niya.

"Yes mommy..." malumanay na tugon nito sabay tango.

Napabuntong hininga naman ako upang mapakalma ang sarili ko. Relax Lara.

Napaluhod naman ako upang pumantay sa kanya.

"Mommy loves you so much okay?" Haplos ko sa mukha nito. "Gusto mong maging buo ang pamilya natin diba? You can ask it to your Dad. Basta, gawin mo lahat para tayo ang piliin ng Daddy mo at hindi 'yong ibang tao. Do you understand me Serine?" Giit ko at tumango naman ito.

"Who's your Dad?" I asked.

"Calib Jacinto." She answered.

"At sino ang kalaban natin?" I asked again.

"Felicity Xuan and Olivia Jacinto." Tugon niya muli.

"Good girl." Marahan kong pinisil ang pisngi nito tsaka napangiti.

"Mommy will take a rest first." Halik ko sa pisngi nito tsaka tumalikod na.

FELICITY


Pagmulat ko ng mga mata ko ay magagandang tanawin agad ang tumambad sa paningin ko.

Tulog din si Bliss habang abala namin si Calib kakatitig sa aming dalawa.

"Anong tingin yan?" Tanong ko.

"Nothing." Napangiting tugon niya tsaka bumababa ng sasakyan at pinagbuksan pa ako.

Bumababa na din ako at dahan dahan niya ring binuhat si Bliss.

Ramdam ko na agad ang nanunuot na lamig sa balat ko. Grabe ang lamig pala dito sa Baguio. Pakiramdam ko ay nasa ibang bansa ako.

Nasa isang hindi kalakihan na
Hotel kami ngayon at tila dito niya balak tumuloy. Ayos lang naman sa akin, hindi ko lang alam sa kanya at tila sanay siya sa mala-palasyong bahay.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad naman sa amin ang maaliwalas na aura ng loob nito.

I can see a few old couples at the small lobby having a chitchat with their coffee, a family and so on. Parang ang saya lang ng atmosphere dito. Malayadong malayo sa mundong ginagalawan ko.

"Sigurado ka bang dito tayo tutuloy?" Tanong ko dito bago niya kunin ang susi ng binayaran naming kwarto.

"Oo naman. Ikaw ba?" Balik niya sa akin ng tanong.

"Syempre gusto ko rin." Ngiti ko.

Pansin kong napatingin din siya sa ilang old couples na nasa lobby.

"Someday, babalik tayo dito katulad nila. We're happily married with a dozen of kids at sa panahong iyon ay may mga apo na rin tayo." Saad niya at halos natunaw naman ang puso ko sa sinabi nito.

Sana nga ganoon lang kadali ang buhay. Sana nga masaya lang lagi at sana... kami pa rin hanggang sa dulo ng buhay namin.

"Someday..." tugon ko at napangiti nalang din kahit medyo may naramdaman din akong bigat dahil alam ko namang pansamantala lang ang lahat ng mayroon sa amin ngayon ni Calib.

Pagpasok namin sa kwarto ay dahan dahan niyang nilapag si Bliss sa kama.

Agad din naman akong hinila ni Calib papunta sa kabila kama. Niyakap niya ako ng mahigpit habang nakahiga kami at niyakap ko din siya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nito.

Ang bango niya. Kahit siguro ihalo siya sa maraming tao ay makikilala ko ang sarili niyang amoy. Amoy pala parang napapahubad na ako eh. Joke!

"Hindi ba nila tayo masusundan dito? " tanong ko at baka madamay lang ang mga taong nandirito kung sakaling nasundan man kami.

"Pansamantala lang tayo dito. Gusto ko lang makasama kayo ng malayo sa gulo." Tugon niya.

"Pasensya kana. Dahil sa akin ay lalong gumulo ang mundo mo."

"Sshh... wag kang magsalita ng ganyan. We're both born in the same world and society. Hindi naman natin ito ginusto pareho. And maybe, I was born also to protect you and Bliss. Hindi ko hahayaan na masaktan kayo Felicity. Ano pa't naging master ako ng Heaven's Gate kung kayo lang ay hindi ko kayang protektahan ko."

"Salamat Calib." Sambit ko at bahagya akong umangat upang mapantayan ko siya tsaka ko siya hinalikan sa labi.

"Ugh! More!" Pilyong tugon niya na siyang dahilan upang humagikhik naman ako ng tawa.

"Ang landi mo!" Hampas ko sa braso nito.

"I love you." Biglang seryoso niyang sabi at hinalikan ako sa noo.

"I love you too Calib." Tugon ko.

"Magpakasal na tayo Felicity." Bahagyang namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"We're engaged. Malamang magpapakasal naman talaga tayo." Tugon ko nalang kahit pa alam kong hindi naman na mangyayari ang bagay na iyon.

"I know." Bahagya siyang bumuntong hininga. "Alam kong may sinabi sa'yo si Mommy. Whatever it is, I don't care. Just don't leave me Felicity. I need you because I love you. I wanna spend the rest of my life with you."

Isang nakakatunaw nanaman ng puso ang mga salitang binitawan niya. Hindi ako makasagot dahil alam kong may kasunduan kami ng nanay niya.

"Magpakasal na tayo bukas Felicity."

Bahagya akong napasingap sa sinabi niya.

"Bukas? Agad agad?" Pag-ulit ko.

"Why not? Kung gusto mo ngayon na ngunit tulog na kasi 'yong ring bearer natin." Ngisi niya.

Gusto ko siyang pakasalan ngunit paano naman 'yong kasunduan? Paano kung saktan ni Olivia ang anak ko?

"Sa ayaw at sa gusto mo pagpapakasal ka sa akin bukas Felicity bago mo pa ako takbuhan." Giit nito.

"Bakit ko naman tatakbuhan 'yong  lalaking gusto kong makasama sa bawat araw?" Ganti ko.

Iba ang sinasabi ng isip ko sa puso ko. Natatakot ako para sa anak ko ngunit gusto ko ring sumugal dahil baka kaya naman kaming protektahan ni Calib mula kay Olivia. Naguguluhan na rin ako. Naglalaban ang puso at isip ko ngayon. Ano ba ang dapat kong sundin?


To be Continued...

A/N: Kasalan na nga ba? VOTE AND COMMENT ^^

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon