GMS63

1K 75 35
                                    


FELICITY

*BANG*

Kitang-kita ko ang pagtama ng bala sa dibdib ng target. Kitang-kita ko rin na napatingin sa dako ko si Calib kaya agad akong napatayo sa pwesto ko at iniligpit ang gamit ko tsaka tinahak ang daam pababa sa pamamagitan ng fire exit.

Habang bumababa ako ng hagdan ay ilang tauhan ng Heaven's Gate ang sumalubong sa akin. Isa-isa silang nabalian ng braso sa akin at pinagtatanggalan ko ang bala ng armas nila.

Patuloy ako sa pagtakbo pababa ng hagdan hanggang marating ko ang parking lot at dito na tumigil ang mundo ko nang bumungad sa akin sina Zayne, Itchen, at syempre ang pinuno ng gang na si Calib. Hindi nila ako kilala pagkat may maskarang nakabalot sa buong mukha ko ngayon.

Pinalibutan nila akong tatlo at tila ba nagkaroon ng aberya sa plano nila nang dahil sa akin.

"Are we going to kill her?" tanong ni Zayne.

"No." saad ni Calib. "Dakpin niyo siya." utos nito at agad namang kumilos 'yong dalawa.

Tila kinapos ako ng hininga nang dahil sa hingal sa pakikipaglaban sa dalawa habang pinapanood lamang kami ni Calib. Hindi ko lubos maisip na makakalaban ko sina Itchen at Zayne.

Isa laban sa dalawang magagaling. May laban naman ako sadyang umabot lang talaga ako sa limitasyon. Nagpumiglas ako nang mahawakan ni Itchen at Zayne ang magkabilang kamay at iniharap ako kay Calib.

"We're over." malamig nitong tugon at ni hindi man lang ako nilingon tsaka dumiretso nang lakad.


Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang tugon niya sa akin kanina. Habang papalapit siya sa akin ay kumakalabog nanaman ang puso ko. Lalo pa't kaharap ko siya ngayon kahit na kanina lang ay hindi magandang ang pagkikita namin.


Nanatili itong nakatitig sa akin at ipinatong nito ang isang kamay niya sa ulo ko.


Kasabay nang pagtanggal niya sa maskarang suot ko ay kapwa napabitaw sa akin sina Zayne at Itchen na tila ba nagulat sila nang lumantad ang mukha ko. Nabigla sila maliban nalang kay Calib na sa tingin ko ay kanina pa niya alam na ako ito habang nakamasid siya noong naglalaban kaming tatlo.

"Felicity..." ani Zayne.


"Elay..." ani Itchen.


Sandaling bumalot sa amin ang katahimikan.


"Ako na ang bahala rito." ani Calib at tila nagda-dalawang isip naman na umalis sina Zayne at Itchen at naiwan kami ni Calib.


"Bakit mo ginawa 'yon?" he asked.


"Because it's my mission." direktang tugon ko.


"So you're now working under Pentagon." tinignan niya ako nang matalas. Parang ibang Calib ang nakikita ko ngayon. Ganitong-ganito ang Calib na nakilala ko noong wala pa ako sa buhay niya.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon