GMS69

978 42 19
                                    

CALIB

Napatingin kay kay Itchen nang makita ko ang nilalaman nang papel na binigay sa akin.

"Siya ang ina." ani Itchen.

"Sigurado ka?" tanong ko.

"Hindi." lalong tumalas ang tingin ko sa kanya nang dahil sa sagot niya.

"Alam kong pagdududahan tayo ni Lara kaya nagsagawa pa ako ng isang test na malayong pagdudahan niya. At ito ang naging resulta..." abot niya sa akin ng isa pang papel.

Napasuntok ako sa pader nang mabasa ko ang nilalaman nito.

"Ano ba talaga ang totoo?" napasuntok akong muli at tila naisahan ako ni Lara sa loob ng dalawang taon.

Parehong test ang isinagawa ngunit mag-kaiba ang resulta. Isang positibo ang isang negatibo. Alin ang katotohanan?

"Hindi siya ang ina..." sabad naman ni Zayne.

"Kung ganoon ay sino ang ina ni Seri?" nagtatakang tanong ni Itchen.

Hindi dapat ako nagtiwala kay Lara. Naging kampante ako dahil kilala ko ang buong pagkatao niya ngunit mali. Iba na siya...

"Aalamin ko." tugon ko.

Malamang nga ay hindi siya ang ina ng anak ko. Nagawa niyang baguhin 'yong isang resulta dahil nalaman niya agad ngunit hindi niya alam na may isa pa.

"Bantayan niyo ang kinikilos niya." saad ko at pareho ko silang tinapik bago ako pumasok sa loob ng silid ni Seri.

"Daddy what happened?" nagtatakang tanong ni Seri.

"Let's go home baby." tugon ko at niligpit ko na ang mga gamit nito.

"But why?" she asked.

"May mahalaga tayong pupuntahan." napangiti na lamang ako at kinarga ko na siya.

Ayoko na munang makita ni Lara ang anak ko. Hindi man siya ang ina ngunit sigurado akong anak ko si Seri. Hindi ko alam kung paano napunta kay Lara si Seri.

Matapos ang medyo mahaba-habang byahe ay nakatulog na si Seri sa tabi ko. Binuhat ko na lamang ito papasok ng bahay. Bahay kung saan ko pinangarap na tumira kasama ang pamilya ko.

"Oh? bakit? anong nangyari?" bungad sa akin ni Felicity at tila ginulat ko siya sa biglaang pagpunta ko at kasama ko pa si Seri.

"Wala naman. Inuwi ko na si Seri at ayokong tumagal siya sa lugar na iyon. Maayos naman na siya." sagot ko.

"Si Bliss?" tanong ko.

"Tulog na siya. Pagtabihin mo nalang silang dalawa ni Seri." saad niya.

Umakyat na din ako at nilapag ko si Seri sa tabi ni Bliss na mahimbing na rin sa pagtulog.

Pareho ko silang hinalikan sa noo at napatingin kay sa asawa ko na palagay ko ay kanina pa ako pinagmamasdan.

"Bakit?" tanong ko at tila ang lalim ng iniisip niya habang nakatitig sa akin.

"Wala." iling nito.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon