GMS70

1K 41 17
                                    

FELICITY


"Mommy!"

"Daddy!"

Pareho kaming nagising ni Calib nang marinig namin ang mga boses na 'yon.

Dinig namin ang mga yapak na papalapit sa pintuan ng kwarto namin. Saktong pagbukas ng pinto ay nabalot din namin ng kumot ang aming hubo't hubad na katawan.

"Good morning babies. Go down stairs, susunod lang kami ni Daddy." giit ko na lamang.

"Alright." they both answered.

Napatingin ako kay Calib. Napangiti lang ito atsaka tumayo na. Nagbihis na rin ako at sabay na kaming bumaba.

"What's our breakfast? I'm hungry." reklamo ni Seri.

"Mommy and I will gonna cook our breakfast for today. So... you two, just wait for a few minutes." ani Calib at hinila na ako papuntang kusina.

Pagbukas niya nang cabinet it was all empty. I open the fridge it's also empty.

"What are we going to cook now?" I shrugged.

"Let's just order." tugon niya at agad na tumawag sa pinaka-malapit na restaurant dito.

Ang saya na sana 'yong nagluluto kami habang nag-aantay 'yong dalawang bata. Isang masarap na umagahan na may halong pagmamahal ngunit naudlot pa dahil sa wala pang stock ng pakain sa bahay na ito kasi wala namang tao dito lagi.

Makalipas ang halos bente minutos ay dumating na rin ang mga pagkaing pina-deliver namin.

Ang saya lang namin tignan. Ngayon ko lang napansin na magkapareho ang ngiti ni Seri at Bliss. Siguro ay namana nila iyon kay Calib.

"Daddy? Where's my mom?" tanong bigla ni Seri habang kumakain kami.

Kahit sino naman sigurong bata ay hahanapin ang ina nila kapag nawawala na ito sa paningin nila nang sobrang tagal.

"She's probably at home." tugon ni Calib.

Kamusta kaya 'yong DNA test na ipinagawa ni Calib? Ano kayang resulta? Tunay na anak niya kaya si Seri? o  tunay na ina nga ba si Lara?

"Daddy let's play a piano later like we used to do before." ani Bliss at naalala na nga niya ang memorya niya kay Calib.

"Sure... son." tugon ni Calib na siyang dumapo naman sa puso ko ang sinabi niyang 'yon.

Ngayon ko lamang narinig na tinawag niyang 'son' si Bliss. Matagal ko nang nakita na anak ang turing ni Calib kay Bliss ngunit iba rin pala kapag tinawag niya na mismo na anak si Bliss.

"Can I call you mama?" tanong naman ni Serine sa akin. "I mean I can't call you mommy because I already have one." she explained.

"Yeah. Sure baby." ngiti ko dito.

Matapos naming kumain ay tumugtog na nga sina Bliss at Calib ng piano habang nakiki-kanta naman kami ni Serine sa tugtog nila.

Ang saya talaga. Ito 'yong pakiramdam ng buo. Kasal na kami, may bahay, may mga anak ngunit... we're not yet totally united as a whole.

Since wala nga kaming stock na pagkain kay nag-desisyon na kaming mag-punta ng grocery store upang magkaroon naman ng laman ang bahay at refrigerator namin.

"I want this."

"Me too."

Saad nang dalawang bata na kanya-kanya ring dampot ng mga pagkaing gusto nila.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon