GMS2

2.1K 59 10
                                    

*BANG*

Saktong tumama sa ulo ni Arthur Saavedra 'yong tira ko. Isang bala lang ang pinakawalan ko ngunit kitang kita ko na dalawa ang tumama dito. Isa sa dibdib at isa sa ulo nito.

Kasabay nang pagbagsak ni Arthur ay nagkagulo na din ang mga tao sa loob at labas ng Casino.

Maliban sa akin ay natitiyak kong may isang pang sniper sa paligid. Hindi lamang ako ang nandirito. Ngunit sino naman kaya siya?

Mabilis akong bumaba ng rooftop bago pa man nila ako mahuli ngunit sa kalagitnaan ng building ay biglang may humarang sa akin.

May takip ang kanyang mukha at alam kong hindi siya kabilang sa mga guwardiya ng Casino.

"Sino ka?" I asked.

"Mahalaga pa ba 'yon?" Tugon nito tsaka ako sinugod.

Mabuti nalang ay mabilis ang kamay ko at bago pa man siya makalapit sa akin ay nauna nang dumapo ang kutsilyo sa leeg niya.

Tinanggal ko ang takip nito sa mukha. Hindi ko siya kilala ngunit kilala ko ang markang nasa leeg niya. Isa siyang miyembro ng isang gang. Ang Pentagon.

Bago pa man nila ako mahuli ay tuluyan na akong nakababa ng building at kaagad na nagpalit ng damit at nagbihis babae naman.

Paalis na ako gamit ang motor ko nang may isang taong pamilyar sa akin ang sumagi sa paningin ko.

"Papa?" I muttered to myself.

Instead na umalis ako sa lugar ay kaagad akong bumaba ng motor at sinundan 'yong taong nakita ko na kamukha ng aking ama ngunit bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko.

Saan na 'yon? Saan siya napunta?

Nagpalinga linga ako sa magulong paligid hanggang sa maramdaman kong may kung anong bagay na tumurok sa balikat ko.

Napalingon ako. Ngunit sa isang iglap ay bigla nalang akong nahilo at nakaramdam ng matinding antok.

~*~


Nagising ako nang nakagapos ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa silya. Ano 'to? Nasaan ako?

"Mabuti naman at gising kana." Isang boses ng lalaki ang nagsalita.

"Sino ka?" I asked.

"Wala kang karapatan na tanungin ako ng ganyan. Anyway, welcome to the Heaven's Gate."

Namilog ang mga mata ko sa narinig ko.

He-heaven's gate? Ang isa sa pinakasikat na Gang na mortal na kalaban ng Pentagon.

"Ano ang motibo mo? At sino ang nag-utos sa'yo na gawin 'yon?"

Sa pagkakataon ito ay humarap sa akin 'yong lalaki na may nanlilisik na mga mata.

Parang pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Wala akong sasabihin sa inyo!" tugon ko.

"Ipinadala ka ba ng Pentagon?" he asked again.

"Hindi ko alam ang sinsabi niyo! Wala akong anumang ugnayan sa kanila!" giit kong muli.

"Kung hindi ka galing sa Pentagon ay sino ang nag-utos sa'yo na paslangin ang isa sa mga shareholder ng Casino ng Heaven's gate?" muling nanlisik ang mga mata nito.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon