GMS65

1K 54 43
                                    


LARA

Sa aking pagdilat ay agad akong napabalikwas ng kama. Kakaibang amoy ang siyang buungad sa akin.

Amoy Hospital, at hindi naman ako nagkamali. Pagtayo ko ay kaagad kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Madami akong sugat sa katawan at may benda rin na nakakabit sa ulo ko.

Habang tinititigan ko ang sarili ko ay biglang pumasok sa isipan ko ang aksidenteng naganap.

“Se-Seri...” sambit ko na lamang at tila bigla naman akong kinabahan at natitiyak kong nagdidilim na ang paningin sa akin ni Calib sa mga oras na ito.

Anong gagawin ko? Ano kayang lagay ni Seri ngayon? Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan nang may marinig akong yapak na papalapit.

Agad akong nagtungo sa kama at bumalik sa pagkahiga tsaka nagkunwaring walang malay.

Dinig na dinig ko ang malakas na pagbukas  ng pinto at hindi pa man siya nakakalapit sa akin ay kilalang kilala ko na ang amoy nito.

“Pasalamat ka at naligtas ang buhay ng anak ko Lara. At sana lang ay hindi ka nagsisinungaling sa akin. Dahil sa oras na mapatunayan kong niloloko mo ako at tama ang hinala ko, tapos na rin ang buhay mo.” he muttered.

Ramdam ko ang pawis sa mga palad ko nang dahil sa sinabi niya. Inantay ko munang makalabas siya at tuluyang makalayo tsaka ako dumilat.

Naghihinala siya sa akin? Saan? Kay Seri? Kay Olivia? Kay Bliss?

Hindi kaya may sinabi sa kanya si Olivia para paghinalaan ako? No! I must go home now bago pa man makauwi si Calib at kinakailangan kong alamin ‘yong dahilan kung bakit niya ako pinaghihinalaan.

FELICITY

“Salamat at lumaban ka baby girl.” I whispered to her ears habang sinusuklay ko ng mga kamay ko ang buhok nito.

Kasalukuyang hindi parin ito nagkakamalay ngunit  ang mahalaga ay mabuti na ang kalagyan niya.

Ewan ko ba at dinaig ko pa ata ang tunay niyang ina sa pag-aalala sa kanya nang malaman kong naaksidente siya. Paliramdam ko si Bliss ‘yong naaksidente eh!

Hmm... siguro nga dahil anak parin siya ni Calib at kapatid parin siya ni Bliss kahit baliktarin ko man ang mundo.

“Umuwi kana muna at magpahinga.” ani Calib at niyakap ako mula sa likuran.

Bahagya naman akong napangiti at humarap sa kanya. Marahan kong hinaplos ang mukha niya.

Matagal ding panahon na hindi ko siya nakapiling... ngunit mas matagal na panahon ang pangungulila sa kanya ni Bliss. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang katotohanan.

“May... saabihin nga pala ako sa’yo.” sambit ko.

“Ano ‘yon?” tugon naman nito.

Parang pagod na pagod na siya sa araw na ito. Sa ibang araw nalang siguro at ayoko munang dumadag sa mga iniisip niya.

“Mahal kita.” sabi ko na lamang dito.

“Mahal din kita asawa ko.” tugon niya naman sa akin at hinalikan ako sa noo.

Ang sarap sa pakiramdam.

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa akin.” dugtong niya at tila ba naramdaman niyang may ibang bagay akong gustong ipabatid sa kanya.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon