GMS54

1.1K 46 13
                                    


ZAYNE

Simula pa noong una hindi na maintindihan nararamdaman
Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko 'yon noon, kampante na gano'n nalang
Sapat na na kasama kita kahit hanggang do'n nalang

Kasabay ng tugtog ay napatanaw ako sa kanya na hindi kalayuan sa pwesto ko.

'Di nalang ako lalapit
'Di nalang titingin
Para hindi na rin mahulog pa
Sayo'ng mga mata

Kahit anong iwas ko tila ba tinatahak pa rin ako palapit sa'yo Felicity. Bakit kasi hindi nalang tayo?

Siguro nga napamahal na ako sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman
Hanggang dito nalang
Lilimutin ang damdamin
Isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita...
Mahal kita...

Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula pero mahal kita Felicity. Kahit pa... hanggang sa malayuan nalang ako at ayokong maging sagabal sa buhay mo.

Sinubukan ko naman na pigilang ang nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo
Pano ba naman
Isang ngiti, isang tingin, kahit boses mo na ring nakakatunaw
'Wag nang pansinin
Delikado na, delikado na

Sinubukan ko namang pigilan 'to pero kusa paring tumitibok ang puso. Ayokong ituloy dahil delikado. Delikado para sa'yo at sa akin. I gave up my feelings for Calib pero kahit kayong dalawa ay pinaghiwalay.

Hirap paring hindi lumapit di maiwasang tumingin
Mukha yatang ako'y nahulog na
Sayo'ng mga mata

Hulog na hulog na Felicity. Akala ko makakalimutan rin kita ngunit nang makita kita ulit parang wala namang  nagbago sa nararamdaman ko.

Siguro nga napamahal na ko sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman
Hanggang dito nalang
Lilimutin ang damdamin
Isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita
Mahal kita

Mahal na mahal kita Felicity. Sana kasi ako nalang.

Nakatingin mula sa malayo
Tanggap ko nga ba 'to?
Sapat na nga ba 'to?

Napabuntong hininga nalang ako at ibinalik ang tingin ko sa stage kung saan kasalukuyang nasa stage silang apat.

ITCHEN


Pero ikaw na ang lumapit
Nasa akin ang tingin
Hinawakan ang aking kamay
At sabay sabing

Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang makita ko ang babaeng matagal ko nang gustong makita.

Wala na akong sinayang na sandali pa at nakipagsiksikan ako sa mga tao para lang mapalapit sa kanya.

Siguro nga napamahal na ko sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Sinubukan ko naman
Na pigilan nalang
Pero ikaw ang gusto ko
Isisigaw ko sa mundo
Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita...

Simula pa noong una...

Saktong pagtapos ng kanta ay napahinto ako nang mapansin ko ang mapait niyang ngiti habang diretso ang tingin sa stage. Diretso kay Calib.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon