GMS3

1.8K 59 3
                                    


FELICITY


"Mr.Gonzales dinukot ng Heaven's Gate 'yong anak ko. What should I do now?" I asked.

Bilang Ina ay kanina pa dapat ako natataranta ngunit hindi pwede. Kailangan kong tibayan ang loob ko.

Kailangan kong kumalma para makaisip ako ng paraan para mailigtas ko ang anak ko.

"Hindi ka pwedeng basta-bastang sumugod sa Heaven's Gate Felicity. Alam mo kung gaano kalawak ang gang na 'yon. Marami silang galamay at malamang sa puntong ito ay inaasahan na nila ang pagsugod mo. Hindi kana makakalabas doon sa oras  sumugod ka ngayon."

"Iyon na nga. Pero paano naman si Bliss?" giit kong muli.

"Hindi nila sasaktan ang anak mo dahil gagamitin pa nila ito bilang pain sa'yo." tugon nito.

"So anong pwede kong gawin ngayon?" tanong ko at alam kong si Mr.Gonzales ang makakatulong sa akin sa ganitong pagkakataon sapagka't marami na siyang alam na taktika sa pakikipaglaban.

"Nakita na nila ang totoong anyo mo kaya hindi ka pwedeng pumunta roon bilang si Felicity. At this point, kasalukuyang naghahanap ng bagong butlers ang Heaven's Gate at 'yon lamang nakikita kong pagkakataon mo para makapasok sa loob bilang si Felix ngunit mag-ingat ka nang mabuti dahil baka makilala ka nila."

Napatango ako.

"Salamat." saad ko at saka tumalikod na.

Bliss, antayin mo si Mommy.

LAURES CALIB


"Master! Hindi po namin nahuli 'yong babaeng sniper." balita sa akin ng isa sa mga butler ko.

Napahinto ako sa pagtugtog ng piano ko at napahawak sa baril na nasa tabi ko.

*BANG*

Isang putok, isang butler ang bumulagta sa sahig.

"Isang babae lang hindi niyo pa mahuli-huli?" hinipan ko ang dulo ng baril.

"Master, 'yong anak at katulong niya lang po ang nahuli namin." sabi ng isa pang butler na halatang natatakot na barilin ko.

"Linisin niyo ang kalat at iharap niyo sa akin 'yong anak niya." utos ko at mabilis naman silang kumilos.

"Let me goooo!"

Isang batang lalaki na nagpupumiglas ang tumambad sa paningin ko. Nagpapantig ang tenga ko dahil sa ingay at tinig ng boses niya.

"Master, nandito na po ang anak niyo este anak ng babaeng sniper." giit ni Zayne na pinagkakatiwalaan ko at head ng butlers ng buong Heaven's Gate.

Tinapunan ko lang siya ng matalim na tingin at napatingin sa bata.

I'm a bit speechless for a few moment at napatingin ulit kay Zayne and he just gave me a 'sabi-ko-sa'yo-look.

Itong batang ito, bakit parang nakikita ko sa kanya ang image ko noong bata pa ako?

"What's your name?" I asked.

"My name is Bliss Xuan at sino ka naman?" balik niya ng tanong sa akin.

Mukhang matalas ang bibig ng batang ito. Hindi pa naman gano'n kahaba ang aking pasensya.

"Don't you dare to ask my name kid. Are you not afraid that I might kill you?" I held his little chin.

"I'm not afraid because I know you still need me to catch my mom." he answered confidently.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon