GMS53

1K 47 7
                                    

FELICITY


Ilang  sandali na lamang ay magsimula na ang concert at halos wala nang bakanteng upuan. Buti nalang at mukhang bigatin din itong si Fifth at nakuha pa talaga niyang bumili ng dalawang VIP tickets sa kabila ng daming ng tao dito.

Naka-VIP tickets man ay kami ay hindi ko pa rin piniling umupo sa mismong harapan at baka hindi ko kinaya kapag nakita ako ni Calib.

"Matagal ka na bang fan nila?" Tanong ni Fifth sa akin.

"Hindi naman. Just recently." Tugon ko nalang.

"Whooaaaaa! Matthias!!" Napahiyaw silang lahat nang biglang dumaan si Matthias.

I'm pretty he's having a good time with his chocolates as of now. Sa natatandaan ko ay si Matthias 'yong hindi nawawalan ng chocolate sa kanilang apat.

Si Jack naman 'yong hindi nawawalan ng babae. Si Cib 'yong mukhang happy go lucky lang at si Laures... o Calib o kung sino man siya ang Gang Master na naging asawa ko just for awhile.

"Punta lang muna ako sa rest room." Paalam ko kay Fifth.

"Samahan na kita." Giit niya at napaatras naman ako sa sinabi niya.

"Wag na baka i-flash lang kita." Tugon ko at mukhang natakot naman siya.

"Si-sige... antay nalang kita dito. Bumalik ka ah!" Giit niya.

Ang gwapo niya sana pero ang isip bata na parang kinulang ata siya sa buwan. Ewan ko ba!

Tumalikod na ako at nagtungo sa rest room. Mga ilang beses ko lang naman pinag-siksikan 'yong sarili ko bago ako nakapunta ng rest room.

Napatingin ako sa salamin at bahagyang tinitigan ang sarili ko. I put a little bit make up on my face para kung sakaling magkita kami ay hindi naman ako ganoon ka-pangit.

Palabas na ako nang biglang may bumangga sa akin na isang batang babae.

Nahabag naman ako nang makita kong umiiyak ito kaya bahagya akong napaluhod upang pantayan siya.

"Why are you crying baby girl?" Tanong ko dito at hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sa mukha.

Tila natigilan naman ako nang tumingin siya sa mga mata ko. Those eyes...

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yong batang nakita ko noon. Bakit parang tumatalon ang puso ko ngayon sa tuwa?

Siya ang anak ni Lara at.... Calib. Pero bakit parang nagagalak pa ako nang nagkita kami ulit?

"Sshh... don't cry baby girl." Saad ko at pinunasan ko ang basa nitong mga pisngi.

"She doesn't loves me..." hikbi nito.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya ngunit bakas sa mga mata niyang lungkot.

Bahagyang kong hinubad ang bracelet na suot ko at nilagay sa kanya. "Here... you can always count on me. Maybe you can't remember me but I'm pretty sure that we know each other. Don't be sad baby girl." Haplos ko sa likuran nito at tumigil naman din siya sa pag-iyak.

"Thank you--" she paused sapagkat hindi niya alam ang pangalan ko.

"Elay... Just call me Elay." Pagpapakilala ko.

"I'm Serine. Serine Jacinto." Bahagya akong napangiti.

Minsan na din akong naging Jacinto.
Well, I'm so happy for Calib for having Serine in his life.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon