GMS58

1K 61 41
                                    

LARA


"Mommy... tomorrow will be my first day at school. Ihatid niyo po ako ni Daddy ah." Giit ni Serine.

I just rolled my eyes.

"Ang arte mo Seri! Mat school bus naman ah." Saad ko at yumuko lang ito.

Wala naman siyang naitulong sakin eh. In fact inaabala niya lang ako.

"But mommy..."

"Hindi kana kinder para ihatid pa kita. Wag mo akong artehan kung ayaw mong isuli kita sa nanay mo!" Nasabi ko nalang ng dahil sa inis.

Naiinis ako sa batang ito noon pa man at lalo na ngayong lumalaki siya.

"What do you mean po mommy? Hindi po ba ikaw ang nanay ko?" Hikbi nito.

I took a deep breath upang pakalmahin ang sarili ko.

"Okay... I'm sorry." Yakap ko dito.
"It's not what I mean. Galit lang si Mommy. But always remember that I am your mother. Okay?"

"Yes mommy." Tango nito.

"At syempre para hindi magalit si Mommy you have to be a good girl. Gagawin mo ang gusto ni mommy. Understand?" Mahinahon kong sambit at tumango lang siya ulit.

"Sabihin mo sa Daddy mo na gusto mo ng buo ang family natin or just simply say na pakasalan niya ako para maging happy family na tayo." Giit ko.

"Yes mommy. I will do everything for you." Lambing nito sa akin.

"Mommy loves your Daddy so much but suddenly may umaagaw sa kanya mula sa atin kaya kailangan pigilan mo si Daddy mo." Sambit ko.

"Opo mommy." Tango niyang muli.

Hmm... madali ka naman palang kausap eh.

"Serine~" someone just called out Seri at napatigin naman ako sa pinanggalingan ng boses.

"Mommy-la!" Tugon naman ni Seri at pupunta na sana ito kay Olivia ngunit pinigilan ko.

"Go to your room. Magbihis ka at lalabas tayo. Wag kang lalabas ng room mo hangga't wala akong sinasabi." Bulong ko dito at sumunod naman ito kaagad.

Napatayo naman ako at hinarap si Olivia. Wala si Calib sa bahay kaya ito na siguro ang tamang oras at napapagod na rin ako sa kakatimpla ng gamot niyang may lason na parang  wala namang epekto.

"Can't you see that we are talking?" Giit ko na siyang ikinabigla ni Olvia.

"How dare you Lara." Bulalas nito at pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Lagi ka nalang nakikialam sa buhay ng ibang tao Olivia but now look at your self? Isa kana lamang lantang gulay na nakaupo sa wheelchair. Isang walang silbi." Mariing sabi ko.

"Hypocrite! Hindi ko alam na nag-aalaga pala ako ng isang ahas dito sa loob ng bahay. Hulihin niyo siya!" Utos nito sa mga tauhan niya ngunit ni-isa ay walang sumunod sa sinabi niya.

"Patawa ka Olivia!" Sampal ko dito.
"Iyan ay para magising ka sa katotohanan na wala ka nang kapangyarihan pa. Isa ka na lamang pabigat ngayon. See? They're not listening to you anymore dahil ako... ako na ang bago nilang Master." I grinned.

"Mga traydor kayo!" Sambit niyang muli.

"You look so pathetic now Olivia. Marami kang utang sa akin kaya pagdusahan mo. Kung hindi mo lang pinakialaman ang buhay namin ni Calib noon ay baka wala ka sana ngayon dyan sa kinalalagyan mo." Bahagyang namilog ang mga mata niya sa sinabi ko.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon