GMS74

1.5K 77 38
                                    


FELICITY

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga narinig ko mula kay Lara. Pumatak na rin ang mga luha ko habang nakaluhod siya sa harapan namin.

Pa... paano nangyari ang bagay na 'yon? dalawang bata ang iniluwal ko nang hindi ko alam dahil sa katotohanang ama ni Lara ang doktor ko noon?

Napatingin ako kay Calib. Mukhang alam niya na ang katotohanan. Iyon siguro ang ibig sabihin niya kanina ngunit hindi ko agad nakuha.

Napatingin ako kay Seri. Lalong pumatak ang mga luha ko nang matitigan ko siya. Kaagad ko itong niyapos ng sobrang higpit. Kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya pala nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

"I'm sorry anak ko." patuloy na pumatak ang mga luha ko habang kayakap ko siya.

"Listen to me Seri. I am your real mom. I am your mommy." bigkas ko habang nakatitig ako sa mga mata nito.

Tila naguguluhan din siya sa mga nangyari. Naiintindihan ko sapagkat lumaki siya sa piling ni Lara.

Napayakap na rin sa amin si Bliss at gano'n din si Calib. Kompleto na kami. Sobrang hindi ko inaasahan ang katotohanang ito. Sobrang saya ko at sobrang nanghinayang din ako sa mga panahon na dapat ay magkasama kami at ako ang nag-aalaga sa kanya. Ang daming panahon na nawala sa amin.

~*~

Ako, si Seri, si Bliss, at si Calib. Magkahawak kamay kaming lumabas sa lugar na 'yon.

Magkahawak kamay nang biglang may umalingawngaw na putok at kasabay no'n ay biglang napabitaw sa Calib at natumba.

"Daddyyy!" hiyaw ng dalawang bata.

"Calib!" hiyaw ko rin.

"Felicity..." sambit niya habang may dugo nang lumalabas sa bibig nito.

May tama siya sa dibdib.

"Hindi! hindi ka pwedeng mamatay! nasa hospital tayo kaya hindi ka pwedeng mamatay!" saad ko at akamang itatayo ko na siya nang hawakan nito ang kamay ko at tila pinipigilan niya ako sa gagawin ko.

"Daddy..." iyak ng dalawang bata habang nakikita nilang nasa ganoong kalagayan ang ama nila.

Napatingin ako sa pinanggalingan ng putok. Mula sa hindi kalayuan ay nakita kong nakatayo si Octavo kasama ang mga tauhan nito.

"Felicity... alagaan mo ang mga anak natin. Huwag mo silang pababayaan." anito at muling may lumabas na namang dugo sa bibig nito.

"No! mabubuhay ka Calib! Huwag kanang madaya!" malapit na akong kapusin ng hininga ngunit kailangan kong tatagan ang loob ko.

"Hi-- hindi na ako aabot pa asawa ko. Mahal kita."

"Calib huwag kang ganyan! Mahal na mahal din kita. Lumaban ka naman oh! hindi ka pwedeng mamatay." haplos ko sa mukha nito.

"Bago ako mawala... may isang kahilingan lang ako..."

"Ano 'yon?" hikbi ko.

"Will you marry me again Felicity?" mahinang saad nito.

"Oo naman Calib! Kahit saan, kahit kailan papakasalan kita. Please huwag mo naman kami iwan ng mga anak mo." patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko habang nasa bisig ko siya.

Napaubo siya at kasabay no'n ay ang paglabas ng maraming dugo mula sa bibig nito. Katapusan na ba talaga ng buhay ni Calib?

Sa halip na tuluyang manghina ay tila bigla siyang nagkaroon ng lakas at bigla itong umupo. Nagpunas siya ng dugo sa bibig at sa kamay.

"Daddy is alive mommy!" ani Bliss.

"I'm not going to die my love." halik nito sa akin at naghubad ng damit. He's wearing a bullet proof vest. Tinanggal niyo ang balang nakadikit doon at binuksan ang laman nito. Isang pekeng bala. Teka, palabas lang ba lahat ng 'yon?

Tila biglang natuyo ang mga luha ko sa pagkakataong ito.

Pakabukas ng bala ay may laman itong papel sa loob. Napansin kong napangisi siya nang mahawakan ang papel at hinarap sa akin ang nakasulat rito.

"Congratulations, you won."

'Yon ang nilalaman ng isang maliit na piraso ng papel.

"Ingatan mo ang anak ko at ang mga apo ko. May isang salita ako at paninindigan ko kung ano man ang kasunduan natin." saad nito at umalis din kaagad.

Napatayo ako at gano'n rin si Calib. Tila pinaglalaruan ang emosyon ko ngayon. Mula sa pagkabigla, masaya, malungkot, at masaya ulit.

Napatingin ako kay Calib at napayakap ako rito ng sobrang higpit at ang buong akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa amin.

"Pumayag ka na sa proposal ko ah. Walang bawian." giit nito.

"Baliw ka talaga! Mamamatay ako sa proposal mo eh! Kahit kailan naman handa akong magpakasal sa'yo!" mahinang suntok ko rito.

"Ouch!" reklamo nito. "May sugat ako. Hindi 'yon peke!" dugtong niya.

May sugat nga pala  siya sa tagiliran. Muntik ko nang makalimutan.

"Ikaw kasi eh!" amba ko rito.

"Sorry naman mahal." yakap nito sa akin.

"Yehey! daddy is alive!" hiyaw ni Seri.

"Daddy is alive! daddy is alive!" ani Bliss.

Nakakagigil naman talaga 'yong proposal niya at pati 'yong mga bata ay umiiyak na rin kanina. Tapos palabas lang pala? edi nagmukha naman kaming tanga.

"Hay naku Calib, hindi bali nang nagmukha kaming tanga kanina basta buhay ka." giit ko na lamang kahit gigil pa rin ako sa kanya.

Si Calib nga pala ang asawa ko na kasapi ng FBOYs na isa ring artista. Magugulat pa ba ako sa acting skills ni  Mr.Laures Calib Jacinto?

"Tara! Umuwi na tayo asawa ko." aya nito at kinarga si Bliss.

Kinarga ko na rin si Seri at naghawak kamay kaming dalawa pabalik sa sasakyan namin.

"Let's make another baby." bulong pa nito sa akin.

Napangisi naman ako at parang gusto ko rin ang ideya niya.

So I guess it's time for us to start a new beginning, a new chapter, a new life together with our children.

"I love you Calib." bigkas ko habang nagmamaneho ito.

"I love you most Felicity." tugon niya at bahagyang sumulyap sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

"I love you mom and dad!" giit naman ng kambal namin na nasa backseat at pareho pa kaming hinalikan sa pisngi.

Ako si Felicity Xuan Jacinto, isasarado ko na ang aklat kung saan nakasulat ang kwento ng pag-ibig namin ni Laures Calib Jacinto at hahayaang magbukas ang isang panibago na namang kwento.

The End...

Alright Reserved 2019
Copyright by Emjstories
PLAGIARISM IS A CRIME.


A/N: (MUST READ) FOLLOW ME IF HINDI KAPA NAKA-FOLLOW SA AKIN TO NOTIFY YOU IF EVER MAG-UPDATE NA AKO NG BAGONG KWENTO. DON'T FORGET TO HIT THE STAR BELOW AND FEEDBACK IS A MUST. I NEED SOME INSPIRATION FOR MY NEXT STORY SO MAG-COMMENT PO KAYO AH. SALAMAT SA SUPPORT NIYO GUYS. THANK YOU SO MUCH EMJORIES. I LOVE YOU ALL. ABANGAN ANG PANIBAGONG AKLAT NA MAGBUBUKAS. GOD BLESS EVERYONE 💕 SPECIAL CHAPTERS WILL PROBABLY AT THE BOOK (SOON). PAANO SI OLIVIA? PAANO NATANGGAP NI OCTAVO ANG HEAVEN'S GATE? ANG IBA PANG KATANUNGAN AY MASASAGOT SA SPECIAL CHAPTERS 😊💗

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon