GMS33

1.2K 51 28
                                    

FELICITY


The doctor just came in. Ngayon na ang araw ng pagkuha ng sample kay Calib at Bliss for the DNA.

Hindi ko naman maikubli ang kaba sa dibdib ko at alam ko naman na ang magiging resulta.

Napatingin ako kay Calib nang may halong pag-aalala dahil tiyak na paghihiwalayin kami ng nanay niya kapag natuklasan nito ang katotohanan.

"Trust me." He smiled.

Napangiti nalang din ako ganti sa kanya.

Zayne and Itchen just letf earlier at mukhang may importante silang lakad. Simula nga pala noong mapaaway si Calib sa Pentagon ay hindi pa siya lumalabas at nanatili lang siya sa tabi ko.

"Good morning."

Tila biglang may kung anong masangsang na amoy ang nalanghap ko sa pagdating ni Lara.

Nang makita ko siya ay bigla nalang sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi.

She's wearing a sleeveless night gown kaya naman kitang kita ko ang balikat nito.

Malinis at walang bahid ng anumang sugat ang balikat niya. Ibig sabihin ay hindi siya ang nagtangka sa akin kagabi dahil sa pagkakatanda ko ay nasaksak ko 'yong killer ninja sa balikat nito ng sarili niyang palaso.

"Mommy... kailan po ba ako papasok ng school?" Tanong ni Bliss matapos siyang kunan ng sample ng doktor at lumapit sa akin.

"Kapag okay na ang lahat." Tugon ko.

"But when? Is everything not doing good as of now?"

Bahagya akong napaisip sa tanong ni Bliss. Kailan nga ba magiging okay ang lahat? Kapag tuluyan nang babagsak ang Pentagon? Hmm... hindi ko rin alam.

"Basta. Mahabang usapan anak eh." Marahan kong pinisil ang pisngi nito.

"Mister Daddy, kailan po ang kasal niyo ni Mommy?" Tanong naman nito kay Calib.

Ang weird naman ang tawag ni Bliss kay Calib. Tunog ewan eh.

"Soon kiddo." Kindat naman ni Calib dito.

"Well, wala naman talagang kasiguraduhan sa bagay na 'yan bata." Sabad ni Lara.

Napatingin ako kay Lara. Impaktang 'to, sabat nang sabat kahit hindi kasali sa usapan.

"Alam kong bakit? Kasi ang totoo niyan ay ako at si Daddy Calib mo ang ikakasal. And your mom?" She paused at bahagyang tumingin sa akin. "She will be dumped." Dugtong niya.

"You're such a bad woman. My mom is much prettier than you." Nanlaki naman ang mga nito sa sinabi ni Bliss.

Gusto ko sanang tumawa ngunit ayaw ko namang kunsuntihin ang anak ko tinakpan ko na ang bibig nito.

"That's enough Lara." Awat naman ni Calib.

"Why? I'm just telling the truth." Saad nito tsaka lumingkis kay Calib.

Sa pagkakalingkis niya kay Calib ay tila biglang nangati ang kamay ko at gusto ko siyang buhusan ng kumukulong mantika.

"Magbihis na kayong dalawa ni Bliss Felicity. We're going out." Ani Calib na halatang hindi man lang pinansin ang pang-aakit ni Lara at diretso lang siya naglakad patungo sa kwarto niya slash kwarto namin.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon