GMS68

995 50 24
                                    

FELICITY

Matapos kong magluto ay nagbihis na rin ako at balak kong magpunta ng hospital. Dadalhan ko na rin ng pagkain si Seri.

I fixed my things then went outside. I drove my car heading to the hospital.

Nasa bungad palang ako ng hospital nang makasalubong ko ang isang taong naging dagok sa buhay ko noon hanggang ngayon.

Hindi ko lang siya pinansin na para bang wala akong nakita at dumiretso lang ako sa paglalakad.

Nabuhay pa ang bruha! At mukhang lalabas na siya ng hospital ah! Sana kinamusta niya ang lagay ng anak niya.

"Nagawa mo naba ang pinapagawa ko?" natigilan ako sa harapan ng pinto nang marinig kong may kausap si Calib sa phone.

"I need the DNA result as soon as possible. I just want to make things clear between Lara and Seri. I don't f*cking care about the process. Money is the answer. Do it!" utos nito.

Napakapit ako sa doorknob at tila bigla akong kinabahan sa mga narinig kong iyon.

Bakit niya pinapa-DNA test si Lara at Seri? Hindi pa ba sigurado si Calib na anak niya si Seri? O hindi siya siguradong si Lara nga ang ina ni Seri?

"Hi love." bungad ko pagka-bukas ko ng pinto at hinalikan ito sa labi.

Napangiti naman ito nang makita ako.  Natutulog parin si Seri.

"Pinagluto ko kayong dalawa ng pagkain at baka hindi kapa kasi kumakain kaso tulog pa pala si Seri." saad ko.

"Thanks my wife." sambit niya at hinawakan ang magkabilang kamay ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung anong pinaplano ni Calib ngunit nakatitiyak akong may hindi magandang nangyayari kaya nagawa niyang ipa-DNA 'yong dalawa.

Panibagong palaisipan nanaman ito para sa kanya at sa akin. Paano ko pa ba saaabihin sa kanya ang tungkol kay Bliss?

Magana namang kumain si Calib. Siguro nga dahil luto ko iyon at alam ko namang hindi pa siya kumakain mula pa kahapon.

"I'll go to the rest room first." paalam ko at lumabas na muna ako saglit hindi para mag-banyo kung hindi ay magtungo sa silid ni Olivia.

Alam kung hindi naging maganda ang huli naming pagkikita ngunit napatawad ko na siya at ako naman ang hihingi ng tawad sa nagawa ko sa kanya noon.

Pagbukas ko ng pinto ay tila ginulat ko ata ang taong nasa loob. Si Lara...

"What are you doing here?" she raised her eyebrows.

"Bakit mukhang gulat ka?" tanong ko din at nagkita naman na kami sa entrance kanina ngunit tila gulat na gulat parin siya.

"Get out! Hindi ka namin kailangan dito at baka kung ano pang gawin mo kay mommy!" bulyaw niya sa akin.

Mukha siyang taranta at ayaw niya akong palapitin kay Olivia. Hmm...

Napabuntong hininga na lamang ako at umalis. Ayoko munang masangkot sa gulo kay ako na ang iiwas.

Pagbalik ko ng silid ni Seri ay gising na siya at sinusubuan na siya ng pagkain ng ama niya.

"Hello baby." kaway ko dito.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon